Photo_001

103 6 2
                                    

Stalker.

Iyan ang tawag sa akin ng mga kabarkada ko noon nang makita nila ang mga shots kuha ko sa DSLR ko. Hindi naman isang tao lang ang nandoon. Nagkataon lang na sunud-sunod ang kuha ko sa isang taong iyon.

Hindi ko naman sinasadya noong una. Pero noong mga nagdaang araw kasi kahit saan ako magpunta nandoon din siya.

Hindi ko siya kilala. Hindi ko nga alam kung natatandaan ba niya ang mukha kong laging natatakpan ng camera. Pero siya hindi ko makakalimutan.

Isang hapon, kinukuhanan ko ang fountain sa park ng university nang biglang may nakabangga sa akin na naghaharutang mga high school students. Kahit inis hindi na lang ako nagsalita. Uulitin ko na lang sana nang mapansin ko ang naka-display sa screen ng camera ko. Napindot ko pala nung nabangga ako ng mga bata.

Kung maka mga bata ako parang ang tanda ko na ah. Nye. Hehe.

Ayun. Ilang segundo lang akong nakatitig sa screen… sa mukhang nasa screen.

Maraming kwento dito sa school na tungkol sa mga kababalaghan dahil sa luma at tagal na ng unibersidad namin. Pero kung isa man siya sa mga kababalaghang bumabalot sa lugar na ito, siya na ang pinakamaganda.

Iniangat ko ang ulo ko sa parte kung saan siya nakapwesto. Nandoon pa rin ang mga estudyante sa di kalayuan na nakatambay, ang mga nakaupo sa damuhan, ang mga nagpapractice ng skit para sa classroom presentation, mga naglalaro ng Frisbee, naghaharutang magkakabarkada.

Pero wala siya.

Muling bumaba ang mga mata ko sa nakangiti niyang mukha. Diretso siyang nakatingin sa akin na parang sadya talagang siya ang kinuhanan ko ng picture. Astig. At ang ganda. Sobra.

Huminga ako ng malalim. Biglang kumabog ang dibdib ko. Natawa ako dahil mukhang kinakabahan ako na multo ang magandang babaeng ito.

Pero mabuti na lang mali ako.

Kinabukasan no’n nakita ko ulit siya. Naisipan ko lang na pumunta ulit sa park na-curious lang ako kung makikita ko ulit siya dito. Sa parehong lugar kung saan ko siya nakuhanan aksidente. Mag-isa lang siya at mukhang may hinihintay. Gusto ko sana siyang lapitan pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Namalayan ko na lang na unti-unting umangat ang kamay ko at kinuhanan ulit siya ang litrato. Sunud-sunod, hanggang sa mangawit ang mga braso ko. Kahit saang anggulo ang ganda niya. Nang mukhang mainip ay nag-umpisa na siyang maglakad paalis.

Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa akin at humakbang ang mga paa ko para sumunod sa kanya.

Gusto kong batukan ang sarili ko tuwing wala ako ng maisagot sa sarili kong mga tanong. Ano bang ginagawa ko? Bakit ko ba ginagawa ito? Katahimikan. Yun lang ang sagot ko sa sarili ko.

Araw-araw ganito kaming dalawa. Pupunta siya sa lugar na iyon at maghihintay. Kukuhanan ko naman siya nang palihim. Aalis siya pag nainip at susunod ako sa kanya na parang tanga hanggang sa makalabas siya ng school. Maglalakad ako pabalik at titingnan isa-isa ang mga kuha ko sa kanya. Laging ganito. Lagi akong nakasunod at nasa malayo. Bawat galaw niya pinapanood ko, kinukuhanan ng litrato.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stolen ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon