Chapter 1

33 4 6
                                    

"Bro, ano laro tayo basketball?" -si Jason kababata ko.

"Ah next time na lang siguro. Nagtext kasi saken si Aioue. Kaya hindi muna ako makakalaro."

"Kung ako sayo bro, anuhin mo na yan. Baka maunahan ka pa ng iba dyan eh!" -si Harrison, kabarkada ko.

"Haha, sige bro kapag may oras ako para DUN hahahahaha"

"Hahaha, sige bro ikaw bahala. Ayusin mo ha?" -si Quint pinsan ni Harrison

***COFFEE SHOP***

Agad ko namang nahanap si Aioue. Nasa pinakagilid sya nitong coffee shop. Di ko alam kung bakit sa tuwing pupunta kami rito ay dun talaga kami sa pinakagilid nitong shop. Pero hayaan nyo na, babae eh. At tsaka mahal ko yun so rerespituhin ko siya.

"Ang tagal mo naman! Kanina pa ako naghihintay dito. Ano bang ginawa mo at parang ang tagal-tagal mo? Ha??!!" -galit nyang sabi. Bakit kaya galit to? Dinalaw kaya siya?

"Sorry na kwak. 5 minutes lang naman akong late eh. At isa pa, hindi naman talaga ako makakarating dito ng sakto sa oras dba?"

"Ewan ko sayo! At isa pa, sino bang nagsabi na tawagin mo akong kwak? Di naman ako pumayag na ganon yung tawagan natin diba? Ikaw lang ang nag-isip nun!!"

"O sige di kita tatawagin ng ganon pero sorry na haa?? Pramis, di ko na uulitin!" -sabi ko with matching panata sign ng kamay ko

"Talagang hindi na talaga mauulit!" -sabi nya na nakayuko pero galit pa din ang tono ng boses nya

"Haha bakit naman?" -sabi ko habang kinkamot ko yung ulo ko. Hehe

"K-kasi a-ayoko ko na!!" -sabi nya na parang bumaba na naman yung tono ng boses nya

"O sige iba na lang. Ano bang gusto mo?"

"Look, ayoko ko na ok? As in break na tayo!! Nakakamatay na kasi yung kaboringan ng relasyon natin eh. Alam mo ba?

"Nagtitiis lang ako kung kailan mo ako hihiwalayan kasi ako mismo, nakikita ko sa mga mata mo na bored ka na sa pagsasama natin, pero parang wala kang balak na hiwalayan mo ako. Kaya ako na lang ang gagawa nun para sayo, SA 'TIN!!

"At isa pa, mahal ko na yung lalaking pina-arrange marriage sakin ng mga magulang ko eh. Kaya ikaw, bahala ka na sa buhay mo. Basta ako, magpapakasaya na ako sa buhay ko kasama yung tamang tao na magpupuno ng kaligayahan sa buhay ko! At mahal nya rin ako...

"Kaya...napagdesisyunan ko na na, dapat na kitang palayain. Kaya sige, magpakasaya ka na, total malaya ka na naman diba?? "

Nagulat na lang ako sa nasabi nya. Pero yun ang desisyon nya eh. At fixed marriage 'ka nya?

Kaya pala di na sya nagbibigay ng time para sa aming dalawa. Wala na akong maisip na reaksyon. Parang sa oras na 'to, gusto ko maglasing, makipagpatayan...Magpakamatay. Pero, hayaan ko na lang siguro yun. Nangyari na eh.

"Any last words Raux?" -tanong nya

"A-ano...di na ba talaga mababago yang isip mo? Wala na ba talaga? Kasi sayang din yung memories Ai eh. Imagine? Mag o-one year na sana tayo dba?" tanong ko

Nakita ko na lang na nag-nod lang yung ulo niya, so wala na talaga.

"Fine, goodluck ha? I wish you all the best. Pakasaya ka... At sana, magkaroon ka ng masayang pamilya. Sige, alis na ako"

Pagkatapos kong sabihin yon ay tuluyan na akong umalis sa lugar na yon.

Ewan ko ba, bakit parang gumuho yung mundo ko nung sinabi nya yun. Siguro kasi minahal ko talaga siya. Pero bakit ganun? Ang unfair naman kasi yata? Nagmahal naman ako ng todo sa kanya pero yun lang? Sa tagal ng aming pagsasama, yun lang pala yun?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsessed with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon