Chapter 12

3.4K 70 9
                                    

Jho's POV

"Beh,lipat ka dito"

"Tsk. Yoko nga"

"Sige na kasi,look oh kuya's looking at you like you're a kind of meat"

Napalingon naman ako sa kuya na nasa harapan ko at aba,kinindatan pa ako. Tsssk. Manyak naman! Wala na akong nagawa kundi lumipat at aba naman inakbayan ako ng Bea na 'to tapos sumandal pa sa balikat ko.

"Kung bakit kasi iniwan pa susi eh"reklamo ko kay Bea eh paano kasi asa jeep kami. Oo,nagcommute kami kesa naman bumalik kasi sa dorm at sumama sa kanila eh tinatamad din naman ako eh. Bukas na lang kami magshoshopping ni Bea.

"Sorry. This is what I do when I make takas"

"Takas yer face buti hindi ka pinapagalitan"

"Siyempre,Ponggay's my savior eh"

"Nako,kaya naman pala eh"

"Beh,I want you to meet Mom and Dad"

"Eh?"

"May bababa po ba dito?"

"Para po"

Agad naman akong hinila pababa ni Bea at hala,ang gara ng bahay. Nuxx,ang yaman talaga.

"Rich kid naman this gurl"

"Sila lang,not me"

Hinawakan niya na ako at hinila na tapos nagdoorbell na at bumungad sa amin yung maid nila na may katandaan na. Nagmano siya dito kaya ako din.

"Beatriz,uuwi pala kayo hindi niyo sinabi"

"Biglaan lang po,Nay eh. Kasama po pala si Jho"

"Ay ang gandang bata naman nito. Halina pasok na kayo,maghahapunan na mga anak"

Oy ha! Tinawag akong maganda ni Nanay. Chos! Oo,maganda ako.

"Don't be so flattered"

"Tse!"kinurot ko naman tagiliran niya at ayun,tumakbo siya papasok tapos natawa na lang kami ni Nanay. Nanay tawag niya sa maid nila so ayun na din tawag ko.

"Jho?"nagulat naman ako sa tumawag sa akin tapos parang pamilyar yung mukha niya,oo! Papa ni Bea! Kamukha niya eh.

"Eeeh,kilala niyo po ako?"nagulat naman ata sila at may tinawag.

"Sweetheart,come here"atsaka lumapit sa amin ang isa ding pamilyar na babae. Hmmm,mama ni Bea. Ang ganda po,promise.

"Jhoana?"nagtatakang tanong nila,"Kumusta ka na? Sinong kasama mo dito?"

Niyakap nila ako tapos hala,parang may iba. Parang may something.

"Hello po tita,tito. Nice to meet you po"sabi ko na lang,nagbulungan sila tapos tumango lang.

Hala,baka ako yung pinagbubulungan nila eh kasi naman eh,iba kulay ko sa kanila.

"Mom? Dad? Oh,you met Jho na pala"biglang labas ni Bea sa likuran at niyakap parents niya. Wow,family pic."Jho,si Mommy Det and Daddy Elmer"

"Hello po ulit"napayuko pa ako niyan,minsan kasi ang weird pag smile lang eh kaya minsan pag bumabati ako eh yumuyuko ako.

"Sweetheart,I think something is wrong"malungkot na sabi ni tita Det na ikinakunot ng noo namin ni Bea,nagkatinginan kami tapos nagshrug lang ng shoulders.

"Hmmm,come on. Let's eat nang makapagkwentuhan tayo"sabi ni tito Elmer at sinundan naman siya ni tita Det tapos inakbayan ako ni Bea.

"Come on,Beh. Don't be shy! Alam ko namang you're so hungry na eh"ngumiti lang ako at sumunod sa lakad niya,"Something bothering my Beh?"

"Ang weird lang,parang nakapunta na ako dito dati eh tapos ang weird ng parents mo"

"Don't bother,ganyan talaga sila. Tara na"

Tumango na lang ako. Kumain lang kami habang nagkukwento sila tungkol sa childhood ni Bea na feeling ko eh nasaksihan ko. Malay niyo,nagawa ko din pala yun.

