I.UNCOVER

96 20 0
                                    

She loves him, he loves her. But we must hide it.

*****

(Dara)

"1, 2, 3 smile Dara."

Nag-pose naman ako ng nakangiti habang nakapeace sign yung mga kamay ko.

"Good, good. Tatlong shots pa." sabi ng photographer.

Nagpose na naman ako sa iba't ibang posisyon. Hindi naman talaga ako model. Artista ako.

Akala ng iba madali maging artista, nagkakamali kayo kasi wala kang privacy.

Laging may nakasunod, laging may mga issues. Pero ganun naman talaga eh, pumasok ako sa industriyang eto kaya I don't have a choice.

"It's a wrap." nginitian ako ng photographer. Nagpalakpakan naman ang mga staff.

Finally natapos na rin. Miss ko na yung hubby ko. Well I do have a boyfriend, but it's a secret. Walang nakakaalam kahit manager ko pero alam naman ng mga parents ko.

Lumapit sa akin yung P.A ko at binigyan ako ng tubig.

"Ang galing niyo po talaga Ms.Dara, ang ganda ganda mo."

Masayang sabi ni Ally, matagal ko na siyang P.A simula pa lang na nagsimula ako sa industriyang ito.

"Haha,bolera ka talaga"

Nakakatuwa siya kasi napakasipag niya, mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon siya rin ang nagpapaaral sa kapatid niya.

Nagpalit na ako ng damit, nag longsleeve lang ako atsaka ripped jeans.

Hayy salamat makakauwi na ako. Ilang araw narin akong busy dahil may gaganapin akong concert. Bukod kasi sa pagiging artista eh singer din ako.

Pagkatapos kung magbihis ay dumiretso na ako sa parking lot at umuwi.

Pagbaba ko ng sasakyan, tahimik na ang paligid. Alas dos na nang madaling araw. Sa ilang taong ko ng artista nasanay na ako na laging late umuwi o di kaya ay kulang sa tulog, kaya maliit ako.

Pagpasok ko nang bahay bumungad sa akin ang isang lalaking nakatalikod sa direksiyon ko habang nanunuod ng tv.

Lumapit ako sa kanya at tinakpan ko ang mga mata niya. Amoy na amoy ko pa ang pabango niya.

"Guess who?" malambing kong tanong. Namiss ko talaga siya. It's been three days since we talk, sa phone pa yun kaya miss na miss ko tong lalaking 'to.

"Wifey!" Naka ngiti niyang sabi. Yung tipong nakalabas lahat ng ngipin niya. Adik talaga 'to, parang laging sabog. Di nauubusan ng energy.

Kiniss ko siya sa pisngi saka tinabihan ko siya sa sofa. Pinulupot niya yung kaliwang braso niya sa bewang ko at marahang hinalikan ang ulo ko. Sweet.

Simpleng gesture pero nagagawa niyang pakiligin ako.

"So what are you doing here?"
Pinatay niya ang tv, tsaka pinukol ang tingin niya sa akin.

"Miss na miss na kita wifey. It's that bad?" natatawa ako sa kanya kasi nakapout pa siya. Isip bata talaga.

"Haha...hindi naman."

Nagseryoso naman siya. Di bagay sa kanya sa totoo lang pero ang gwapo parin niya.

"Eh bakit ka tumatawa? ako na nga nageffort para pumunta dito tas tatawanan mo lang ako? grabe siya"

Tinanggal niya yung pagkakahawak sa bewang ko at lumayo ng konti sa akin.

Aww nagtampo hubby ko. Ang cute niya talaga, kahit malaki tenga niya. Wag kayong maingay huh? haha. Pareho sila ni Yoda ng tenga. Yung sa star wars.

Uncover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon