Hotel 666

2K 109 25
                                    

Author's Note: Inspired ito nung favorite song ko sa videoke! Wahahaha! XD

ONE-SHOT story. Dyusko po. Ayoko ng makakabasa ng 'bitin' na comment! Kabanas!! One shot story nga eh, meaning one short story. *O*

Enjoy reading! =)) Vote & comment po tayo! ;>

___________________________________________________________


"Welcome to HOTEL 666 Mr. Jayden Trillanes."


Sobrang lakas ng ulan kaya napilitan ako mag stop over sa isang hotel.


Inilibot ko ang paningin ko. "Such a lovely place.." Hinaplos ko yung pisngi nitong receptionist. "Such a lovely face.."


Napangisi na lang ako ng pamulahan sya. "Uhm.. Sir, these are your keys.." Tiningnan nya yung bell boy saka muling ngumiti sakin. "Please accompany sir Jayden to his room."


Kinindatan ko yung receptionist bago umakyat. "See you later!"


Humilata ako sa malaking kama. Binuksan ko yung TV habang umiinom ng pink champagne. "This is the life!"


Kinapa ko yung cellphone sa tabi ko. Wala pa rin signal? May ka-meet dapat akong Chinese clients eh. Inayos ko yung bag ko na puno ng sparkling crystals. Yeah, I'm a DRUG LORD.


May kumatok di na ko nagulat nung makita ko yung receptionist. Nakalugay na yung buhok nya at mapangakit na nakasandal sa pinto.


"Oh.. Hi.." bati ko sa kanya. "I'm sorry, I didn't catch your name.."


"Kailangan pa ba yun, sir?" Pilya syang ngumiti at tinulak ako sa loob paupo sa kama. Isa-isa nitong hinubad ang kanyang uniporme.


Ngunit napako yung atensyon ko sa news flash sa TV.


"27 year-old Jayden Trillanes was found dead in a car accident at 8:45 this evening. Due to heavy rains his mercedes-benz glide down the highway and crashed on a tree."


Naramdaman ko ang pagtulo ng malapot na likido sa noo ko. Nag-iinit yung mukha ko sa napakaraming dugo. Pumutok yata yung ulo ko. Nagkukulay na pula yung paninigin ko.


Hindi ko mawari yung takot at kaba sa puso ko. "T-tulong.."


Biglang nagbago iyong itsura nung receptionist. Nangislap na parang kwitis ang mga mata nya! Tinubuan pa sya ng sungay at buntot! "Relax.." Yung boses nya tila nanggagaling sa ilalim ng lupa. "Heto talaga ang lugar para sa mga taong katulad mo.."


Madali kong kinuha yung baon kong baril. Paulit-ulit ko syang pinaputukan! Nakakapangilabot na tawa lang ang iginanti nya sa akin. ISA SYANG DIMONYO!


Tumakbo ako sa pintuan pero nahablot nya ang mga paa ko! Sadyang wala akong laban sa kanyang lakas. Walang hirap nya kong hinila pabalik. "You can check-out anytime you like! But, you can NEVER LEAVE!"


Doon ko lang napagtanto kung nasaan ako.


Nagliyab ang buong paligid! Nilamon ako ng nagbabagang apoy!

Hotel 666Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon