Bea's POV
After ng ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay and marami nga ang bisita dahil maraming naka park na sasakyan, pagbaba namin ng sasakyan nakita ko sila ate Aly na nakatingin lang sakin biglang nag salita si ate Ella
"Hindi mo naman sinabi na marami pa lang tao dito sa bahay niyo" sabi ni ate Ella "don't worry mga prof's lang yan and yung mga Administrators sa ADMU haha tara pasok na tayo" sabi ko sakanila kaya tumango naman sila "Hi, Goodevening po ma'am Bea" nakangiting bati sakin ni manong guard "Good evening" tipid na sabi ko at pinag buksan niya kami ng gate "nasan si dad?" tanong ko sakaniya "nasa loob po ma'am" sabi niya sakin tumango naman ako sakaniya "tara guys" sabi ko kila ate Ella
nakasalubong ko si nanang at hinalikan ko siya sa noo napangiti naman sila ate Aly at si Jho sakin "ahm, nanang si dad? tsaka nandyan na po ba sila Kim?" tanong ko sakaniya "ahh ang daddy mo nandun sa garden kasama yung mga bisita niya. sila Kim at Vic naman nandun sa terrace" sabi sakin ni nanang "sige po. ahh nanang sila ate Aly, ate Den, ate Amy, at si ate Ella nga pala mga kaibigan ko" nakangiti kong sabi kay nanang ngumiti naman siya "uhm, guys si nanang katulong namin but she's like my second mom haha siya nag aalaga sakin habang wala si mom" sabi ko sakanila "hello po" sabi nila kay nanang ngumiti naman si nanang
"ahh iha, sino naman etong maganda na to?" tanong ni nanang sabay tabi kay Jho ngumiti naman ako "Nanang, siya si Jhoana yung nililigawan ko" sabi ko kay na nanang habang nakangiti "and Jho siya si nanang" sabi ko naman kay Jho "nice to meet you po nanang? hehe" sabi ni Jho na parang nahihiya "ikaw pala ang kinababaliwan nitong alaga ko hahaha" sabi ni nanang napayuko naman ako nung nakita kong nag tinginan sila ate Amy "nanang wag kang maingay haha" bulong ko kay nanang tumawa naman kaming lahat nakita ko din na namula si Jho haha cute niya
"Bei, nandyan ka na pala" narinig kong tawag sakin ni dad kaya naman humarap ako sakaniya at bumeso "Yes. nasan sila Kim?" tanong ko sakaniya "nandun anak kumakain na sila" sabi sakin ni Dad "uhm, dad sila ate Amy, ate Ella, ate Den, and ate Aly nga po pala mga kaibigan ko and co-athletes" pag papakilala ko sakanila kay dad "buti naman at sinama mo sila, Hi everyone alam kong kilala niyo na ko and kilala ko na rin kayo haha the one and only Ateneo Lady Eagles mabuti naman at napasyal kayo dito kamusta training niyo?" sabi ni dad sakanila "okay naman po sir Alfredo" nakangiting sabi ni ate Ly
"Don't call me sir Alfredo just tito. mabuti naman at maayos ang training niyo iingatan niyo ang sarili niyo ha?" sabi ni dad "yes po tito para po sa school" sabi ni ate Den "oo nga po thank you po sa pag bibigay samin ng lahat ng kailangan namin sa training " sabi pa ni ate Ella "and thank you tito for giving us allowance sobra sobrang allowance hehe" sabi naman ni ate Amy at natawa naman si dad "wala yun mga iha it's my pleasure sa sobrang dami niyong nabigay at nasakripisyo sa school kulang pa yun, so thank you" nakangiting sabi ni dad
"ahm, dad si Jhoana nga po pala nililigawan ko" sabi ko kay dad sabay hawak sa kamay ni Jho "she's also a member of Ateneo Womens Volleyball Team right?" tanong ni dad bago pa ko sumagot ay nag salita na si Jho "yes po tito" sabi ni Jho ngumiti naman sakaniya si dad "don't call me tito, just dad or daddy. Jhoana" sabi ni dad nangiti naman sila ate Ella at nakita kong namula si Jho "o-okay po d-daddy" nag-aalangan na sagot ni Jho "that's good Jhoana" sabi ni dad bigla naman nag salita sa Jho "uhm, Jho nalang po" sabi ni Jho cute niya haha
"so, ikaw pala yung iniiyakan ni Bea nung mga nakaraang araw. mabuti naman at okay na kayo" sabi ni dad nagulat naman si Jho "dad pleaseee" sabi ko kay dad "ay sorry haha loko loko kasi tong anak ko pero first time ko yang makitang umiyak sa babae ah bukod sa mom niya, so I think na totoo na talaga nararamdaman niya para sayo" sabi ni dad "dad please stop" sabi ko sakaniya pero ayaw niyang mag paawat grabe namumula na si Jho
BINABASA MO ANG
Ms. MVP meet Ms. SERIOUS
Подростковая литератураit's all about a girl who is very rich and a girl who is being serious when it comes to a relationship. this is my first time so good luck to me and i hope you all enjoy my story :)