Prologue

6 0 0
                                    

Sabi nila na "strange things do happen" . Paggising mo, makikita mo na lang ang malaking pagbabago sa buhay mo. Oo naniniwala ako doon. Pero hindi pa naman nangyayari sakin 'yon.  Kaya patuloy lang ako sa buhay pinaniniwalaan 'yon pero alam kong hindi naman mangyayari sakin

Bago pa man ang lahat, I'm Zake Sariel Schwartz. Isang normal na mamamayan na nabubuhay kasama ang nakababatang kapatid. I'm still 16.  Complicated ba surname ko? Well, My dad is a German, kaya that makes me half. Pero laking Pilipino pa rin ako. I live with my younger sister Zae. Our parents are already gone. Dad died before Zae was born. And mom, namatay siya noong  7 pa lang siya at 10 naman ako. Kaya nasa pangangalaga kami ng kapatid ng mom. Isa siyang doctor  at nagtatrabaho siya abroad. Though nasa abroad siya, pinapadalhan niya kami ng monthly budget. Minsan sobra-sobra pa nga pinapadala niya, minsan may mga iba't-iba pang mga gamit para sa amin ang pinapadala niya. Palibhasa kasi wala pang pamilya. Kami lang binubuhay niya.

So ngayon, kami lang ng kapatid ko at ng iba pang maids and gaurds ang nadito sa bahay. Or masasabi kong mansyon. Malaki naman kasi. Itong mansyon na lang din ang alala sa parents namin.

Okay. Enough with my life, houses and stuffs. Ngayon, nasa kama pa rin ako at medyo naaantok pa. Naalimpungatan kasi ako sa panaginip ko kanina.

Babalik na sana ako sa tulog ng napsigaw ako ng bigla. Aray naman! Ang bigat! Nakatayo si Zae sa harapan ko pero dinadaganan niya ako kaya sobrang nabibigatan ako. Nakasuot na siya ng uniform. Shit. Ngayon ba 'yon? Uhh... tumatalin na siya.

"Kuya! Ano ba! Gising na! Gising na! First day of school nakahilata ka pa rin sa kama mo! Gumising ka na nga! Tulog-mantika ka na naman! Kuyaaaaaa!" Sinusumbatan niya na naman ako. Pero ngayon parang natutuwa siya. Siguro dahil first day niya sa middle school ngayon. Ako nga eh first day ko rin sa high school pero hindi naman ako nakakaramdam ng excitement... okay, cge... medyo naeexcite rin ako pero hindi naman kailangan na talun-talunan ako ng kapatid ko para lang magising.

"Z-Zae, tigilan mo na y-an. Ang b-bigat mo k-kaya! Babangon na ako okay?" Buti naman ay umalis na rin siya sa pagkakapatong sakin. Pero nasa kwarto pa rin siya.

"Ano pang ginagawa mo? Lumabas ka na muna. Doon mo na lang ako hintayin." Nalumanay kong sabi. Close kami ng kapatid ko, lalo pa't wala na kaming mga magulang.

"Ayoko nga! Baka mamaya matulog ka na naman. Hmp!" Inismidan niya lang ako. Nag-isip ako ng paraan para mapaalis na siya. At mabuti na lang ay agad akong nakapag-isip.

Nagtago ulit ako sa kumot. Dahilan ng pagsermon niya ulit sakin. "Sabi ko na eh, matutulog ka lang. Buma--" pinutol ko na muna ang pagsasalita niya.

"Z-Zae..." doon, natigilan muna siya sandali. "K-kuya...?" Medyo napangisi naman ako. Pero hindi ako pwede matawa ngayon.

"Zae... tumakbo ka na... a-ang kuya mo... t-tuluyan nang naapektuhan ng virus... t-tumakbo ka na... habang... may oras pa... h-hindi k-ko na KAYA!!!!" Sa pagsigaw kong yun, tuluyan na siyang tumakbo papalabas habang nagsisisigaw. Haha! Success!

Kaya inayos ko na rin ang sarili ko. Matapos ko nang magbihis dumiretso na ako sa kusina. Pagdating ko doon, naabutan ko si Zae na nagtatago sa isang corner at nangungurog. Masyado atang natakot. Nasobrahan yata ako.

"Y-yung virus... na-nakakatakot talaga" rinig kong sabi niya habang nakatakip ang mga kamay sa tainga niya.

"Oi, Zaela, okay na wala na yung virus! Malakas yata ang kuya mo!" Tumigil na rin siya sa pagngawa niya at nandun na sa sala. Ako nagluluto ng umagahan namin kahit may mga maids kami. Kaya pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na rin sya.

Special OrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon