Nakatulog Ka Na Naman

60 4 1
                                    

" Lonely people often sleep because they believe that dreams are better than reality. But please be the reality they ever dream of, they need it. "

~ acevis

-----------------------------------------------------------

" Bumangon ka na rin sa wakas, its a miracle" nagdadasal kunwari ng kaibigan ko

" Hindi pa ako natutulog." sabi ko

" Gising namin, tulog mo. Yan tuloy nagiging connect the dots pimples mo at nagkaroon ka na ng panibagong mata sa laki ng eyebags mo." sermon niya sakin

Nagtimpla na lang ako ng kape at kumuha ng pandesal. May pasok nga pala kami ngayon.

" Magayos ka na at pupunta tayo ng maaga sa school. May aausin pa tayong event mamaya."

Dumiretso na ako sa banyo at natapos na ako ng mga bandang 7:00. Papasok kami ng mga 10 kaya naman napagdesisyunan ko munang matulog.

after 1 hour

" Hoy bruha!!! Nakatulog ka na naman. Sinabi ko naman sayo na maaga tayong papasok."

" Halika na nga at tapos na ako kanina pa." medyo antok kong sabi

Naglakad na kami sa sakayan ng fx at sumakay na papunta sa school. Nakasabay din namin yung blockmate namin.

Crush ko nga yan. Matalino, gwapo at mabait. Idagdag mo pa na anak ng mayor pero sumasakay pa rin sa mga ganito. Humbleness si crushness.

Dahil panget ako idagdag mo pa ang katarayan ko at utak lang ang aking maipagmamalaki, hindi na ako aasa. Itutulog ko na lang to at nagbabakasakali din ako na mapaginipan ko siya.

" Nakatulog ka nanaman. Pahiya ka nanaman sa crush mo at bawas ganda points din yan." bulong na sabi ni Lucy

" Ganyan ba talaga siya? Pati sa room kasi lagi ko siyang nakikitang tulog." tanong ni Arragon aka crush ni Tine

" Nocturnal yan, buti nga at lagi siyang perfect sa mga quiz kaya hindi napapagalitan ng mga prof."

Tumawa naman silang dalawa at nagkwentuhan tungkol sa natutulog na Tine.

" Tulungan niyo ko mamaya lahat." sabi ni Arragon

" Areglado bossing. Ikaw na gumising sa babaeng yan. May pupuntahan lang ako." sabay baba ni Lucy

Tumingin naman si Arragon kay Tine. Ang cute niya lang tignan kahit nakabukas bibig niya at halatang hindi pa nagsusuklay.

Nung malapit na sila tinapik na ni Arragon si Tine.

" Pres gising na at malapit na tayo." biglang akong dumilat at nabigla ako na kaharap ko si Arragon

" Nanaginip ba ako?"

Tumawa naman siya at umiling. Bigla naman ako natauhan sa inasal ko. Pahiya ka nanaman Tine.

" May pinuntahan lang si Lucy. Baba na tayo, medyo traffic kaya maglakad na lang tayo kasi walking distance lang naman." medyo nahihiyang sabi niya

Tumango naman ako at naglakad na kami. Medyo awkward at nahihiya pa ako sa kanya. Lalo naman sa lagay kong 'to na hindi pa nagsusuklay.

" Mamaya pag nagumpisa na ang event, huwag kang matulog ha." narinig kong sabi niya

" Susubukan ko." ngumiti na lang ako sa kanya kasi wala akong masabi

Pumunta na kaming auditorium kung saan gaganapin yung event.

" Ang tagal niyo naman at naunahan ko pa kayo. Talagang inenjoy ang moment?" mapangasar na sabi ni Lucy

Hindi na lang ako kumibo kasi inaantok na talaga ako. Pinaupo na lang niya ako at napansin ko na wala na pala si Arragon sa tabi ko.

Sayang.

" Umupo ka na lang dyan at subukan mo lang matulog, uupakan kita." pananakot ni Lucy at umalis na siya sa harap ko

Dapat tumutulong ako pero sobrang inaantok na talaga ako. Pikit ko na lang saglit mga mata ko.

Saktong pagkatulog naman ni Arragon ay biglang tumugtog ang banda nila. Yung mga kablock nila ay nasa backstage at hinahanda ang napakalaking banner.

" Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.

Baby, you don't have to worry..."

Kumakanta lang siya, hindi tumitingin kay Tine dahil na rin sa sobrang kaba.

Lumabas na ang mga kablockmates nila at nandon na ang banner.

Napansin nila na natutulog si Tine. Pati mga kabanda ni Arragon ay napansin din si Tin, siya lang hindi.

Tumatawa naman yung iba pero iisa lang ang naiinis sa kanila, si Lucy.

" Uupakan talaga kita mamaya." sa isip-isip ni Lucy

Natapos na ang kanta at nagsalita na si Arragon.

" Can I court you, Cristine Rose Constantine?" tanong ni Arragon at tumingin kay Tine

Nagising si Tine nang hindi sigurado sa naririnig niya. Nakakarinig din siya ng mga tawa sa paligid.

" Sleeping beauty talaga si Pres."

" Haahahaha Imba."

" Leche kang Tine ka. Sabi kong huwag ka matulog." outstanding talaga ang boses ng kaibigan niya

Napatulala na lang siya sa harap at nakita niya na nakangiti na kinakabahan si Arragon.

Tumingin din siya sa banner at binasa ang nakasulat doon.

Can I court you, Cristine Rose Constant?

" Anong nangyayari?" sabi niya na medyo gulat

Tumawa naman si Arragon at sinabing...

" Nakatulog ka na naman."

Nakatulog Ka Na Naman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon