Sa Likod ng mga Ngiti

123 1 0
                                    

Kasiyahan, Kapayapaan, at Pag-asa. Ngunit ano ba ang tunay na nakatago sa likod ng mga maskarang ito? Kalungkutan, Sakit, Kabiguan. Hanggang kailan mo kayang itago ang tunay mong nararamdaman dulot ng pait ng nakaraan? Hanggang kailan mo kayang itago sa maskarang nakasuot sayo? Marahil palagi ka nilang nakikitang masaya at walang bahid na nakikitang kalungkutan sa mukha at hindi kailanman nag pakita ng kahinaan ngunit hindi nila alam kung sino ang tunay na ikaw, ikaw na labis na nasaktan... Nabigo... At minsan ng nawalan ng pag-asa. Ang ating mga mata ang nag silbing salamin ng tunay nating nararamdaman marahil napapansin nila ang iyong mga ngiti pero minsan naba nilang nakita sa mga mata mong hindi nagsisinungaling kung gaanong sakit ang nararamdaman mo ngayon. "I'm fine" malimit isagot mo tuwing tinatanong ka kung okay ka lang ngutin ang katotohanan hindi mo alam kung paano mo ipapaliwanag ang tunay mong saloobin sa likod ng maskarang may pekeng ngiti ay nagtatagong ng isang mukhang may bahid at pait ng nakalipas. Minsan naisip mo bang sana habang buhay ka na lang nakamaskara para itago at sabihin na "Maayos ang lahat" ngunit ang totoo gusto mong umiyak at sumigaw, maaring ang tanong sa likod ng ating mga ngiti ay sya rin dahilan ng ating pagluha... Minsan hindi ang luha ang sukatan... Kung gaano tayo labis na nasaktan kung sa bawat ngiting Mapanlinlang... Hindi man makita ng mga taong nakapaligid sa iyo ang tunay mong nararamdaman hindi mo kailanman maitatago sakanya ang sakit at pait sa puso mo. When you think that there is NO WAY. God can and will MAKE a WAY. Putting on a brave face so you won't see the pain. Laughing so you won't see the tears and smiling so you won't see the heart ache... Sadness and pain.

Written By: Christian Paul Sese Santos

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 16, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Likod ng mga NgitiWhere stories live. Discover now