I'm Married With The Stranger
By: Eu Aren B. Vecino
STRICTLY NO COPY PASTE :P
>>>HERE IT GOES<<<<
I'm Married with the Stranger
©2012
How to vote? Just click the upper right side button. And don't forget to leave a comment.
Thank you.!
PROLOGUE
Love is happiness.
Love is just a word until someone comes along and gives it meaning.
I honestly have no idea how to live without you…
I don't know why i fell in love with this stranger. I even don't know him. And the most shocking news is..... I'M MARRIED WITH THIS STRANGER.
But how???? and when????
<<<<>>>>
I have a CRUSH and i know you have too. I'm totally single and ready to mingle. ^.^
He is not too handsome, Okey aaminin ko, POGI talaga sya.
Sikat sya at fashion model din.
Okey let me start the story about me and my "HUSBAND??!"
It was sunday morning and since tomorrow is our first day in college, i planned to visit my best friend.
Pagkagising na pagkagising ko ay agad akong naligo, kumain at syempre nagpaganda
Pink dress ang suot ko with matching pink shoes. Halos 1 Hour akong nakaharap sa salamin.
"Oh my princess you're so beautiful"
"Thanks mom!!! i have to go" sabi ko sabay kiss sa left chick ni mommy at lumabas na ako ng bahay.
Since good mood ako at dalawang kanto lang naman ang layo ng bahay nila best friend kaya naglakad na lang ako. "Lalalalala..." habang naglalakad ako ay biglang may bumunggo sa akin, yun napahinto ako sa pagkanta. Huminto ako sa paglalakad pero yung lalaki hindi man lang tumigil sa paglalakad. Naririnig ko pa rin yung pag tapak nya, Grrr. HINDI MAN LANG BA SYA MAGSO-SORRY?! kaya humarap ako sa kanya habang siya naman ay nakatalikod.
"Hoyy Mr. Long Hair!!!!! wala ka bang nakakalimutang gawin??!"
Huminto yung lalaki tapos humarap. Hindi ko masyado makita yung mukha nya kasi nahaharangan ng long hair nya at nakayuko pa sya. Pero napansin ko na parang umiiyak sya.
"Hindi ko kasalanan kung nabunggo kita"
Tapos tumalikod ulet sya at naglakad.
HA?!!!! UMIIYAK SYA?!! NASAKTAN KO BA SYA SA PAGBUNGGO NYA SAKIN?? EWAN.
Tumalikod na rin ako at naglakad pero di ko mapigilang ma-curious kung bakit sya umiiyak. Hmmm bakit kaya? Hindi ko napansing nasa tapat na pala ko ng bahay nila best friend. Lalagpas na sana ko buti na lang biglang sumigaw ang best friend ko.
"Sarah!!!!!!!!!"
Napahinto ako at tumingin sa paligid.
"Nasaan na ako?!" bulong ko
"Sarah..!!!! san ka pupunta?!" boses yun ni best friend kaya agad akong lumingon at nakita ko syang nakatayo sa tapat ng gate nila.
"Mica...!!!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya. "Sa inyo talaga ako pupunta e."