Yoki shinai moji

30 0 2
                                    

All written here is only fiction. 

Dear  Winter .

Hello .. siguro nagtataka ka kung bakit ako nagsulat sayo.. ewan ko ba na feel ko lang na isang araw na magsulat para sa iba .. Sinusulat ko to nung nagdidiscuss yung professor ko tungkol sa Science. Ang bad ko nuh ? Dada ng dada yung professor ko habang ako nagsusulat ng letter para sayo.. Ang dami daming sinasabi ng professor ko habang ako iniisip ang pwedeng sabihin sayo.

Nagtataka ka na siguro kung sino ako .. well ... di muna ako mag papakilala para exciting :) Actually nyan hindi mo ako kilala.. pero ako kilala kita .. pero di mo ako stalker ha ! .. Grabe naman yun ... Konti lang naman ang alam ko sayo.. Ikaw si Winter  na nag aaral sa State University, kumukuha ng kursong Engineering. Yun lang basic lang walang labis .. walang kulang .. Hindi mo pa naman ako stalker .. at wala din naman akong balak maging ganun .. Pero madalang kong bisitahin yung facebook mo :) okay Lang yun madalas naman kita makita sa school eh. . Tama ka sa iisang state university lang tayo nag aaral were schoolmates.

Madalas kitang tinatanaw pero dI mo naman alam na tinatanaw kita mula sa bintana.. Madalas mo lang akong madaan daanan. Nakaka salubong mo nga ako pero sa malayo ka nakatingin di mo tuloy nakita yung pag ngiti ko ... uyyyy nacucurious sya.. Siguro simula buKas  titignan mo na kung sino yung mga makaksalubong mo para malaman mo na kung isa ako dun..

WEll sabi sa statistics 1/40,000 lang ang  probability na chance na pwede tayong mag meet.. hay ano ba tong mga sinasabi ko.. baka mamaya bigla ka na lang matakot sa akin ha lilinawin ko hindi ako yung stalker type.. Observer ata ako ? hay hindi ako sigurado...

Uhmm... ayaw ko pa kasi umabot sa point na love na pala kita... Hindi naman sa ayaw kita maging boyfriend ayaw ko muna umabot sa ganun ... mahal ko pa ang buhay ko nuh !  Sa dami mo ba namang fans sa school at sa facebook mamaya girehahin nila ang tahimik kong buhay .. ang talino mo kasi tapos ang ganda nung maamo mong mata ... ano pa ba ??? basta ang pogi mo lahat na nasa sayo  !! 

Ang haba na nung sulat ko ... T.T siguro kating kati kana kung sino man ako ... Sige bibigyan kita ng kaunting information about me .. :) Syempre una na dyan girl ako ! hindi ako beki nuh! Malapit lang yung building nyo sa building namin kaya nga madalas kitang matanaw sa bintana ... uyyy.. alam na yan ... ! hahaha !

Hindi ko naman inaasam na mabasa mo agad to ... dahil hindi ko ito direktang ibibigay sayo ..pinost ko to kung saan para manatiling anonymous ako .. Di ba nga ayaw kong ma gera ng mga fans mo ... Di ko din naman inaasam na mag reply ka dito ... Masaya na ako kung mabasa mo to pero ok lang din naman kung hindi ...Yun lang ang laman ng sulat na ito na bored ka ba ??? Haba nuh ? Siguro  kapag nakita ulit kita magsusulat ulit ako pero pwede ding hindi na .. Bye  :)

Anonymous

PS. BASAHIN MO YUNG MGA NAKA BOLD LETTERS :)

Yoki shinai mojiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon