LFN-06

14 6 0
                                    

***
Katy

Nagising ako ng parang kumikirot ang mga pisngi ko. Wait, hapon na pala?? Uwian na?? Agad agad akong bumangon at tinanggal yung kumot kaso biglang may nagsalita.

"Ok ka na ba?" Sabi ni... rex? What is he doing here? Uwian na ah.. "A-Ano'ng ginagawa mo dito?" Sya ba nagdala sakin dito??I thought si ken. Kasi nung papapikit nako, nakita ko sya papalapit sakin.

Malamang pupuntahan nya yung girlfriend nya katy.

Ano ka ba naman. Asa ka pang magalala yun sayo. Peroo kasi... may pinagsamahan naman kami diba? Di bali na nga lang, masasaktan lang ako paginisip ko pa yun.

"Binabantayan ka malamang" Sabi nya sabay talikod sakin. W-wait. Di pa ako nakakapag thank you.

"Rex!" Sigaw ko, humarap naman sya sakin.

"Ano?"

"T-thank you" sabi ko sabay karipas ng takbo. Naunahan ko pa yata sya. Diko alam kung bakit nahihiya ako na kinakabahan nung sinabi kong thank you. May mali yata sakin.

Hay naku.

awasan na namin nung makarating ako sa room. ilang oras ba ako na tulog??4hours??

"Katy, ok ka na ba? Gusto mo hatid na kita sa inyo?" Sabi sakin ni maya. "Nope,ok na ako. parating na naman si manong roger eh. Umuwi ka na lang at magpahinga. Alam kong napagod ka sa ramble ka nina.hehe."

"Sure ka??" Tanong pa nya sakin.
Tumango na lang ako bilang sagot.

"Sayang may gagawin pa naman sana tayo. kung di lang tayo na paaway eh. Next time na nga lang." Sabi nya sabay talikod.

"Sa lunes na lang ulit tayo magkita ok?? Nandyan na kasi sundo ko eh..hehe bye!!"

Sabay takbo nya dun sa pulang sports car. Wow yaman ha!!

Nagintay pa ako ng ilang minuto pero di pa dumarating si manong roger. Pagabi na rin, at wala ng masyadong estudyante dito sa school. Pinili ko pang mag antay nung tumunog yung cp ko.

May nag text.

From manong Roger

Anak sorry, di yata kita masusundo Ngayon. Yung bunsong anak ko kasi nasa hospital eh. Inaapoy ng lagnat.Nakikiusap sana ako kung pwedeng mag commute ka muna. Sorry talaga.

Nung nabasa ko yun, wala na akong pakialam kung may susundo pa sakin. Naaawa ako bigla dun sa anak ni manong roger. Close pa naman kami nung batang yun. Sana gumaling na sya. Kinuha ko na yung gamit ko dun sa may bench at nagsimula ng maglakad.

Ako na yata ang pinaka malas na babae sa buong universe. Kung minamalas ka nga naman eh. Wala na akong pera sa wallet ko. Tanging mga credit cards na Lang ang meron ako. Aanhin ko naman yun??

As if naman pwede yun sa jeep Right?? Malas talaga hayysss..

Ano nga bang mas mamalas pa sa friday??

Ngayong araw na sabunutan ako, sinampal, umasa, napa clinic, hindi na kapag take notes sa mga afternoon subjects ko, at higit sa lahat wala akong sundo at wala akong pera kaya maglalakad nalang ako. Tse.

Sa sobrang inis at sa sobrang lalim ng iniisip ko. Hindi ko namamalayan na may kanina pa palang kotse na bumubusina sakin. Napatingin ako kung sino yun.

Laking gulat ko nung nakita ko si ken dun sa kotse. Bumaba sya tapos lumapit sya sakin.

"Bakit naglalakad ka lang? Nasan yung sundo mo? Di mo ba alam na mapanganib mag lakad sa gabi pag mag isa ka lang??lalo na't babae ka." Bungad nya sakin. He seems worried about me. Nagaalala nga ba sya sakin or pinag betan na naman ulit nila ako? Hindi ako nakasagot at wala akong balak na sumagot. Bumabalik na naman ang galit sa puso ko.

Tumalikod ako sa kanya at nag simulang maglakad ulit. Pero bago ako makalayo, hinablot nya na yung kamay ko. "sabay ka na sakin. Masyado ng madilim, baka mapahamak ka pa." Stop. Ayoko ng gantong treatment mula sa kanya.

Di nya ba alam na mas mapanganib dun sa kotse nya. with him? Its a disaster.

"Wag na ken. kaya ko na sarili ko Atsaka pwede ba? Stay away from me."

Were done.

tumalikod na ako sa kanya. Nakakailang hakbang palang ako nung maramdaman kung naangat ako sa lupa. Binubuhat na pala ako ni ken. Alam nyo yung buhat na parang bagong kasal?? Ganon yung ginawa nya sakin.

Pilit akong kumakawala pero subrang higpit nung hawak nya sakin. Hanggang sa mailagay nya ko dun sa front sit.

Agad syang pumasok dun sa kotse nya. Sa tabi ko malamang. Tapos lumapit sya sakin. Suuuubbbrraaanngg lapit. As in.

Tumingin sya sa mga mata ko.

"W-what are you d-doing?" Utal utal kong tanong. Napa smirk naman sya. " di ka parin pala nag babago. Wala naman akong ginagawa eh. Aayusin ko lang yung seatbelt mo." Sabay kuha nya nung seatbelt malapit sa bewang ko.

"Kailangan ganun kalapit? Atsaka pwede mo namang sabihin sakin eh. ako na ang magkakabit. ayoko naman na mag karoon pa ng utang na loob sayo since matagal na kitang inalia sa buhay ko." Sabi ko sa kanya. halatang medyo bitter parin ako. Pero masisisi mo ba ako? Kung pwede lang sana gumanti eh.

"Galit ka pa rin ba sakin?" Di ako sumagot. Tumingin na lang ako sa labas. Mag simula ng umandar yung kotse nya.

"Look katy. Alam kong galit na galit ka dahil sa nalaman mo pero hinayaan mo ba akong mag explain kahit ilang minuto lang? Hindi diba?? may Pinagsamahan rin naman tayo kahit papaano diba? Mahalaga ka parin naman sakin kahit papaano." Sabi pa nya.

Di ko parin sya kinikibo. Malapit na kami sa bahay namin nung nagsalita pa ulit sya.

"Mahalaga ka parin sakin kahit papano. Kaya gusto ko sana na makipag kaibigan sayo. Promise di na to bet." sabi pa ulit nya.

And this time nasa bahay na kami.

Binuksan ko yung pinto ng kotse.

"Pag iisipan ko." saka ako tumakbo papunta dun sa gate.



I hate friday

Last Friday NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon