Di ko maintindihan kung bakit?
Maraming lalaki sayo ang naaakit
Tila ika’y isang prinsesa sa kanilang mga mata
Sa tuwing kaharap ka’y nakakalimutan ang iba.
Ilang oras ba ang nilalaan nila sayo?
Isa, dalawa,tatlo? O higit pa dito?
Halos di na kumain makasama ka lang
Umaga, hapon o kahit magdamagan.
Kitang-kita ko ang saya sa kanyang mukha tuwing kasama ka
Mukha mo na lang lagi ang tinititigan niya
Pero minsan nakita ko ring kumukunot ang noo niya!
Lalo na kapag nakita niyang nasasaktan ka.
Halos ibuhos niya ang lahat ng kanyang enerhiya
Makaganti lang sa taong nanakit sayo
Ngunit…
Ni hindi ko man lang nga narinig sakanya ang salitang Thank You.
Daig niya pa ang isang totoong tao kung ituring mo
Ganyan mo ba talaga kamahal ang iyong HERO?
Swerte naman niya
Kahit di hamak na karakter lang siya sa DOTA!