Chapter 2 - Result

20 1 0
                                    

Joong Ki's POV

"That was a good shot"

Natuwa naman ako sa sinabi ng photographer. Kakatapos lang ng photoshoot ko. Hays. After the dance rehearsal for my guesting sa isang show tomorrow, interview sa isang tv show, at itong photoshoot. Finally tapos na ang mga gagawin ko this day.I'm really tired na kasi!!! Well, buhay artista eh. Ganyan talaga.

Sa totoo lang mahirap ang maging artista. Bukod sa maraming ginagawa, wala ka pang private life. Bawat galaw mo binabantayan ng lahat. But, that's okay. Masaya ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon.

Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging artista. Noong una, hindi pumayag ang magulang ko sa pagpasok ko sa showbiz. Pero pumayag na din sila at ito proud na proud sila kung ano ako ngayon. Sa pogi kong to sinong hindi magiging proud? Haha. Jk lang. Mga fans.

Mmm. Ano na kayang nangyari sa pinsan ko? Nakasurvive kaya siya sa audition?

Phone Rings...

Speaking of pinsan, she's calling. I answer the phone.

"Yeoboseyo?"

[Oppa. Sunduin mo na ko.]

"Okay. Hintayin mo ko diyan." I hung up the phone.

Nagpalit ako ng damit at nagpaalam na sa mga tao doon. Sinabi ko sa driver ko na ako na ang magdadrive ng kotse. Binigyan ko siya at ang P.A ko ng pamasahe (mabait kasi ako. Jk.) since I will use nga my car.

After 30 minutes... Nakadating na din ako sa wakas sa school na ito. Nakita ko si cous. nakaupo doon sa may waiting area at halata sa mukha niya na pagod na pagod siya. Sino ba namang hindi mapapagod sa ginawa niya? Kakadating lang niya dito sa Korea tapos diretso na agad siya sa audition. Hay. pinsan ko talaga.

Bumaba ako ng kotse at tinawag ko si pinsan.

"Cous.!!!" Lumapit naman siya sa akin.

"Oppa!!!" She gave me a hug.

"Tara na cous. baka may makakita sa akin."

"Ay. Oo nga pala. Akala ko kasi nasa Amerika pa rin tayo. You know, hindi ka naman kilala ng mga tao don na artista ka."

"Nasa Korea ka na. Kaya tara na at umuwi. Pagod na ako" Binuksan ko ang pintuan ng kotse at sumakay na siya.

Habang nasa biyahe kami...

"Cous. anong nangyari sa audition?"

"Ayun!!! Makakapasok na ko sa school na yon. Yipee!!!" Wow! Lakas ng confidence.

"Lakas ng confidence mo cous. Wala pang result kaya easy ka lang."

"Oppa, I'm sure na makakapasok ako. Mga katulad ko ang hinahanap nila. Full package na kasi ako. Hihi!!" Huh? Anong full package pinagsasabi nito?

"Full package?" curious na tanong ko.

"Oppa. Kasi maganda na ko sexy pa. Plus may talent pa ko."

"Ano namang kinalaman ng full package doon?" Hindi ko gets. Sorry.

"Ang slow ha. Full package. Kasi nasa akin na ang lahat." Okay? Hindi ko talaga magets. Kayo? Gets niyo ba?

"Ahh okay." Nag - agree na lang ako sa sinabi niya. Ang gulo niya eh.

"Oppa. Matutupad ko na ang mission ko. Excited na me!!!"

"Goodluck sa mission mo. Susuportahan kita. Basta kapag may kailangan ka, nandito lang si oppa. I will help you." Mahal na mahal ko kasi tong si cous. Ako kasi ang karamay niya noong panahon na ang dami niyang problema.

The School for DreamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon