Una

4 1 0
                                    

November 13,2015

"Phia! Tanghaling tapat na nakahilata ka pa rin dyan! Wala ka na bang balak bumangon ha?!"

Hays. Isa na namang araw na gising ko na hindi na naman maganda. Nanay ko ang lagi kong alarm pero kahit ganun siya mahal na mahal ko pa rin siya.

"Ma, alis na po ako ha?"
" Hmm. Osya sige mag ingat ka!"
"Ay ma! May nakalimutan ka ata hehe"
"Ay oo nga pala"

// Kiniss ako ni mama

"Salamat ma. Pero di yun e, baon ko yata nakalimutan mo"
" ay eh. Oh eto anak ingat alabyu"

Pag kaabot ng mahal kong ina sakin ng 300 pesos agad na akong umalis tapos dumiretso na sa school.

Lumipat ako sa bagong school this november lang, buti nga natanggap pa ako kahit medyo late na. Lumipat ako sa new school na 'to dahil sa weird past na naransan ko dun sa dati kong school na siguro hindi ko nakaya.

"Hello St. Mary academy! Ready na ako sa new experience na ibibigay mo sakin!"

Sigaw ko pag pasok na pag pasok ko palang sa new school ko.

Andaming estudyante, ibat ibat klase sila. Hays sana naman mailugar ko agad sarili ko dito.

"Shemay. Asan ba dito yung room 16?"
Bulong ko sa sarili ko habang hirap na hinahanap ang room ko.

Nung nahanap ko yung room ko, madami na agad estudyante. Halos karamihan nakatingin sakin jusko.

Syempre hiyang hiya ako aber.

"Okay class, shut up!"

Lahat ng studyante nanahimik at umupo ng maayos sa mga upuan nila.

"I want you to meet your new classmate. Lady can you introduce yourself infront of my class?"

Wtf....

Tugudog. Tugudog. Tugudog.

Puso ko naririnig ko sa sobrang kaba.

"Aaah.. Oka.. Okay p.. Po maam"

"You look very nervous tho, okay introduce yourself"

DUUUUH OBVIOUS KABADO BENTE AKO NOH..

"Hi guys! Ako nga pala si Sophia Gonzales"

Tahimik sila lahat..
Tae medyo awkward ano po..

"Haha and im 16 years old"

Okay ayaw ko na ha. Di marunong makisama mga tao dito.

"Okay thankyou ms. Gonzales!"

Sabi ni maam sakin.

Mabait naman pala siya e haha mukhang strikto lang talaga siya.

Halos buong klase walang lumapit sakin para makipag kaibigan.

// Recess time

Bumili ako sa canteen ng isang pack ng siomai ft isang boteng royal

Well, favorite ko kasi ang siomai simula bata pa ako at syempre ang royal paboritong paborito ko!

"Uhm.. Hi?"

May isang boses ng babae ang narinig ko mula sa aking unahan ng lamesa.

"Ako nga pala si Nikka!"

Nagulat ako kasi syempre di ko inexpect 'to e.

"Hi! Im sophia. But you can call me phia for short hehe" sagot ko kay nikka

"Youre funny phia! Can we be friends?"

"Haha oo naman noh! Why not hehe"

Kumain kami ng sabay ni nikka.
Nakapag kwentuhan din kami ng matagal dahil matagal ang break time dito sa school na to.

"Classmate pala kita ano?" Tanong ni nikka.

"Yes. Ikaw yung nasa likod ko kanina"

Sabay narin kami bumalik ng room.

Natapos na ang ilang subj..

"Hirap pala talaga mag adjust"
Bulong ko sa sarili ko..

Uwian na nakapag paalam na ako kay nikka.

"Btw, whats your phone number?"
Tanong sakin ni nikka.

"Pm ko nalang sayo later"

Habang pauwi naisip ko na swerte na rin ako dahil may isa na akong kaibigan

Mabait si nikka, humble siya and caring. Sana makilala ko pa siya ng mas lubos..

"Oh phia! Kamusta naman ang 'first day wanna be' ng bagong school mo?"

Bungad agad agad as in agad agad ng aking mahal na inay.

"Haha ayos naman po. May isa na akong kaibigan."

"Osya kumain ka na sa kitchen at nagluto ako ng paborito mong kare kare"

"Salamat ma. Alabyu!"

i hate u, i love uHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin