"Kaps!"
Pagkatawag ko sa pangalan niya ay agad siyang lumingon. Malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang maganda niyang mukha na ngayon namumula dahil sa pag-iyak. Naikuyom ko ang mga palad ko sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko. Galit dahil pinaiyak na naman siya ng boyfriend niya at sakit dahil nasasaktan ang taong mahal ko.
Nang matanggap ko ang text niya na sa may bench siya sa parking lot at kailangan niya ako, agad ko siyang pinuntahan kahit hindi pa ako tapos kumain kasama ang mga barkada ko.
"Kaps.."garalgal na sabi niya habang nakatingin sa akin. Nag-squat ako sa harapan niya para maging level ang height namin. Tinignan ko siya sa mga mata at mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko. Kitang kita sa mga mata niya ang lungkot.
Pinunasan ko ang mga pisngi niya at inayos ang buhok niya. Umupo ako sa gilid niya para mas maayos ko yung buhok niya.
Nagpatuloy siya sa pag-iyak habang ako nanatiling tahimik.
Gusto ko siyang pagsabihan, gusto ko siyang sermunan, gusto kong sabihin sa kanya na tama na, sobra na. Gusto kong sabihin kung gaano siya katanga, gusto ko siyang sabihang iwan na niya ang boyfriend niya pero hindi ko magawa. Hindi ko masabi ang mga 'yun dahil alam ko kung anong isasagot niya sa akin...
"Mahal ko siya, Kaps.."
Yan na lang parati ang naririnig ko sa kanya. At kahit gusto ko siyang pagsabihan, matigas pa rin ang ulo niya.
Mula highschool kami hanggang ngayong college na kami, ganito na ang sitwasyon niya. Over two years na sila ng boyfriend niya, pero sa mga panahon ring yun, parati siyang umiiyak. Ilang beses na siyang niloko at sinaktan, pero go pa rin siya ng go.
Sasabihin niya na hindi na siya magpapaloko, pero sa isang 'sorry' at 'i love you' ng gagu, lalambot siya agad. Mabilis niyang napapatawad ang gagu. Sobrang bait kasi niya eh. Sobra rin siyang magmahal, pati sarili niya nakalimutan na niya.
Ilang minuto rin siyang umiyak. Medyo tumahan na siya pero tumutulo pa rin ang mga luha niya.
Pinunasan ko ulit ang mga pisngi niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinignan ko siya."Tahan na, ang panget mo na Kaps. Mukha ka ng aswang sa itsura mo."pabiro kong sabi.
Gumuhit ang maliit na ngiti sa mga labi niya."Kaps naman! Nagdradrama ako dito."sabi niya sabay pout.
Tsk! Pasalamat siya at nakakapagpigil ako, kung hindi kanina ko pa siya hinalikan.
"Tara na nga at ililibre kita ng cotton candy at ice cream. Tahan na."sabi ko sabay tayo at hila sa kanya para tumayo na rin siya.
"You're treating me like a child."inis na sabi niya.
"You are a child. Kung umiyak ka nga para kang bata."
Masama niya akong tinignan at hindi ko mapigilang hindi tumawa sa reaksyon niya. Hindi ko alam kung gusto niya ba ang takutin sa tingin niya o gusto niyang magpatawa sa ginagawa niya.