"I've already arrange the marriage between you and Oliver."
Nanlaki ang mga mata ni Anna ng marinig ang sinabi ng ama. Tama ba ang narinig n'ya? Kasal? S'ya at ng tagapagmana ng Wood Inc.,? Pero 19 years old pa lang s'ya!
"What do you mean, Pa?! Masyado pa 'kong bata para dito!" wika n'ya na hindi pa rin makapaniwala.
"Alam mo na mangyayari ito, sooner or later. So why act surprise?" sagot nito na parang walang halong bigat ang binitawang salita.
Yes. Alam n'ya na mangyayari din ito. After all, ito rin ang dahilan kung bakit kasal na ang ate n'ya. Pinagkasundo rin ito ng ama sa isa ring kilalang pamilya. Laging sinasabi ng kanyang ama na ginagawa n'ya ito para sa kapakanan ng kanyang mga anak, na dahil wala itong anak na lalaki ay ang tanging magagawa na lang nito ay ang masigurado na mapupunta ang properties nito sa manugang na kapareho nito ng estado ng buhay.
Ang pamilya nila ay kilala dahil sila ang nagmamay-ari ng pinakakilala at pinakapipitagang eskwelahan hindi lamang sa bansa at pati na rin sa mga karatig-bansa nito. Ang Russell Academy ang kauna-unahang unibersidad na nakilala sa quality teaching at students nito. 98% ng mga estudyanteng nagtatapos dito ay tiyak na makakapasok sa pinakamalalaking establishments sa loob at labas man ng bansa kaya naman kilala din ito bilang 'School of the Elites', tanging mga talentado at may kapangyarihan lamang ang na-aadmit sa eskwelahan.
Ito rin ang dahilan kung bakit nabibilang sila sa mataas na alta-sosyedad, laging naiimbita sa mga events at parties ng mga mayayamang pamilya dahil sa kasikatan ng kanyang ama na isa ring Philantropist at Scholar.
"Pero bakit ngayon? Hindi pa ako nakakapagtapos ng College and the last time I checked, nakapagtrabaho pa si ate bago mo s'ya ipakasal sa pamilya ng mga Park.""The patriarch of the Wood Family and I had an agreement. Alam mo naman na may plano akong magpatayo ng isa pang eskwelahan, and it just so happened na nag-offer ang mga Wood na maging sponsor. Hindi ko pakakawalan ang oportunidad na iyon." sagot nito.
Nanlumo s'ya sa narinig. Limitado lang ang freedom n'ya. Hindi hinahayaan ng kanyang ama na lumabas s'ya mag-isa. Tanging school at bahay lang ang routine n'ya. Hindi s'ya nito pinayagang makipaglaro sa mga hindi nila kapantay na estado kaya lagi s'yang mag-isa. Ang tanging hobby n'ya lang ay magbasa. Kailangan nya ring umaktong prim and proper sa loob ng eskwelahan, i-perfect ang lahat ng exams, quizzes at iba pa bilang anak ng may-ari para patunayang walang mali sa pamilya nila. At ngayong ipapakasal na s'ya nito sa lalaking kilala n'ya lang sa pangalan, alam n'ya na mawawalan na rin s'ya ng kalayaan katulad ng ate n'ya na naging sunud-sunuran sa asawa nito.
"It's already 2 pm, di ba may piano lesson ka pa? Alam mong hindi ko tino-tolerate ang pagiging late, bilang anak ko, dapat alam mo na kailangan mong maging role model para walang makitang dungis ang mga tao sa atin. Maghanda ka mamayang 7 pm sharp, dahil may dinner date tayo sa pamilya ng mga Wood. You are dismissed." pinal na wika nito at ibinaling ang atensyon sa mga papeles sa ibabaw ng mahogany table nito.
Tumango si Anna at mabigat ang loob na lumabas sa Study Room ng ama.
---
"What do you mean I'm marrying someone now!?" pasigaw na wika ni Oliver sa receiver habang kausap ang ina."Huwag mo 'kong pagtaasan ng boses, young man! Pumayag na kami kaya wala ka nang magagawa! Alam kong magugustuhan mo s'ya! Anna Russell is an elegant young woman that's why we're meeting her family later at 7. No buts, hijo! I'll expect you there." huling wika ng mama n'ya at naghang-up na ito.
Fuck! Inihagis n'ya ang handphone sa dingding hanggang sa magkahiwa-hiwalay ito; ginulo n'ya ang buhok sa frustration habang tinitigan ng masama ang kisame.
Don't get him wrong. He was a filial son. Sinunod ang lahat ng gustong mangyari ng magulang n'ya simula pagkabata. Kung kanino lang dapat s'ya makipaglaro, kung sino lang ang pwede n'yang kausapin, kung anong hobbies ang dapat n'yang gawin, kung anong course ang dapat n'yang kunin at kung saan s'ya dapat mag-aral. Pero ang isang bagay na hindi n'ya kayang sundin ay ang pilitin s'ya nito kung sino ang dapat makasama n'ya sa buhay.
BINABASA MO ANG
Love, Scandals, And Other Shenanigans
RomanceSi Anna ay ang anak na hindi makahindi sa ama. Si Oliver ang tumakas na fiance. Si Patricia ang problemadong café manager. Si Bea ay naghahanap ng pag-aaruga ng ina. Si Mary ay nagtatago sa mga rabid fangirls. Si Stephen ang misunderstood na bad boy...