“Mama 'yong notebook ko?”
Yan ang kadalasan at pambungad na tanong ni Nelieren tuwing darating galing eskwelahan.
Magsusulat kasi siya.
She is a girl who really love writing. Even she's hopeless romantic in the name of love. She feel love when she write.
'Pagsusulat' simula pagkagising hanggang pagtulog 'yan ang kanyang ginagawa. Natitigil lamang siya kapag pumapasok na.
Mahilig din siyang magbasa ng mga Romance story. Well, She's hopeless one. Sa pagbabasa lang siya nakakaramdam ng pagmamahal. Doon lang niya nalalaman ang pagmamahal, but she doesn't feel in love in true life.
Nasa bokabolaryo niya ang pagmamahal.
Family is love.
Mahilig siyang magsulat.
Kahit anong maisipan niyang Genre kaya niya. Kapag may pumasok na idea sa utak niya kukuha siya ng papel at isusulat 'yon.She's a great girl.
“N-nasa may cabinet ng kwarto mo,” sagot naman ni Aling Loren ang kanyang ina. Masaya ang kanyang ina dahil sa ginagawa ng anak, nababasa niya lahat ng gawa nitong kwento.
Masaya.
Malungkot.
Yan ang kadalasang ending ng storyang nagagawa ni Nelieren.
Kahit ang kanyang ina ay nadadala sa agos ng mga storyang nagagawa niya.
Ipinagmamalaki siya ng mama niya dahil matalino daw ito.
Honor student at laging scholar.
“Sige po. Mama, umiiyak ka ba?” Nag aalalang tanong ni Nelieren.
Kahit pagod sa paaralan nagagawa rin naman niyang makipag usap sa kanyang ina.”N-nakakaiyak kasi 'yong kwento mo.” ngumiti lang siya.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mahihiya.
Sa totoo lang, wala siyang bilib sa sarili niya.
“Si mama talaga,” mahinang bulong ni Nelieren sa sarili habang hinahanap ang kanyang notebook. “Sa wakas nahanap ko na din.”
Kinuha niya ang notebook at agad binuksan bumungad sa kanya ito ng basang-basa.
Napangiti na lamang siya. Alam niya kung bakit basa at kung sino ang may gawa nito.
Ang kanyang ina.
Umupo siya sa may paanan ng kanyang kama.
“Ano kaya ang feeling ng maiwan at paasahin?” tanong niya para lang siyang ewan na nagtatanong sa sarili. Nahinga siya ng malalim. “Hay! Common sense nga Nelieren syempre masakit, masakit masaktan.”
Kahit kailan hindi pa niya nararanasan ang ma-in love. NBSB ika nga nila. In her 18 years existence in earth, she has no idea of being in love.
Masaya
Malungkot
Masasaktan ka lang
'daw' kapag nagmahal ka.Napahiga na lamang siya. Iniisip na may darating ding lalaki na magpapasaya sa kanya. Ang Prince Charming niya. Ang prinsipeng magmamahal ng lubusan sa kanya. Ang Romeo sa buhay niya.
Mula sa pagkakahiga, umupo siya.
“Itutuloy ko na nga lang 'yong kwento.”'Sa hindi malamang dahilan umuwi siya ng luhaan. Iniwan siya ng kanyang pinakamamahal na lalaki. Ang akala niyang magpapasaya ng lubos sa kanya.
Naisip niyang paano pa siya mabubuhay kung wala na ang kanyang mahal?
Iniwan, pinabayaan, at higit sa lahat ipinagtabuyan sa harap ng maraming tao.'
Hindi pa man siya nakakakalahati sa pagsusulat ay nakaramdam siya ng uhaw.
Pababa na sana siya, ngunit hindi pa man nakakahakbang pababa sa hagdan ay may narinig siya umiiyak sa katabi niyang kwarto.
Ang kwarto ng ate niya. Si Belle
Hindi niya alam kung kakatok ba siya o huwag nalang.
Hindi niya alam dahil hindi naman sila 'close' ng ate niya.
Hindi siya makatiis, at tila ba may sariling utak ang mga kamay at paa niya dahil kusa itong pumunta sa tapat ng pinto ng kwarto ni Belle.
She sighed deeply. Unti-unti niyang itinaas ang kamak niya. Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Bumugad sa kanya ang ate niyang luhaan. Umiiyak.
Agad namang pinunasan ni Belle ang kanyang mga luha at niyakap ang kapatid.
Natutuwa si Belle dahil kahit papaano nag-aalala sa kanya si Nelieren. Natutuwa siya dahil sincere ang kapatid niya.
“Ate, bakit ka umiiyak?” sabi ni Nelieren habang nakayakap pa rin si Belle sa kanya.
“Ako? Umiiyak? Hindi kaya. Napuwing lang kaya ako.” marahan itong tumawa ngunit bakas parin ang kalungkutan. Alam ni Nelieren na nagsisinungaling lang ang kanyang kapatid.
“Bakit mo ako niyakap?” pang aasar na tanong ni Nelieren. Alam niyang hindi aamin si Belle kaya bakit pa siya mag aaksaya ng panahon. Inilayo niya ang kamay niya at bahagyang lumayo. She knows her sister. Aalis na sana siya ng biglang magsalita si Belle.
“Ren, B-buntis ako,” napatigil siya sa paglalakad. Buntis ang kapatid niya.
'Ren' ang nickname niya sa bahay nila. Si mama, ate, at mga kaibigan lang niya ang tumatawag ng Ren sa kanya. Nelieren short for Ren daw kasi sabi ng mama niya.
Hindi na niya mapigilan pa'ng umiyak.
“A-ate....” unti-onti ng pumapatak ang mga luha niya. Hindi siya makapaniwala na sa murang edad ng kanyang ate Belle ay mabubuntis agad ito.Akala niya sa mga kwento lang ito nangyayari. Natatakot siya.
Natatakot siyang mangyari rin 'yon sa kanya.
“A-ate....” mula sa likuran niyakap ni Ren si Belle. Niyakap niya ito upang mawala kahit papaano ang sakit.
Sakit at lungkot na nararamdaman ng kanyang ate.
Ate'ng mahal na mahal niya.
Ate'ng karamay niya sa bawat problema.
Ate'ng kasama niya simula pagkabata.
Ate'ng kakulitan niya.~ • ~
BINABASA MO ANG
Inked Heart
Teen Fiction"In a piece of paper we will truly express our feelings. Sad, happy, and in love. We will know it, through writing. When the ink suddenly touch the paper, you make happiness, you feel happiness." -Nelieren Liane Reyes. Nelieren is an ordinary girl...