Smooth naman pala ng family ni Bea eh. Hindi ko alam kung bakit nadedepress 'to. Hindi kaya,hindi siya out sa kanila? Tago lang siguro relasyon nila ni EJ kaya ganun.

"Jho,are you okay?"

"Po?"

"You were idling. Dito na kayo matulog ni Beatriz"tita Det,eh? Hala,di po ako ready eh. Wala po akong gamit.

"Mom,we have our early training and may Thailand po pala kami"nakayukong sabi ni Bea

"Opo,tito,tita baka mapagalitan po kami ni ate Ly kasi tuma--- aaahhhh eeehh ang ibig ko pong sabihin,tumatakbo ang oras baka mahuli pa po kami"

"Ganun ba? Sige,ipapahatid ko na lang kayo sa driver"

"Thanks,Dad and uhmm can I go with them sa Thailand?"

Ay,bakit kailangang ganun? Eh training related naman yun eh. Puro nga Thailand kami eh. Dun kasi si coach Tai tsaka tinuturuan niya din mga nakakamatch up namin kaya yun.

"We'll talk about that tomorrow. When is it ba?"

"Next week po"

"Tomorrow,okay?"

Hinatid na kami ng parents ni Bea sa labas. Nagpasalamat na din ako kasi ang sarap ng pagkain tapos ang cool nila kausap kahit na minsan hindi ko maintindihan.

"Bye po"paalam ko,"Nice meeting you po. Babalik po ako"natawa naman sila at kumaway

"Thanks,Jho. Anytime pwede. Ingat kayo"tapos bineso ako ni tita Det. Yieeehhh,sabi niya Mommy daw itawag ko sa kaniya kasi bestfriends daw kami ni Bea. Sabi ko naman saka na lang kapag comfortable na ako.

"Bye,Mom and Dad. See you tomorrow"

Ayun,nagdrive na si kuya driver tapos tahimik lang kami,paminsan minsan nagkukwento si kuya at ako naman eh nakikinig lang. Itong katabi ko naman eh nakapikit at nakasandal lang,tulog na ata.

"Ganyan ho talaga yan si ma'am Beatriz,antukin"

"Halata naman po kuya eh pero kung minsan sobrang taas ng energy"

"Mabuti na nga ho at nakakatawa na siya ngayon eh. Dati ho kasi kahit pilit na ngiti hindi niya magawa,para siyang galit sa mundo,para bang natatakot"

"Natatakot? May phobia po ba si Bea?"

"Hindi ko po alam kung may phobia siya eh,basta po ang alam ko,takot siya"

"Eh? Hindi ko po gets"sabay kamot ko sa ulo at pinagmasdan si Bea. Haaay,ang misteryosa mo naman.

***

"Mind telling me kung saan kayong dalawa nagpunta?"

"Dyan lang,ate Ly"sagot ko,eh alam ko kasi ayaw pasabi ni Bea na galing kami sa bahay nila eh. Ewan ko kung anong meron.

"Anong dyan lang? Hin-------"

"Sa house po,ate Ly. Nagpaalam ako kay Dad if I can go with you sa Thailand"seryosong sabi ni Bea,napalingon naman ako sa kaniya nang nagtataka maging teammates namin na nakapaligid sa amin.

"Training related naman yun ah"Deanna

"Yes but it's still my Dad's decision kasi......."napakamot siya sa ulo niya at napalingon kay Therese.

"*ehem* It's getting late na. We still have our evening training so we better get ready na"

"Oo nga pala. Sige,team let's go! One big fight!"

Agad-agad naman silang nagkanya-kanya at umakyat na kami ni Bea sa room namin at sobrang tahimik niya na feeling ko mapapanis laway niya at mabibingi ako.

"Beh"tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya pero iniwas niya din agad

"I....I had an amnesia"

--------------

Hide AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon