Love? Ano nga ba ang ibig-sabihin ng love? Sabi ng iba masakit daw umibig. Sabi naman ng iilan masarap umibig. Masakit siguro kung niloko at sinaktan ka ng taong mahal mo at masarap naman kapag mas mahal ka ng taong mahal mo.Hmmm, paano kung natagpuan mo na yung taong gusto mong mahalin at makasama hanggang sa kabilang buhay? Yung tipo na super saya mo kapag siya yung kausap mo at super saya mo kapag nakikita mo siyang nakangiti...
Pero paano kung malayo kayo sa isa't isa? Paano kung bawat araw na lumipas sumusuko na siya habang ikaw araw araw nadadagdagan yung love mo para sa kanya?
Alam mo ba yung tipo na gulong gulo na yung isipan mo kasi wala kang idea kung ano ang dapat gawin para mahalin ka niya ulit at huwag iwan?
Alam mo ba yung feeling na nababaliw ka na sa kakaisip kung ano yung nagawa mong mali sa kanya? Para maitama at baka magbago yung isip niya at marealize niya na mahal ka pa rin niya...
Pero sa huli nasa sa'yo kung....
Ipaglalaban mo ba yung nararamdaman mo o susuko ka na lang.
Tara at simulan na natin ang kwento.....