Graphing Paper

79 4 0
                                    

Isang maulan na hapon ng Septembre noon ng napagpasyahan niyang buksan ang kahong binigay sa kanya ng isang kaibigan. Dalawang buwan narin itong nakatago sa ilalim ng kama niya. Sabi ng kaibigan niyang naging kaklase niya sa Literature, galing daw yun kay France, and ex-boyfriend niyang namangka sa dalawang ilog. Nanginginig ang mga kamay na iniangat ni Nathalie Mariano ang takip ng kahon.

Puno ito ng mga post-it notes, ilang lapis at ballpen, at sandamakmak na graphing paper. Mga basura. Tiningnan niya isa-isa at binasa ang mga nakasulat sa mga post-it notes.

June 6, 2012

- Pre test in Literature (about Shakespeare)

- Assignment in Trigonometry

- Audition for Drama Club (3:00pm)

August 23, 2012

- Oral recitation in Filipino

- Report for El Filibusterismo(Chapter 19)

- Meeting for Drama Club

- Meeting for the school paper

November 14, 2012

- Meeting for the MathSci Camp

- Meeting for all the club’s president (@SSC office, 4:00 pm)

Nagdadalawang isip si Nat kung itatapon niya bas a basurahan ang mga post-it na wala na naming silbi kundi ipaalala sa kanya ang matagal na niyang kinalimutan. Dahil sa Drama Club na yon ay nakilala niya ang taong nagging rason kung bakit siya unang nakakuha ng line of ‘8.

Sunod niyang kinuha mula sa kahon ang tatlong blue Penway pencil at isang PaperMate na ballpen. Napansin niyang may initials ang mga lapis at may nakapalibot sa takip ng ballpen na dinikitan ng scotchtape. Kahit hindi niya yun nakita, alam na naman niya kung sino ang may ari nito.

France Ramirez

Tinignang mabuti ni Nat ang ballpen at nakita na marami nitong gasgas. Napangiti na lamang siya ng maalala niya na ito ang palagi niyang tinatapon sa basurahan kundi naman ay sa labas ng bintana ng dorm niya tuwing mag-aaway sila ni France. Matapos ang ilang minute ay hahanapin  at hahalungkatin niya rin ang basurahan  o di kaya’y lalabas ng silid at hahanapin sa hardin ng kanyang landlady na puno ng makahiya. Ang mga lapis na ginamit ni France ng nagpagawa siya ng assignment nila sa Social Studies; drawing nina Tutankhamen at Rameses II.

Sunod niyang kinuha sa kahon ay ang tatlong tissue na may pangalan pa ng Pizza Hut. Nakatupi ang tatlong tissue. Inisa-isa niyang tiningnan ang mga nakasulat sa loob nito.

Sa isang tissue nakalagay ang letrang “I”, sa ikalawang tissue ay may drawing ng heart na nagging dahilan para maubos ang tinta ng pula niyang ballpen, at sa huling tissue ay nakasulat ang NM gamit ang pentelpen na hiniram pa ni France sa schoolmate nilang katabi nilang nagmemeryenda noon sa Pizza Hut. Wala talagang hiya.

Sinunod niyang kinuha sa kahon ay ang pin na binili mula sa Baguio ng magseminar sila para sa school paper. Nilibre niya pa si France dahil naiwan niya ang wallet sa kwarto nila sa hotel.

Mga graphing paper na lang ang naiwan sa loob ng kahon. Binilang niya ang mga ito.  Pitong graphing paper na ang iba ay may petsa pang January 9, 2009. Hindi alam ni Nat kung bakit siya biglang kinabahan. Tulad din ng kaba niya noong araw na nakita niya ang isang post-it sa desk niya, ang post-it na tumapos sa pinakauna niyang relasyon.

Unang graphing paper…

Imbes na mga formula at Cartesian plane ang nakalagay,  nakita niya ang drawing ni Tamahome, ang crush niyang anime character noon. Napansin niyang may mga sulat sa ibaba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Graphing PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon