Secretly In Love With Her

528 15 0
                                    

Gusto kong bumalik dun sa nakaraan kung saan na dapat ako yung una mong nakilala bago siya. Gusto kong bumalik doon sa moment na aaminin ko na dapat sa’yo na mahal kita pero hindi ko nagawa. At gusto ko din bumalik doon sa moment na ako dapat yung nagsusundo sa’yo sa school niyo pagkatapos ng klase mo na siya ngayon yung gumagawa. Dahil hanggang ngayon, nagda-daydream pa rin ako na sana 'ako na lang yung naging boyfriend mo.'

Last night, umiiyak ka na naman. Nag-away na naman kayo ni boyfriend no’? Alam ko bago lang kayo at kakaumpisa lang ninyo sa inyong relasyon, pero tama ba yun? Gabi-gabi na lang ah? Hay nako! So heto na naman ako to the rescue. Nagpaka-knight-in-shining-armor na naman ako para sa’yo. Ako na naman yung pinaka-una mong nilapitan. Sinumbong mo na naman siya sa’kin. Kasi sabi mo, with me, you find comfort. Na sabi mo rin na kaya kitang patahanin kapag nag-aaway kayo ni bf. At ako lang yung taong nagpapatawa sa’yo pagkatapos mong humagulgol ng sangkatutak, di ba? :) Pero alam mo, habang ginagawa ko ang lahat para mapasaya ka sa tuwing nalulungkot ka.. naiinis ako sa sarili ko. Alam mo kung bakit? Kasi dapat hindi naman mangyayari lahat ng yan kung umamin ako sa’yo eh.

Pinunasan ko yung nangingilid mong luha. Pinakalma ka. Ibinili at pinakain ka ng paborito mong McDonald’s friench fries. And take note, malayo ang Mcdo sa lugar namin kaya lumipad pa ko ng isa o dalawang kilometro makabili lang niyan para sa’yo. Pagkatapos natin kumain, hinanda ko na yung gitara ko. Kasi alam ko hindi makukumpleto yung pagbisita mo sa bahay ng hindi mo ko pinapakanta. Nagsimula akong tumugtog ng gitara. Nakatingin ka sa’kin nung mga oras na yun habang tinutugtog ko yung paborito nating kanta. At sa kalagitnaan ng pagtugtog ko, bigla kang yumakap sa’kin. Umiyak ka ulit. Akala ko ba okey ka na? Tinanong kita kung bakit. Baka hindi mo nagustuhan yung pagkanta ko. Sintunado ba? May mali ba sa lyrics? O baka naman sa nakain mong french fries? Hindi ba masarap? Lasang UFC Ketcup ba yung ketchup imbes na Heinz Ketchup? Sumakit ba tiyan mo? Biglang natigil pagkataranta ko ng may binulong ka sa’kin. Unexpected words came out of your mouth. Hindi ko alam kung paano mag-rereact sa mga sinabi mo pero pagkatapos nun, niyakap din kita ng mahigpit.

" Sana ikaw na lang boyfriend ko. "

Pagkatapos mong banggitin yung mga salitang ‘yon at dala na rin marahil ng sobrang pagod mo sa kakaiyak nung gabing iyon, nakatulog ka sa mga braso ko. Nakayakap ka sa’kin at ganun din ako sa’yo. Nang mga oras na yun, nangiti ako. At ewan ko din kung bakit pero.. bigla na lang din pumatak yung mga luha ko sa mata..

" Sana ako na lang talaga. Sana tayp na lang dalawa. " :'(

Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon