Chapter 1

64 0 0
                                    

ANGEL's POV

"Hello baby girl, how's school?" I asked my daughter. I fetched her from school. We're now on our way to the nearest mall to celebrate her, being the top in class.

"Mom, I'm a big girl now, stop calling me baby girl already." Sabi n'ya at nag pout pa! Ang cute cute talaga ng baby ko.

"I'm sorry to disappoint you baby girl, kahit mag debut ka na, makapag-asawa, magka-anak, for me you will forever remain my baby. "

"C'mon mom, I'm nine." Sabi n'ya.

"So?" Ika ko. "Like I said, you'll forever be my baby, nothing will change that. Moving on, where would you like to eat baby girl?" Tuloy tuloy kong wika para hindi na s'ya maka-angal pa.

"Fine, suit yourself mom." Ika naman niya habang tila nag-iisip na nakatingin pa sa itaas na direksyon. "I want pizza mom. Perhaps, uhm... Domino's?" Ika niya kapagkuwan.

"Sure baby, Domino's it is. Now get yourself together, we're almost there."

"Yay!" Pumapalakpak pang sabi niya.

Bibo ang anak ko. Matalino. Masunurin. Mabait. The most beautiful thing that has ever happened to me. She's my life. Everything's perfect. However, there's one thing that I keep praying for. Na sana wag na n'yang hanapin ang daddy niya. Although, yes, I know, one day, surely she'll ask me about him. I'm thankful that as of now, being the good daughter she is, never pa n'yang itinanong ang bagay na 'yon sa'kin. At sana, wag nang dumating 'yung araw na 'yon dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

Ako sa sarili ko, hindi ko alam kung sino ang daddy nya. Hindi dahil sumiping ako sa kung kani kanino ha? Hindi nga ako nagka boyfriend kahit kalian. NBSB ako. Opo. No Boyfriend Since Birth. Pano ako nagka-anak? Ampon ko po s'ya. Joke! Ako po ang nagluwal sa kanya. Ang hirap hirap kayang umire. Tapos itatanggi ko lang siya? Try nyo minsan. Haha!

Well, back to her conception. Alam nyo 'yung immaculate conception? Kung oo, hindi po ganon ang nangyari. (^_^)v

Eto na, eto na nga. Well, high school graduation day ko noon. Ang natatandaan ko lang, my best friends Monica, Alie and I, together with our batch mates went to celebrate. Mind you, I was the valedictorian!

Confetti! Confetti! (^__^)

So yeah, we celebrated. Being alcohol virgin, isang shot, basag na ako agad. E biruin mong hindi ako tigilan ng mga kasama ko? Ibigay ba daw sa 'kin kahit hindi ko bote at ipa inom sa 'kin? Dahil sa kabangagan, hindi ko na nadistinguish kung akin nga ba ang mga inaabot nila sa akin.

Nang hindi ko na kinaya, nagpaalam na akong pupunta sa sasakyan at doon ko na lamang sila hinintay matapos at umuwi. Pag gising ko, nasa kwarto ako ng isang hotel, nakabalot ng kumot at hubo't hubad!!! Iyak ako ng iyak noon. Nakita ko pa ang blood stain sa white sheet ng kama. Ang virginity ko! Wala na! Ni hindi ko alam kung sino ang kumuha! Sana gwapo noh?! Aish, at naisip ko pa talaga na sana gwapo ano?! Valedictorian ba talaga ako?! (-.-)7

Dahil wala na akong magagawa, tumayo na ako, nagbihis at umuwi. After 9 months, dumating si Haru na parang magic. Magic talaga? (^_^)v

Noong una, hindi matanggap ng parents ko ang nangyari sa akin. Akala pa nga nila, naglihim ako tungkol sa relasyon ko sa daddy ni Haru. Anung ililihim ko sa kanila? E kahit sakin lihim kung sino sya?

Hindi ko na pinag aksayahan ng panahon na hanapin pa siya. Dahil wala naman akong clue about him. I kept studying kahit buntis ako kay Haru. Wala namang kaso sa college kahit buntis ang student dahil may mga students na mga may asawa at anak na talaga. Mga second coursers o kaya ay may sari sariling circumstances sa buhay na hindi ko na inalam. Masyado akong busy sa buhay ko at pag-aaral na hindi ko na kayang tsumismis pa. Haha! Mga tsismosa, tamaan! (^_^)v

My Daughter's DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon