Trina
Galit akong nag martsa palabas ng classroom namin. Walang hiya ka Jiro Kim! Anong karapatan mong insultuhin ang dibdib ko!?
Huminto ako sa tapat ng classroom nila at binuksan ito. Mukha naman syang nagulat kasama nya yung dalawa nyang kaibigan. Yung Aaron na may malaking ilong at Earl yung may pamatay na baba.
" JIRO KIM! YOU ARE SO DEAD! "- Sigaw ko at lumapit sa kanya. Tumayo sya at tumakbo.
" HOY KINGINA MO! WAG KANG TUMAKBO LECHE KA! "- Sigaw ko at hinabol sya.
Pinag titinginan kami ng mga kaklase nya pero wala akong pake! Ang gusto ko mahuli si Jiro, sipain, suntukin at pektusan!
Paikot-ikot kami sa classroom nila hanggang sa nahawakan ko ang uniform nya at hinila sya.
" HALA SHIT! "- Sigaw nya nang mapunit ang uniform nya.
" ANO KA NGAYON!? KINGINA MO HA! "- Sigaw ko at pinag hahampas sya.
Patuloy lang ako sa pag hampas, sipa at sabunot sa kanya nang may marinig akong malakas ayiie galing sa mga kaklase nya.
" MGA UGOK! ANONG INAAYIIE NYO DYAN!? MGA PUNYETA! "- Sigaw ko at pinag patuloy ang ginagawa ko.
" A-aray! Wala ka naman kasi talagang dibdib eh! Alam kong truth hurts at kailangan mo yun tanggapin! "- Sabi nya habang hinaharang ang kamay nya.
" Pakyu! Sabi nang may dibdib ako! "- Galit na sabi ko.
" Weh? Asan? Bat di ko makita ? "- Pang aasar nya.
Huminga ako ng malalim at hinampas sya ng malakas at binatukan.
" KINGINA MO! PERV! "- Sigaw ko at nag lakad na paalis.
" BASTOS! BASTOS! BASTOS! "-Sigaw ko at tuluyang lumabas ng classroom nila.
" Ayiie "- Napa hinto ako nang makita sila Monica, Micha at Sheina sa harap ko.
" Bagay kayong dalawa unnie! Kyaaah! "- Kinikilig na sabi ni Sheina.
Inirapan ko sya at umalis na. Tch insultuhin na nya lahat! Wag lang dibdib ko! Kasi taena nasasaktan ako huhuhuhu punyeta.
BINABASA MO ANG
wrecker
Short Story"so, anong gagawin natin para mapag-hiwalay sila?" 『seulgi ft. taehyung an online lovestory aphrodite's daughters #2』 ©LLEULCKS for the cover highest rank; #18 in short story