A/N: here na po ang UD!!! Read, Vote and comment... <3
-------------
The strongest type of love isn't the one you prove by saying, but the one you are ready to sacrifice anything for. - Usman Ismaheel Quotes
-------------------
-Kinabukasan-
Pinilit ako ni Nat na mag enroll sa school namin ngayon. Yeah PINILIT. Ayoko talagang lumabas ng bahay ngayon kase... DI PA RIN AKO MAKARECOVER. Pero pumyag na din ako. Baka kase makita pa nila mama ang namumugto kong mga mata. Pumunta kami sa school and nag-enroll then, diretso kami sa mall. Lakwatsera tong si Nat eh.
Nagpunta kami sa bookstore. Di ko pala nasabi na mahilig kaming dalawa ni Nat na magbasa ng libro. Pumunta agad ako sa Mystery Section at naghanap ng magandang libro.
"Steff! Dun tayo sa Romance section! Ang korni ng mga Mystery no!" -Nat
Napatigil ako sa paghahanap ng libro at humarap sa kanya. Sinamaan ko sya ng tingin. Alam naman nyang kagagaling ko lang sa break up tapos, magbabasa ko ng mga ganung libro?
"A-ano, mas maganda talaga magbasa ng mga books about Mystery. Mas may thrill. He-he" -Nat
Haaaay naku naman Nat. Ayaw ko na nga marinig ang word na love. Nagflashback tuloy sakin yung mga nangyare. Shizz... ang sakt talaga.
"Tara kain muna tayo" sabi ni Nat. Hinila nya ko palabas sa bookstore. Pumasok kami sa ***** *****. Walang masyadong tao dito kaya maganda talaga. Ayoko kaseng maingay na kapaligiran ngayon. Umupo ako sa may malapit sa dulo para makapag emo ako habang si Nat naman, pumunta na dun sa counter para um-order.
Anung oras na ba?
Time Check: 11:22 am
Maaga pa pala para maglunch. Haaayzzz...
"Sana maging masaya si Louie dun.."
Teka, pamilyar sakin yung boses na yun ah... Tumingin ako sa katabi naming table. Tama nga ang hinala ko. Sila Xander, Clark and Gervin nga. Mga friends sila ni Louie. Nameet ko na rin sila. Teka, si Louie ba kamo ang pinag-uusapan nila?
"Pano sya magiging masaya eh, sinaktan nya at iniwan si Steff..." sabi ni Xander.
"Oo nga" sabi naman ni Clark.
Te-teka, ako yun ah. Atsaka, ano bang mga pinagsasabi nila? Baka nga magpaparty pa yun kase wala na ko sa buhay nya...
"Kawawa talaga si Louie. Tsk tsk. Sana maka move on sya sa States." sabi naman ni Gervin.
"STATES???" napatayo ako sa gulat.
0.0 ---> Gervin, Clark and Xander
Lumapit ako sakanila. "Anong sabi nyo? Anong States?"
"Bumuntong hininga silang tatlo. Para bang napakahirap sabihin sakin.
"Nasa States na si Louie ngayon. With Jaime..." sabi ni Clark sabay iwas ng tingin. Aw. Eto na naman. Bakit ba ayaw akong lubayan ng sakit? Talagang iniwan na nya ko...
"Pumunta sya sa ibang bansa para dun magpakasal kay Jaime" -Gervin
Nag-uunahan na namang lumabas yung mga luha ko sa mga mata ko. Sa sinabing yun ni Gervin, parang tumigil ang mundo ko. Magpapakasal na sila? Pero... pano.. bakit ang bilis naman ata. Arggggh ang dami kong gustong itanong!! And, bakit di nya sinabi? Malamang naman no, sino ba gustong iinvite ang ex mong di pa rin nakakamove on sa break up nyo...
"B-bakit ang bilis *sniff* naman ata?" tanong ko. Parang sumisikip ang dibdib ko sa sakit. Di ako makahinga....
"Naka arrange marriage sila Louie at Jaime. Yun ang dahilan kung bakit nya iniwan ang taong mahal nya. At ikaw ang tinutukoy kong mahal nya. Ikaw yun, Steff" sabi ni Xander.
BINABASA MO ANG
Just For You (Short Story~Completed)
Fiksi RemajaStory of a boy and girl na nainlove sa isa't isa pero, may dumating malaking problema at kailangan umalis ni boy. Pano na yan?