Niknik's POV
It was a bright sunny day. Junior na ako bukas! Yunnnohhh! :) Pero nakakatamad pang bumangon ng kama. Kasi naman ee. Ang laki ng kama ko, kasya limang tao kaya ayan ayaw ako pakawalan. Haaaaay! Sarap pang matulog. Ang lamig ng aircon, nakasilip na yung araw at eto ako, kahit gising na, nananaginip pa.
"Ano kayang mangyayari bukas? Madami kayang transferees?"
"Nakakaexcite! Yung mga old classmates kaya, sino-sino na lang kaya yung andun? Haaay. Thank You Lord sa pag-gising mo sa'kin ngayong araw. At blah blah blah...." Ito ang sinsabi ko habang nakatingin ako sa kisame. At habang nakayakap sa Crocodile Pillow ko na kasing laki ko. Wala kasi akong pwedeng katabi kaya bumili ako nito. Haha. Kewl kaya!
Ganito lang ako araw-araw. Mag-aalarm yung phone ko o kaya kakalampugin ng mga maid dto yung pinto ko para magising ako. Tapos walang hanggan na pag-mumuni ang mangyayari skin. Katulad ngayon, iniisip ko kung anong masayang gawin ngayong araw.
Haaaay, Tama na nga ang muni-muni, madami pa pala akong dapat gawin ngayong araw na 'to. *haaaaaaaaaaah* *hikab*
Tumayo na 'ko ng kama at inayos na yung mga unan, kumot at nilinis ko na rin yung buong kwarto ko.
Pumunta ako ng kusina para (alam niyo na) maghanap ng pagkain. At ayun, magaling. Wala pa. At wala ding tao sa bahay, lahat sila nasa palengke.
Ako sa saka mga pinsan ko lang pala yung andito sa bahay. Sinilip ko sila at ayun mga tulog pa. Haaay, sarap ng tulog nila. Naka-aircon kasi sila, ako wala nun.
Nakikitira lang ako ditto. Hindi pa 'ko makatulog ng mahimbing, ang ingay kasi ng mga kapit-bahay. Grr. Puro sigawan..
Ooooops teka nga. Kanina pa 'ko nagkwekwento 'di niyo pa nga pala ako kilala. Mwehehe. Ako nga pala si Niknik. Maria Nicandria Alyson Dimagiba ang buong pangalan ko. Ang baho no?
Yung nanay ko kasi e, 'di man lang inayon yung pangalan ko sa apelido ko, ang haba-haba pa.
Hmm, 15 years old na 'ko, 3rd year high school pagpasok bukas. Isa lang akong simple pero rock (daw) na babae. Mahaba at itim ang buhok, medyo chubby (I love foods kasi), may clef chin, mejo singkit, morena at matangos ang ilong.
Though I already experienced entering a relationship.
Pero katulad niyo rin ako girls. "WAITING FOR TRUE LOVE." Lahat ng nakarelasyon ko na, hinwalayan lang ako. Iniwan. Pinagmukhang kawawa at tanga.
Nag-mamahal lang naman ako, ewan ko ba kung bakit nila ako iniiwan. Nakakahanap siguro ng mas better sa'kin.
Mas maganda mas sexy. Haaaaay, masalimuot ang lovelife ko kaya ngayon, In a relationship with food muna ako. :)
Galing sa kusina, umupo naman ako sa harap ng PC ko sa kwarto ko. Shempre, isa lang ang puntahan natin pag nag-PC, kung hindi twitter, facebook. (Hashtag relate)
Nag-message si mama sa'kin. Hay salamat. Hmm, nasa abroad kasi sila kasama mga kapatid ko, Bakit ako naiwan? Wag niyo na lang itanong, haha.
*Door opens*
"niknik, kumain na kayo oh. Eto almusal." Sabi ni nanay.
"Ay nay, nagpadala na daw po si mama. Bibili na ako ng gamit mamaya aaah."
"Sasamahan pa ba kita?"
"Hindi na. Ang laki-laki ko na eh. Saka kasama ko sila clang at Maki."
"Sige ikaw ang bahala. Mag-ingat lang kayo mamaya."
"Opo."
3:00pm na ako nagpunta ng SM. Doon lang kasi may National Bookstore. Diretso agad ako sa restroom. At naisipan kong itex na sila Maki at clang.
"Ay shit. Wala akong load! Paano kaya kami magkakakitaan nito. Hmm, diresto na lang ako sa National."
Nagpaganda, nag-pee. Ayun lang naman ginagawa ng mga babae sa restroom. (Hashtag relate) Paglabas ko ng restroom at mga 5 meters away sguro, may narinig ako na boses.
"Niknik! Niknik!"
Saan galing yun? Inikot-ikot ko ang ulo ko sa kaliwa't kanan. Ayun nasa likod yung tumatawag sa'kin. Si Clang pala yun.
"Niknik! Bat di ka nagrereply! Kanina pa kami dito. Nakakaloka,"
"Ay sorry. Naubusan ako ng load. Hi Maki!"
"Hello Aly." -Maki
Maki used to call me aly para daw kakaiba naman. Arte no? :))
Sa National Bookstore. Ayan, kanya-kanya kaming bili hanggang sa nagtipon kami sa Notebook section.
"May gwapo kaya bukas na transferee?" -Maki
"Malamang meron, kaso papatulan ka ba?" -Clang
"Syempre hindi. Kasi sa'kin ang mga mata nun bukas! Haha. Charing." Sabi ko.
"In your dreams." -Maki
"Whatever. Hindi porke chubby panget. Nasa appeal yan, wala ka kasi nun." -Nik
"Shut up you both please." -Clang
After 1 hour na pag-iikot at pamimili. May nakita akong isang lalaki, "Masssssthhh Yummy!" Sabi ng isip ko. Hahaha. Pero parang nakita ko na siya. Hay, whatever.
"Bebi tara na magbayad na tayo. Nka-tanga ka pa jan. Alam ko may gwapo pero tantanan mo muna ang kiri mo. Tara na." -Clang
"Aray, mka-kiri ka naman. Well fine." -Nik
Pagkabayad namin ng pinamili namin. Dumeretso na kami ng World Of Fun. No hesistations. Quality time kasi namin 'tong tatlo.
"Kakanta ako ha! