General P.O.V.
Alas dos na ng umaga.
Naglalakad si Kyle pauwi sa kanyang tinutuluyang mansion.
Duguan siya, mula ulo hanggang paa.
Mag-isa lang siyang naglalakad sa kadiliman. Ang mga ilaw galing sa mga streetlight lamang ang gabay niya papunta sa kanila. Hindi siya nagmamadali sa paglalakad. Ang ibang ilaw ay kumikirap-kirap pa, pero hindi niya ito pinapansin.
Katatapos lang niyang dispatsyahin ang isang businessman na may balak na masama sa kanya.
Isa lang ang nasa isipan niya.
"Eliminate all the rats".
Marami na siyang nadaanang bahay, bakanteng lote, tindahan, aso't pusa, hindi pa rin siya nakakarating sa kanyang bahay. Hindi siya napapagod dahil para sa kanya, natapos na niya ang kanyang misyon... for now.
Dumaan siya sa isang tulay na hindi naman gaanong luma. Nakasalubong niya si Delfin. Nagtinginan ang dalawang binata. Tumigil sila saglit at nagtitigan. Hindi nila kilala ang isa't isa, pero parang matagal ng may koneksiyon ang bawat isa sa kanila.
Madilim ang tulay, kaunti lang ang ilaw, kaya hindi nila masyadong maaninag ang mukha ng isa't isa. Tumingin si Kyle sa mata ni Delfin.
"Magkaparehas pala tayo" sabi nito sa kanya, na may halong inting ngiti sa labi.
Tumuloy sa paglalakad si Kyle. Hindi niya masyado naaninag ang mukha ni Delfin pero kung makikita man niya ito, masasabi niyang magkamukha sila.
BINABASA MO ANG
H.A.T.E. (ft. @MicaDevon)
RandomTwo people. One Goal. One Mission. One Vision. One Word. First collaborated story By me and @MicaDevon