Chasing Beats...

25 0 0
                                    

Ano ba naman tong mga taong to?! Hindi na nga lang magulo, batuhan ng mga crumpled papers, ang ingay-ingay pa. Hindi man lang nila inisip na meron silang kasama na hirap na hirap nang nag-iisip kung anong kanta ang ipanglalaban para sa hearts festival: interschool battle of the bands?!



And serious talk, lahat sila, puro pag-ibig ang topic. F*ck that shit. Isa pang problema yan na napaka-personal saken.


Napabuntong hininga nalang ako kahit medyo naaasar nako. Heto, kaharap ko ngayon ang laptop ni Mico, naka-open ang youtube, hirap na hirap na naghahanap ng pwedeng ipanglaban. Medyo weird ba kung youtube ang gamit ko kesa google? Sensya na, yun ang gusto ko.



Type lang ako ng type... Fudge, I'm getting frustrated out here.



"Uy Spencer, kanina ka pa jan? pahinga ka kaya muna?" tanong ni Marion saken.


"Later, Mar." tipid kong sagot. Wala namang nagawa si Marion kundi bumalik kasama sa iba kong bandmates. Narinig ko pa siyang nagsabing "okay" pero patanong.



And yes, you heard it right, we're a band. Our band's name is "Chasing Beats" at very popular kami sa school. Lagi kaming sumasali sa mga band competitions pero inaasikaso pa rin ang pag-aaral. We practice in one of our bandmate's music room in their house. Buti na nga lang at hindi mo gaanong maririnig ng malakas yung room. Galing talaga ng papa ni Mico, architect eh.



By the way, ako nga pala si Spencer Sylianco. I'm the vocalist/guitar of the band. Pwede kong gawin ang dalawa o vocalist lang. I'm 19 years of age taking Secondary Education-major in Biology. I'm just a common guy out there. Nothing else to explain.


Napansin niyo na kanina si Mico, I guess? His full name is Michael Conrad Zayas. He's half-Filipino half-American, at siya ang piano 1 namin. He's also of same age like mine's but he's taking civil engineering. He's a very close friend of mine (though lahat naman sa band kaibigan ko). Hindi man siya marunong sa Filipino language, nakakaintindi naman siya at nakakapagsalita naman siya ng konti. And also, mayaman sila kasi yung business nila (too many to mention) sikat na ngayon dito sa Pinas. Pero hindi pahalata si Mico na mayaman sila kasi ayaw niyang nahahalata siya, kaya simple-simplehan lang siya. A unique thing about him is that he's like the guidance counselor in our band. Ang dami na niyang naitulong lalo na sa mga personal na bagay. He's also a good secret keeper. Ba't kaya hindi nalang siya nag Guidance and Counseling in the first place?



Other members are as follows:

Marion Espino (18 y/o; BS-Accountancy) – Piano 2 or Fiddle

Katrina Angel "K.A." Almendral (18 y/o; BS-Mathematics) – Bass

Vanne Cedric Orada (19 y/o; BS-HRM) – Drums



Tama na muna sa personal profile namin... balik muna tayo sa realidad.

Chasing Beats...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon