Unrequited love 1

24 2 0
                                    


                                                                                                                                                                07/24/07

Dear diary,

Haaaaaaaaay!! Diary nakita ko nanaman siya. Kaso may kasama siyang babae sa 7/11 Grabe ang pogi niya talaga. Kelan mo ba ako mapapansin Nico Castillo? Pansinin mo na ko oh.

Love,

Mady ♥


"Hay nako Salazar. Patay na patay ka parin jan sa Nico Castillo na yun." napatawa ako tas napa-buntong hininga "Eh ano naman bang pake mo?"  humiga ako sa kama ko tas kumuha ng libro  "Limang taon ka lang naman naghihintay. Wala yun. Wala talaga" binuklat ko yung librong paborito ko na tungkol sa unrequited love. Feeling ko kasi nakakarelate ako eh. Parang ako yung babae sa story. 

Nagising ako. Nakatulog pala ako habang nagbabasa nung paborito kong libro. Tamang-tama naman gising ko kasi maliligo na ko tas papasok sa school. 

Naglalakad ako sa may school grounds nang may narandaman akong mga matang nakatingin sakin. Ano pa nga ba? Isang nerd. Isang panget na nakasalamin na nagkagusto sa isang campus heartthrob. Ano pa bang ineexpect ko? Malamang dinuduraan na ako ng mga tao ito sa mga isip nila. Hays. Hayaan na nga. May magagawa pa ba ko? 

"Hey Mady girl! What are you doing here? I thought this is a private school? Bat andito ka?" Hulaan ko, si Jade tong nasa likod ko. "Why aren't you replying?" Akmang hahawakan na sana niya ang balikat ko nung humarap ako "Sorry Jade ah? Balik na ko sa room ko" tapos naglakad ako palayo.

 As usual may mga nagtawanan. Ganyan naman talaga ang scenario lagi eh. May mambubully tapos yung binubully walang gagawin kasi ayaw na mapagtripan lalo. "Mady!" Pero hindi napapansin ng mga binubully na sobra na yung mga ginagawa ng mga nambubully "Madison Salazar!" wala silang sapat na kakayahan para lumaban eh "Hoy salazar ano ba?!" kaya eto patuloy na walang nagbabago "Madison!" ARAY! Sino ba yun? "Kanina pa kita tinatawag! Hobby mo ba talagang magdaydream?" walang hiyang Abi to. Binatukan lang naman ako. "Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit parang pati ikaw binubully mo ko?" tumawa siya ng malakas tapos hinampas nanaman niya ko kaya tinigyan ko siya ng masama tapos nagpeace sign siya "Joke lang bessy! Lab naman kita eh. Kiss kiss nalang. Mwah mwah tsup tsup" 

Si Abigail Villanueva yung bestfriend ko simula bata. Family friends eh. Maganda siya. Pero tinuturing niya parin akong bestfriend "Correction lang bessy. We're sisters kaya" Huh? Pinagsasabi neto? "Nasabi mo kaya yang mga naiisip mo." Ay kaya pala "Yung totoo bessy? Hindi ka naman cast ng storya para maging bida ano?" tas tumawa nanaman siya "Jan ka na nga. Male-late ako sa mga ginagawa mo eh" sabi ko sabay alis.

Bat ko ba naging kaibigan to?

Nasa room na ako. Magkaiba kami ng section ni bessy kasi late akong nag-enroll. Tita at tito ko ang may-ari ng school. Pero syempre kahit na ganun ayoko ng special treatment kaya nga nabubully ako eh. Just kidding. Hindi kasi nila alam na kamag-anak ko may-ari ng school nato kaya ganun. Dagdag mo pa na panget ako kaya ganun. 

"Anjan na sila Nico and friends!" sigaw nung kaklase kong may gusto sa isa sa mga kaibigan nila Nico. Pero teka, Nico and friends? Diba dapat Thomas and friends? Weeeeeeeeeeeeeeeeeh!! Corny na Mady! "Hi Nico! Shan ka uupo? Gushto mo dito ka nalang sha tabi ko? Hihihihi" tanong nung nambully sakin kanina si Jade. "Kung saan malayo sayo" bored na sagot ni Nico. Balita ko kasi matagal ng binabasted ni Nico si Jade. Oha! Babae ang nanliligaw ngayon. 

"Nico shure ka na tatabi ka jan sha Madishon na yan?" sabi ni Jade "May problema ba dun?" tanong ni Nico tatabi daw sakin si Nico eh teka.. TATABI SAKIN SI NICO CASTILLO?!?!?!?!??!?!?!!?!?!? Inikot ko mata ko para maghanap ng ibang upuan kaso sa tabi ko nalang yung vacant seat. Pwede namang hindi umattend si Nico eh pero pinili niya paring tumabi sakin. Yieeeeeeeeeeeeeeeeee!!!! "Madison! Wag mong tatakutin si Nico baby ko ah?" tas tinanggal niya yung pagkakasabunot niya sa buhok ko sabay irap tsaka umalis.

Nagtuturo yung History teacher naman kaya nakikinig ako. Eto namang Nico na to flash ng flash yung camera. Pero parang sakin nakaharap? Joke lang. Baka sa legs nung kaklase namin na si Dinah. Sexy yun eh. Bulubundukin pa yung hinaharap. 

"Okay class dismissed." sabi nung teacher namin sa history

                                                                                                                                                                      7/25/07

Dear diary,

Hay nako diary!!! Tumabi sakin si Nico. Yung crush ko. Sabay kami sa lahat ng bagay. Pinipicturan niya ko, sabay kaming nagsusulat, parehas kaming nakikinig, parehas mulat at nakatingin ang mata namin sa blackboars, humihinga kami together, mamaya kami na forever. Syempre impossible yun. Kasi unang-una nerd ako at heartthob siya. Pangalawa, hindi ako yung pinipicturan niya kundi yung legs si Dinah at pangatlo... Wala na ko maisip eh. Bukas nalang dadag-dagan ko yan. Joke lang diary ah? Labyu :*

Love,

Mady ♥


"Mady girl let's go na sa cafeteria" tinignan ko kung sino yung tumawag sakin. Si Abi lang pala. 


Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon