One

6 0 0
                                    

Hindi mo tanggap ang mga bagay na mayroon ka?

Bakit?

Hindi mo ba alam na may mga taong gustong mapunta dyan sa katayuan mo? Magkaroon ng mga bagay na meron ka?

Mahalin ng mga taong nagmamahal sayo?

at Higit sa lahat Mahalin ng taong mahal ka.

Tumingin ka sa paligid mo, tumingin ka Saakin. Di mo ba nakikita na yung mga sinasayang mo ay ang mga bagay na hindi makuha kuha ng iba? Na kahit kailan ay hindi ko makukuha.

Yung tinatakbuhan mong katotohanan ay minsan kong naging pangarap.

Your reality is my dream.

--

Kasalukuyan akong naghihintay dito sa cinema sa Mall. Magkikita kami ngayon ni Nicole... bestfriend ko. May usapan kase kaming manunuod ng sine, ayoko nga sana kaso nagpupumilit, so pumayag na'ko basta sagot niya lahat. Wala naman akong pera no.

Ako si Marissa Quizon, 19 years old. Kumukuha ako ng kursong Fashion and Arts, tulad ni Nicole. Hindi na dapat ako makakatuntong sa kolehiyo kung hindi dahil sa magulang niya. Kaisa isang anak lang kase si Nicole nina Mr. & Mrs. Villanueva. Kilala sila dahil sa kanilang kasikatan sa fashion industry.

Mataas ang tingin at respeto ko sa mag asawa. Kung tutuusin iniidolo ko nga sila, kaya gusto kong maging katulad nila. Kung hindi ko siguro naging kaibigan si Nicole baka hindi na ako nakapag aral pa. Ang swerte ni Nicole...

"Bff!!!" napalingon ako sa sumigaw. Malawak ang kanyang ngiti habang kumakaway.

Naka sleeveless floral dress siya at white flatshoes. Maganda siya, sa katunayan nga kung pagdidikitin kaming dalawa para niya akong alalay lang. Naka plain shirt at pants lang ako, suot ko ang pinakamatinong sapatos na mayroon ako. Nakakatakot lang na baka biglang bumigay dahil may onting uwang na siya.

Nginitian ko nalang siya saka sinalubong. "Finally, nandito kana! Aw--"

Napahawak ako sa pisngi ko na panigurado ay namumula na.

"You're just maaga, I thought you dont like the idea. Ayaw mo pang sumama sakin." Sabi niya saka nag pout.

Napailing nalang ako at sinabi, "Hindi ako tatanggi sa libre ng bestfriend ko." saka naunang naglakad sa bilihan ng ticket.

Agad din naman siyang sumunod, saka ako inakbayan. Napangiti na lamang ako.

--

"Riz, maganda ba?" ipinakita niya sakin yung sinukat niyang damit.

Nandito naman kami ngayon sa isang kilalang boutique section.

Honestly speaking, halos lahat ng sinukat niya ay maganda, bagay sakanya.

Tumango ako. Everytime na tumatango ako, nakikita ko kung gaano kuminang ang kanyang mga mata.

Binili niya lahat ng damit na sinukat niya saka kami umalis sa lugar na iyon.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin, bigla siyang huminto, saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Napangiwi siya ng makita yung sapatos ko.

Tiningnan ko lang siya.

"Hey. Di ka padin bumibili ng bagong sapatos? I already told you na you should stop wearing that thing. Dapat yung sandals na bigay ko sayo last week yung sinuot mo." sabi niya habang tinuturo yung sapatos ko.

Huminga ako ng malalim, "Ilang beses ko din bang sasabihin sayo na, Okay lang naman to Nicole. Hindi pa masyadong sira. Yung sandals saka ko na susuotin. Atsaka wala akong pera pambili ng bagong sapatos"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Reality is My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon