Chapter 8

17 1 0
                                    

Chapter 8

Jenny's POV

"Sino ka ba bakit ba hindi ka pa tumitigil? diba ang sabi ko sayo kaya namin to,mahahanap namin ang kapatid ko." Singhal ko sa lalaking kanina pa sunod ng sunod sa amin. Hinahanap namin si Sandra gamit ang mga motor bike namin pero hangang ngayon hindi parin namin sya makita.

"Ako nga kasi si Daryll actually ganto ang nangyari habang nagjojogging ako kasama an......."

"Pede ba just tell us kung bakit ka nandito" pikon na rin na sigaw ni Claire.

"Chill,I just want to help." Sabi nya habang nakatingin parin sa kalsada alangan naman tumingin sya samin eh baka maaksidente sya.

"We don't need your help, tsaka isa pa bakit mo naman kami gustong tulungan?" Takang tanong ko sa kanya.

"Jenny, let him be. What's your name again? Daryll? So, May alam ka bang head quarters na malapit dito?" Relax na sabi ni Kz.

Alam ko na mukha lang syang relax na relax pero alam ko rin na sa loob loob nyan gusto na nyang patayin si Amiel. Dahil sigurado ako, kami, na sya ang may pasimuno ng lahat ng ito.

"Wala akong alam pero meron akong kakilala na makakatulong satin." Pagkasabi nya agad syang tumigil sa gilid at kinuha ang phone nya.

"Bro.... I need, I mean we need your help........ Long story....... Yes I need you all here...... Sa Reparo Road Caloocan..... Thanks bro...."after that pinatay nya na ang phone nya. "We must be thankful kasi malapit lang sila dito.." Sabi nya. Inismiran ko nalang sya at sumandal sa motor bike ko..

After a few minutes may dumating na tatlo pang motor, I mean tatlo pang lalaki na sakay sa motor... Hmmm just stating the fact......

O my, gwapo... Sabi ko sa sarili ko.

"Hi there,beautiful ladies." Sabi ng isa habang tumataas baba ang kilay nya.

"At talagang nagsama ka pa ng mga kasamahan mo." Sabi ko matapos kong ayusin ang sarili ko, nakalimutan ko palang sabihin sa inyo, ako kasi ang tipo ng babaeng mahilig sa boys. Oy, pero hindi yung mahilig sa... Alam nyo na yon .. Ang ibig kong sabihin, is mahilig lang akong makipag mingle, pero virgin pa ko ha, hindi ko basta basta ibibigay ang G card ko ah, nakalaan to sa lalaking mamahalin ako ng sobra. Gusto ko, ang unang magbibigay ng motibo or action is ang lalaki, pero, I always play being hard to get. Hahahaha.

"Girls, this is Sly, Lester and Kit" pag papakilala ni Daryll the pakielamero sa tatlong lalaki.

"So, what's the rush Daryll?" Sabi ng isang lalaki.

"Lo......."

"We have the whole time para pag-usapan yan, but before that, meron ba kayong alam na head quarter na malapit dito? Malaki ang possibility na malapit Lang din sa bahay dinala si Queen." Tanong ni Kz.

"Meron malapit lang sobra." Pagkasabi pagkasabi ni Sly non agad kaming sumakay tatlo sa motor bike namin.

"Akala ko ba tutulongan nyo kami eh bakit nakatayo lang kayo dyan."

Agad naman silang kumilos. Sinundan lang namin silang apat. To be specific si Sly. Dahil sya lang naman ang may alam ng lugar.

Sandra's POV

"Amiel, hindi mo ko naiintindihan eh." Sigaw ko sa kanya mula sa baba.

"Hindi Sandra ako ang hindi mo naiintindihan. Mahal kita? Oo, hindi itatangi pero, sinaktan mo ko, sinaktan mo ko hindi dahil, sa binusted mo ako, nasaktan ako dahil sa ginawa mong panloloko sa kin at yun ang hindi mo na iintindihan. Ako ang nasaktan, Sandra sa simula palang alam mo na ang mga ayaw k......."

"Alam ko amiel pero, wala na ba talagang pag-asa na pakawalan mo ko." Putol ko sa sinasabi nya.

Natigiligan sya hindi ko alam kong bakit...

"Wala na ba talagang pag-asang maayos natin ito. Wala na ba talagang pag-asang maibalik ang dating me......." sabi ko habang pinipigilan na umiyak pero dahil sa taksil ang mga luha ko unti unting tumulo ang mga ito.

"Tama na!!!!!"Nagulat ako ng putulin nya ang sinasabi ko.

"Ano ba Amiel wag mong sabihin sakin na mag pa padala kana naman sa mga kasinungalingan ng babaeng yan."tanong ni Jiro kay amiel.

"Matagal na nating pinagplanuhan to eh." Dugtong ni Jiro.

Wala ng sinabi si Amiel nanatili lang syang naka-yuko. Hindi ko rin naman masisisi si Jiro kung ganon na lang syang magalit sa kin sinaktan ko ang best friend nya. Umalis na lang din ako ng hindi man lang din nagpaalam sa kanila lalo na kay amiel.

Alam ko na ang patutunguhan ng mga ito. Gagawa ako ng paraan para makatakas, inikot ko ng tingin sa buong warehouse na sa palagay ko eh ginawa nilang head quarters.

May isang saw or lagari na nasa lamesa di kalayuan sakin, actually hindi naman sya lagari na something dahil wala naman syang hawakan pero lagari parin sya, dahil sa haba at sa mga ngipin nito na matatalas. . Kahit malayo kukunin ko yun, kahit mahirap dahil sa naka tali ang mga paa't kamay ko.

Dahan dahan kong inipod ang upuang na pinagkakatalian ko para hindi ni la malaman ang gagawain kong pagtakas. Habang patuloy si Jiro sa, let's say pagpapangaral (Ang lalim) kay Amiel.

Sorry Amiel, I'm doing this para makatakas ako but remember na you're will always be a part of me.
Bulong ko sa sarili ko. Yan ang mga salita na di ko kayang sabihin sakanya ng harapan. Di katagalan nakuha ko rin ang gagamitin kong pantakas.

Ginamit ko ito para maputol ng tali. Mahirap sya, Oo pero di nagtagal naputol din ang tali.

Dahan dahan akong tumayo binabantayan kung titingin ba sila sa gawi ko.

Ng hindi sila tumitingin napagdisisyonan kung tumakbo ng dahan d......

"Jiro, Amiel she's getting away."natigilan ako ng marinig KO ang boses ni Miko.

"Ano pang hinihintay nyo?"sigaw ni jiro.

Agad na tumakbo papalapit sakin ang mga panget na to.

"Wait bakit ang unfair nyo naman anong magagawa ng isang babae sa inyong lahat.???"lahat kami nagulat ng biglang may nagsalita sa likod ko. Agad Kong tinignan ito. Nagtaka ako sa mga nakikita ko. Apat na lalaki na mukhang maaangas.

"At sino naman kayong mga pakielamero kayo." sigaw ni Jiro

"Stop that Jiro hindi kayo ang ipinunta namin dito si Sandra. Just let her go and walang mangyayaring masama sa inyo."

~~~~~~~
Ayan sorry guys sa late na update meron kasi kaming naging bisita from Davao friend ng parents ko so yun minsan lang ako makapagsulat sorry talaga and promise bawi ako sa next update. Sorry talaga and doon sa gusto ng dedication, free to ask me and hindi naman ako madamot so thank you sa support kahit bago palang ang story ko thank you ng marami

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon