Chapter 1

23 2 0
                                    


Sabi nila ang HIGH SCHOOL LIFE daw ang pinaka masayang taon na mararanas mo sa buhay mo. Nandito daw kasi lahat ng mga unforgetable momories mo. Lahat ng saya, lungkot at pagdurusa.

Dito mo daw kasi mahahanap yung mga TOTOO MONG MGA KAIBIGAN, yung mga memories niyo kapag magkasama kayo ng mga kaibigan mo. Yung mga memories na magkakasama kayo gumagawa ng mga kalokohan sa school niyo. Pare-parehas kayo napapagalitan ng mga teacher niyo. Mga memories na palagi kayong may lakad na natutuloy lang kapag biglaan at yung ibang lakad niyo na hanggang drawing nalang.

At syempre sabi nga nila dito mo rin daw kasi mahahanap yung taong magpapatibok ng puso mo sa bata mong edad PUPPY LOVE sabi nga ng karamihan. Yung taong gustong-gusto mo. Yung taong kapag makita mo lang buo na agad araw mo. Yung taong isang ngiti niya lang okay na sayo. Yung taong nagpapasaya sayo kahit hanggang tingin ka na lang. Yung taong makausap mo lang bumabaluktot na agad yung dila mo.

Ang sabi ko naman "Ano ba yang kakornihan niyo! Syempre di yan totoo hahaha! Ako nga mag ga-grade 9 di parin ako nakakaranas ng mga ganyan!"

Hello! Ako nga pala si Anne Marie Berbania at oo totoo ang sinasabi ko hindi ko pa nararanasan yang mga sinasabi nila. Alam ko naman na hanggang kwento lang sila kahit di talaga totoo. Kasi ako nga magga-grade 9 na ako sa pasukan wala pa akong taong nagugustuhan yung tipong parang mahal mo na. Meron akong mga crush pero hanggang dun na lang. Wala eh di ko talaga sila magawang mahalin hanggang crush lang talaga.

Magga-grade 9 na ako ngayong araw. Masaya ako kasi kahit papaano may kaibigan naman ako na magiging kaklase ko pero nakakalungkot parin kasi nagkahiwalay kami ng bestfriend ko na si Carla Gonzaga. Pero okay na rin naman atleast new friends diba? Pero di parin talaga mawala-wala yung nararamdaman kong kaba. Kasi ibang enviroment na naman to, panghapon kasi ako ngayong grade 9 di na ako masyado sanay kasi pangumaga ako nung grade 8 ako pero okay na rin naman kasi nung grade 7 ako panghapon ako kaya keri lang.

Nagpm na ako sa kaibigan kong si Ara Mina Bernardo na magkita na lang kami sa room namin. Habang naglalakad ako sa ground di na talaga ako sanay kasi sobrang init tapos andaming tao na naglalakad lakad na kala mo nasa mall lang. Malaki laki naman yung school namin pero hindi yung literal na malaki kasi parang parectangle yung shape nito eh. So yun nga nagkita na kami tapos grabe pagpunta namin sa room bakit ganun ang kalat tapos unti palang yung nasa loob. Siguro yung iba mayamaya pa pupunta. Nagkwentuhan muna kami ni Ara.

"Ara okay lang ba sayo na maging panghapon?" Ako

"Okay lang saakin pero nakakapanibago. Parang gusto ko tuloy lumipat para kasama si Catherine" Ara

"Baliws! huwag na! Wala akong kasama dito" Ako

"Sige na nga para naman new friends din hahahah" Ara

"Oo nga naman hahahah" Ako

Dumating na yung teacher namin wala naman masyadong pinagawa, pinasulat lang kami sa one forth ng mga common information tungkol sa amin. Unting unti naman na nagdadatingan yung mga kaklase namin. Grabe di ko ineexpect na ganito parang iba talaga di ako sanay kasi mas marami lalake kesa sa babae kaya nakakailang din. Di ako makatingin sa likod kasi mahirap na ayoko ng eksena. Puro ganun yung mga pinaggagawa namin sa lahat ng subject. Sulat sa one forth ilagay yung mga common info tungkol sayo blah blah blah. Kaurat lang pero okay lang naman kasi walang pakilala kilala sa harapan hahahah!

Naiba lang talaga sa english adviscer kasi namin ay english subject ang hawak kaya may mga officers na kailangan. Pero ako pagod na gusto ko ng matulog o di kaya isalampak yung ulo ko sa desk. So yun na nga kailangan daw botohan except lang sa muse and escort. So ayun bumuto na lang ako kesa tumunganga. Tapos na yung botohan sa ibang officers nahuli lang yung muse and escort. Escort muna inuna ni ma'am si Mark pinili niya gwapo naman siya singit kamukha daw Mateo Do pero wapakels parin talaga ako. Nagulat na lang ako kasi ako nilagay ni ma'am sa muse. As in ako. Literal na pangalan ko ANNE MARIE BERBANIA Kagulat naman! Oo inaamin ko na may itsura naman ako pero di ganun ka stand out atsaka di ako payat o kaya sexy! chubby pa kaya ako! Kaya literal na nagulat talaga ako. Oo maganda DAW ako sabi nila kasi mukha DAW akong BARBIE. WTF.

Pero grabe di ko feel. Parang ewan nga ako. Wala akong kaayos ayos sa sarili ko. Mukha pa akong bata. Hay naku! Bahala na nga! Pero nakakagulat talaga! So pinatayo kaming mga officers, ako nga nagpabebe pa eh kasi di ko talaga expected sa totoo lang maganda si Ara di ko nga alam kung bakit ako pa napili ni ma'am kesa kay Ara. Nagpakilala na lahat ng officers pero di ako makatingin sa mga kaklase ko. Siguro iniisip nila "Di naman maganda ang taba naman eh" Pero kahit ganun ngumiti na lang ako kahit pilit lang at dahil nga ngumiti na ako tumingin na rin ako sa mga kalase ko. May napansin ako sa isa kong kaklase? Bakit ganun siya umupo? Hahahah kuba lang ang peg? Ngayon ko lang siya napansin kasi di talaga ako tumitingin sa likod buong subject. Tinignan ko mukha niya pogi siya pero mukhang bata pero ganun mga type ko pero naku ayoko muna mag ka-crush. Pinaupo na kami ni ma'am tapos binati naman ako ni Ara.

"Uy, congrats Ms. Muse" Ara

"Heh! Dapat ikaw na lang Ara eh very wrong si ma'am!" Ako

"Ano ka ba! Maganda ka naman talaga eh!" Ara

"Eh ayoko na BV ako ngayon!" Ako

Napaisip ulit ako dun sa kaklase kong napansin ko? Hays ewan ko sa kanya. Nagkaroon din ako ng mga kaibigan sila Jeanla, Khaella, Roselyn, Andrea siguro karamihan sa mga kaklase kong babae. Pero tatlo lang talaga kami ni Ara at Jeanla yung nagkakasama. Mabait naman yung iba at approachable namang tignan. Nalaman ko rin yung pangalan ng kaklase naming napansin ko kanina. ALDRIN PERALTA. Okay siya pero sayang kasi crush na siya ni Jeanla kaya maggigive way na lang ako.


---------------


Copyright.

Based on my true story. Not all.

MyLovableGirl18

Love Without ConditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon