Sa panahon ngayon, mahirap ng magtiwala.
Landian dito, harutan doon. Kahit saan ka tumingin may mga couple na akala mo wala ng bukas kung maglampungan.
Minsan nga pati na din sa mga social media sites mga nagpapapansin e. Kahit kapitbahay, artista. Pati anak ng mga taong kilala sa pulitika sinasama sa mga pantasya nila.
Sa dami ng mga gusto nilang i-jowa, hindi mo na malaman kung totoo pa ba mga sinasabi nila. Mga kunwari mabait. Sa simula lang sweet. Tapos pag tumagal at may nakita ng bago, parang bula na lang na biglang maglalaho.
Ako nga pala si Aimee Lexia Valdez. Isa akong Mass Comm student, 2nd year college. Sa araw araw na pagpasok at paguwi ko galing eskwela ay laganap na 'yang mga magjowa sa daan. Kung saan maabutan ng 'gobil', dun nalang. Hindi ko alam kung bakit hindi sila nahihiya. Wala na yata silang respeto sa mga sarili nila. Minsan naiisip ko din na kawawa naman mga magulang nila. Pinagaaral sila ng mabuti tapos ganyan ang mga ginagawa.
Diba parang ang bitter ko lang? Hahaha. Nope. Hindi ako broken hearted. Hindi ako iniwan, niloko, ginamit at pinagpalit. BIG NO. Sa katunayan nga ay may boyfriend din ako ngayon. Magtatatlong taon na kami. Siguro sa tagal namin kaya ko na nasasabi ang mga yan. Parang bigla nalang isang araw narealize ko mga ginagawa ko na sobra na. Oo, nasa legal age na ako. Pero hindi ibig sabihin ay gagawin ko na yung mga hindi dapat.
Siguro may mga pagkakataon din na naiisip ko yung mga pwedeng mangyari. Ang pagiging matured kasi wala naman sa edad yan e, nasa mga pinagdaanan mo yan. Kung paano mo nalagpasan ang mga hamon na araw araw binibigay ng Diyos para lumakas ka.
At isang araw, isa si Kin Michael Bion sa mga ibinigay Niya sa akin. Marami na kaming napagdaanan at malalaman ninyo ang mga iyon. Naging matatag ang relasyon namin at mas nakilala ko ang aking sarili dahil sakanya.
hiiiii! Magulo ba? Sorry. First story ko e. Hahahaha.
VOTE & COMMENT
-Queen_Biatch××
BINABASA MO ANG
Perfect
RomancePaano kung mafall ang isang mayaman, varsity ng school at hambog na si KinMichael Bion, sa isang nerd at cupid's assistant na si Aimee Lexis Valdez? Magiging Happily Ever After kaya ang kanilang istorya kagaya ng mga natulungan ni Aimee? O isa laman...