Lor's POV
Andito ako ngayon sa classroom. And katabi ko si Dave.
Eto na naman tong feeling na to. Medyo kabado pag kinausap nya ako.
Pero buti na lang nakaheadset sya. Hindi nya maririnig tibok ni heart. Haha.
Tnititigan ko lang sya.
Alam mo Dave gwapo ka sana eh. Ang sama nga lang ng ugali. Tangos pala ng ilong mo at ang kinis ng mukha mo. Kaya pala madaming naiinlove sayo.
"Oo alam ko na yan. Alam kong naiinggit ka sa pagkatulis ng ilong ko at sa kutis kong parang babae. At oo madaming may gusto sakin." Bigla nyang sabi habang nakapikit parin at nakikinig ng music.
Ha?! Pano nya ako narinig? Wow! Mind reader ah? Dami nyan ngayon.
Grabe! Nabasa nga nya nasa isip ko.
"Kapal mo." Sabi ko.
"Kunwari ka pa. Alam ko naman may gusto ka din sakin. Pakipot ka lang." Sabi nya.
"Wow ha! Ang kapal mo naman!" Sabi ko.
"Syempre." Sabi nya.
Baliw talaga toh. Balita ko sa kanya, pag nanliligaw daw sya is torpe daw. Huh! Ke lalaking tao, torpe. Whaaa! Bading amp. :D
"Psst. Bading. May quiz tayo uy!" Sabi ko at kinalabit ko sya.
Niloloko ko lang sya eh. Whahahaha!
"Hmm.." Sabi nya lang. At aba. Nakapikit pa din sya at parang di ko sya kinalabit.
Kala mo ah.
*POK*
"Ano ba! Natutulog yung tao!" Sabi nya.
"May quiz kaya!" Sabi ko.
Taps bigla nyang kinuha yung notebook ko at nagsulat. Medyo mahaba ata yugn si sinusulat nya kaya ang tagal.
"Hoy! Notebook ko yan!" Sabi ko. At akmang kukunin ko na pero nilagay nya kagad ito sa desk ko. Tapos nagheadset na ulit sya. Abnormal talaga.
"Babe. Wag kang maingay jan ha? Tutulog lang ako. Iloveyou babe! Galingan mo sa quiz natin!
-Love,
Your Baby: Dave. :)"
Hala! Yan yung nakasulat! Hala! Baliw talaga to!
Kakalabitin ko sana sya ng biglang nagbell at umalis sya kaagad. Nagstop sya sa may pinto. Nakatingin lang ako sa kanya. Tapos humarap sya at .. Shet! Nagflying kiss pa sakin ang mokong!
Loko yun ah! Feeling ko ang init init ko at lahat na ng dugo napunta sa cheeks ko. Anobayan! Kundi ka lang pogi Dave Lim, kanina ka pa may sampalna bakat jan sa magkabilang makinis na pisngi mo.
Iiiiiiiiiihhhhh! :")
Nakakakilig naman eh! Pero stop lor! Malay mo pinapaasa ka lang nyan.
Madaming ganyan ngayon. Yung una sweet, pag nakuha na aayawan lang din. Nakakainis yung mga ganyan. Grabe. Di ba nila alam na nakakadakit sila ng damdamin? Tss.
Bumalik na ako sa katinuan nung pinalo ako ni best sa balikat.
"Best. Anyare?" Sabi nya.
"Ah.. Eh.." Nauutal pa ako. Eh pano magflying kiss ba daw si Dave?!
"Ikaw ha! Nakita ko yun!" Sabi nya at tinutusok yung tyan ko.
"Huh! Anuyun?" Sabi ko.
Tapos ngumuso sya. Shet. Nakita nya. Whahahahaha!
"Hahaha!" Sabi ko.
"Best, inlove ka kay Dave Lim." Sabi nya.
A/N
Hi guys! Thanks for reading this chapter. :)
VOTE AND COMMENT PRETTY PLEASE XD.
Thankyow. :*
