Chapter 2

19 3 0
                                    

Chapter 2

Dear Bestfriend,

Haaay. Wala masyadong nangyari ngayong araw. Normal day lang . Di paren kame bati ni Alex. Iniiwasan ko paren sya. E kase naman nahihiya paren ako sa nangyare kahapon. Muntikan ko ng sabihin na gusto ko sya. awkward kaya. Ayy diary di mo pa pala ako kilala. okay ako si

Anethopia Princess Aly Shaw. simpleng college student sa New Oxefods University. Ang haba rin ng pangalan ko no. Mana kay bestfriend. parents ko? Aba malay ko sang lupalop sila nagsususuot. Pero honestly di ko pa talaga sila nakikita. Nakatira kase ako sa Condo na iniwan daw nila. Yun yung sabi nila tita (mama ni Alex) 17 years old na ko. so 17 years ko na rin akong mag isa sa buhay. Wala kase akong kakilalang kamag anak. Eh kase nga diba iniwan ako ng parents ko after birth kila Alex. yes magkakilala na kami ni Alex since birth. Naguguluhan ka ba diary ? Hahaha malamang sinabi ko sayo kahapon na di kame nagkakasundo nung highschool. Ganto kase yan. Nung mga bata pa kame lagi kaming nag aaway sa mga simpleng bagay. Tulad ng pagkain, pagtulog, paglalaro at kung ano ano pa. Aso't pusa kame. Never kaming nagkasundo. Malapit na nga daw mabaliw si tita samin. Kaya for once and for all di na lang kaming nagpansinan. Hanggang sa school di kame nag uusap. Pati na rin sa bahay nila. buti na nga lang at nakalipat ako ng condo nung 3rd year ako eh. Ayaw pa nga akong payagan ni tita kase bata pa daw ako. Underage pa daw kase ako. Pinagpipilitan pa ni tita na after kong mag 19 yrs old. Tsaka na lang ako lumipat. Pero ang aking magaling na best friend ay dinala na agad ang aking gamit sa condo ng hindi ko man lang alam kaya yun napalipat ako ng di oras. Ang galeng diba excited si Alex ng mawala agad ako sa bahay nila. Kaya yun dun na ko tumira. Tas yung allowance ko ? Nag papart time job ako sa Fernandez Company. Yes diary sa company nila. Every Thursday and Saturday lang naman ako dun. Assistant ni Tito Leo ( papa ni Alex ) yun lang kase yung kaya nilang ibigay na work sa kin. Sabi ko nga wag na pero mapilit sila eh. Kaya tinanggap ko na din. Malaki pa naman sweldo dun. 50,000 a month. O diba ? Sino ba ko para umayaw. Kaya ako ang kawawang ako ay pagod araw araw school-work-school-work ako. Then one day habang nasa condo ako at gumagawa ng assignments eh may bigalang nag doorbell.

*1:46am*

Umaga na pala di ko manlang napansin. Tsaka sino kaya yun madaling araw na nangbubulabog pa. Haays.

*criiick* *criiick*

"A-ALEX? ano nanaman ba? Madaling araw na oh? Matalino kanaman diba at ang alam ko e marunong ka naman magbasa ng oras ? pwede umuwi ka na ? Wala ako sa mood makipagsungitan sayo okay ? Pagod ako. Sigi na chupiii umuwi ka na" pagtataboy ko sakanya.

Putchang lalaki to. Ang aga aga eh mambulabog ba naman dito ? for his information wala talaga ako sa mood. Pagod ako noh.

"A-aly" banggit nya sa pangalan ko.

Teka bakit ang lungkot ng boses nito . Diba dapat nag sasaya na to kase nabadtrip nya ko. Haaist. Ang gulo talaga neto. -.-

"A-aly *sob* pwedeng dito muna *sob* ako please. *sob* Kailangan ko*sob* ng kausap*sob* " malungkot nyang sabi

Kausap ako ? Hilo ba to ? Eh dati halos isumpa na ko ng lalaking to tas ngayon ? Aba naiba ata ang ihip ng hangin. Pero dahil sa
M-A-B-A-I-T ako e kakalimutan ko muna yun. Tsaka nakakaawa kase eh namamaga na yung mga mata nya .

Dear BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon