"Minsan oo, minsan hindi"
Yan ang eksaktong nasasabi ko kapag naitatanong ko sa aking sarili kung mahal ba kita.
"Minsan tama, minsan mali"
Yan ang naiisip ko nung una kita na makusap nang matagal. Ako'y nauutal, kinakabahan pero sa likod nito, ay ayaw ko nang matapos itong magandang alaala.
"Umaabante, umaatras kilos mo'ng namimintas"
Naalala ko pa nung unang beses kitang sinubukang ligawan. Kala mo ay isang lamang 'tong biro.
Kaya kinuha mo ang aking handog na bulaklak.
Ako'y lubos na natuwa hindi maitago ang ligayang nararamdaman, ligaya na sana ay pang-habang buhay na, ligaya na sana'y wala nang katapusan.
"Kung tunay nga ang pag-ibig mo kaya mo ba'ng isigaw iparating sa mundo"
Tandang tanda ko pa yan ang sinabi mo sa akin, gusto mo na patunayan ko ang aking lubos na pag-ibig para sayo.
"Tumingin sa'king mata magtapat nang nadarama hindi gustong ika'y mawala dahil handa ako'ng ibigin ka kung maging tayo sa'yo lang ang puso ko"
Ya'n naman ang eksaktong sinabi mo sa'kin nung umakyat ako nang ligaw sa bahay mo.
Kala mo siguro biro lang ang lahat nang ito, kala mo siguro hindi ko kayang magmahal nang isang katulad mo.
"Walang ibang tatanggapin, ikaw at ikaw parin"
Yaan ang ipinangako ko sa iyo. Hindi na ako maghahanap pa nang iba.
"May gulo ba sa'yong isipan di tugma sa nararamdaman"
Tatandang tanda ko pa 'yan ang eksaktong sinabi ko sa iyo nung ika'y balisa at aligaga.
Hindi ko maintindihan, hindi naman kita sinaktan.
"Kung tunay nga ang pag-ibig mo kaya mo bang isigaw iparating sa mundo"
Natatandaan ko pa nung tayo'y magkausap nang mga panahong iyon. Tinanong mo muli sa'kin ang mga katagang iyan, at nung ako'y magsasalita na ay bigla mong binitiwan ang mga katagang "itigil mo na 'to"
"Tumingin saki'ng mata magtapat nang nadarama hindi gustong ika'y mawala dahil handa ako'ng ibigin ka kung maging tayo sa'yo lang ang puso ko"
Sa panahong iyon ako naman ang nagsabi sayo na mga katagang iyan at kasalungat saki'n ginawa noon hindi mo man lang ako tinitigan at sa halip ay lumayo ka.
"Kailangan ba kita'ng iwasan, sa tuwing lalapit may paalam ibang anyo sa karamihan iba rin pag'tayo iba rin pag'tayo lang"
'Yan ang gumugulo sa'kin isipan nung panahong 'yon hindi ko alam kung nasaktan ko ba ang iyong puso hindi ko alam kung saan ako nagkulang at hindi ko alam kung magkaparehas ang tibok nang ating puso.
"Tumingin sa'king mata magtapat nang nadarama hindi gustong ika'y mawala dahil handa ako'ng ibigin ka kung maging tayo sa'yo lang ang puso ko"
Tandang tanda ko pa ang isang sa pinakamasakit na kabanata sa aking buhay. Pumunta ako sa inyong bahay at kinausap ka binaggit ko muli ang mga katagang iyan.
At sinabi mo sakin.
"Tama na. Mahal din kita ngunit hindi tayo puwede. Tantanan mo na ang iyong kahibangan. Hindi tayo nababagay sa isa't isa. Kailanman hindi puwedeng magsama ang tao at isang kaluluwa. Palayain mo na'ko. Ayoko nang saktan kapa at ipamuka sa'yo ang katotohanan. Pero lagi mong tatandaan kahit ano'ng mangyari sa'yo lang ang puso ko."
*Author's note
Newbie here sorry po kung medyo pangit yung ending. Need ko po yung comments. Hehehehehe. 😐😐😂😂😂
BINABASA MO ANG
DAMDAMIN (Kwento Sa Bawat Saknong Ng Kanta)
Truyện NgắnPag-ibig isang salitang madaling banggitin pero mahirap hanapin. Isang salita na kung saan lahat nang tao ay gusto itong makuha. Isang salita na nagbibigay nang napakaraming kahulugan. Basahin ang iba't ibang kwento sa bawat kabanata. Sana po magust...