LIE Two :)

8 2 0
                                    

Hi :) Nagdalawang isip pa po ako kung itutuloy ko to. Sorry ✌

Dedicated po to kay PinkyCyrill 😉

--
Lyresse Monica's POV

Pagkatapos namin ni Athena kumain sa canteen at pagchismisan yung CRUSH daw nya ay dumeretso na kami sa next subject namin para sa araw na to.

"That's all for today. Goodbye"  sabi ng prof namin.

"Salamat naman at uwian na." Athena said tas nag unat unat sya.

Natapos ang maghapon namin ng wala talagang nangyari. Tulad ng inaasahan pag unang araw ng klase. Pakilala portion lang then wala na.

Naglalakad kami ngayon ni Athena sa hallway. Wala pa kaming balak umuwi kasi 3:00 palang naman. Kaya naisipan namin na mag ikot ikot muna at mag 'boy hunting' kung kay Athena. Pasensya na. Masanay nawa kayo sa pagiging malandi ng kaibigan ko. Haha :)

"Aray!" Tiningnan ko si Athena na tinamaan ng bola ng basketball sa ulo.

Grabe sila oh! Mukha bang court ang hallway para magpasahan ng bola? Yan tuloy nakatama pa sila!

"Waaaaaah! Anshakeeet! Huhu." Maktol ng kaibigan ko. Grabe ha. Nakakahiya syang humagugol. -____-" Seryoso. Para syang bata :3

"M-miss o-okay ka lang? Pasensya na ha. Di ko sinasadya. Sorry. Tara sa clinic dadalhin na kita." Sabi nung guy na nakatama ng bola kay Athena.

Tiningnan ko naman si Athena. Anyare sa babaeng to?  Kanina lang umiiyak tas ngayon na speechless? Okay?

Then tiningnan ko naman yung guy. Kaya naman pala. Yung nakatama ng bola kay Athena ay yung sinasabi nyang crush nya. Tss nawala na sa wisyo ang kaibigan ko. Natulala na sa lalaking kapit sya ngayon.

"Miss?" Takang sabi nung lalaki kasi tulala padin si Athena.

"Okay lang ako." Wala sa sarili na sagot ng kaibigan ko.

Sinungaling din to e. Porke't crush nya lang nakatama sa kanya okay lang sya? Samantalang ako simpleng nahila ko ng di sinasadya ang isang hibla ng buhok nyan parang dragon na kung magalit. UNFAIR!

"Sigurado ka ba? Sorry talaga."

"Oo naman. Okay lang ako. Ako nga pala si Athena Monelle Sanchez." Pakilala nya. Wow ha, di sinayang ang pagkakataon? Haha sige pag bigyan na.

Ngumiti naman si guy.

"Keen Tyler Tores." Then nag shake hands sila.

Teka? May napansin ako.  Na o-OP na ata ako -___-" Nakakalimutan ata nila na kasama nila ako. Hello?

"*Ehem*" ako po yan. Kelangan na magpapansin e.

"Ay. Hehe Tyler bestfriend ko pala. Si Lyresse Monica." Pagpapakilala ng kaibigan ko. Buti naman at napansin din nya. Napapanis na laway ko e. Huhu :( Badbreathe na akoooooo!

"Hi Lyresse. I'm Tyler." Pagpapakilala nya sa sarili nya.

"Hi Tyler." Bati ko at ngumiti ng medyo pilit. Nakakahiya e. Panis na ata hininga ko sa tagal nilang mag moment.

"Hmm. Uuwi na kayo? Hatid ko na kayo? Para naman kapalit nung pagtama ko ng bola kay Athena."

Mabait naman pala.

"Ah hindi na. Tsaka mamaya pa kami uuwi." Sagot ni Athena.

"Then, I'll treat you two nalang ng meryenda?" Makulit din sya.

Pero pwede na. Libre meryenda kami. Bukas nga papatamaan ko ulit ng bola beatfriend ko para may manlibre ng meryenda o kaya mag hatid samin sa bahay.

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon