Mother

50 3 5
                                    


Berniontot's Note:

 Hello po.. please paki play po ng video para may backround music kayo while reading.. ..(gumiho pa talaga ang theme song)—————————————————— ——————————————————

Short story

—————————————————— ——————————————————

***

Mother

" Ma! Pa! please patawarin nyo ako! " nakaluhod ako ngayon habang umiiyak at nagmamakaawa sa mga magulang ko.

" Isa kang suwail! "

" Disgrasyada! "

" Walang kwentang anak! "

" Bobo! "

Pero yan lang ang mga salitang lumabas sa bibig nila. Hindi nila ako pinakinggan. Pinalayas nila ako at hindi na pinabalik. Hindi na nila ako itinuring anak.

Ng gabing yon habang umuulan ay pumunta ako sa bahay ng ama ng pinagbubuntis ko. Pagkakita palang ng mga magulang nya sa akin ay isinarado kaagad nila ang pintuan nila.

Hinanap ko si Joel — ang ama ng pinagbubuntis ko.  Pero hindi sya nagpakita o lumabas man lang ng bahay nila. Pinilit ko syang kausapin pero ang sabi nya ay sorry!

Bigung-bigo ako na naglalakad sa kalsada habang dala-dala ang bag ko na laman ang mga damit ko at yong anak ko sa sinapupunan ko.

Nong gabing yon ay ipinangako ko sa sarili ko na kakayanin kong mabuhay mag-isa at palalakihin ko ang aking anak. Alam ko naman kasi na walang kinalaman ang anak ko sa ginawa ng ama nya.

Gutom na gutom ako noon at 50 pesos lang ang nadala kong ipon. Ang perang iyon hinoldap pa habang nakasakay ako sa jeep. Hindi ako maaaring pumunta sa friends ko at sa relatives ko dahil maski sila ay itinatakwil ako.

Kahit gabi na ay naghanap ako ng matutuluyan.  Buti nalang talaga at may isa akong waiting shed na nakita. Kahit may maliliit parin na ulan ang pumapasok ay tiniis ko nalang alang-alang sa baby ko.  Kahit gutom ay nakatulog rin naman ako. Pagkagising ko wala na ang bag ko. Baka ninakaw siguro.  Nang panahon nayon naisipan kong magpakamatay pero kawawa naman ang anak ko kung hindi nya man lang masisilayan ang mundo. Ayokong maranasan nya ang dinanas ko.

Hindi ako nawalan ng pag-asa at naghanap ako ng trabaho.  Wala man lang tumanggap sa akin dahil buntis raw ako at hindi man lang nakapagtapos ng grade six.

Naging basurera ako ng ilang araw hanggang sa may naawa sa akin at pinatrabaho ako bilang labandera at tagahugas ng pinggan.

Hindi naglaon ay naisilang ko na rin sa wakas ang natatanging biyaya sa akin ng Diyos. Kahit kailan ay hindi ko sisisihin ang anak ko sa kasalanan ng ama nya. Pinangalanan ko syang Anthony at pinabinyagan gamit ang kita ko sa trabaho ko.

Naging masaya naman ang buhay namin ng anak ko at naka renta ako ng bahay.

Pinaaral ko ang anak ko sa publikong paaralan at sinusubukan kong ibigay lahat ang kanyang pangangailangan.

***

Anthony

Bata palang ako ay sawang sawa na ako sa kahirapan. Lagi nalang tuyo at asin ang nagiging ulam ko. Masaya kong kasama ang mama ko. Pero nawala yon nong pinapasok nya ako sa paaralan.  Wala akong kahit isang kaibigan don at palagi pa akong inaaway ng mga bata don. Wala man lang akong kalaro at minsan ay pinagbebentangan pa ako ng mga kasalanang hindi ko ginawa.

MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon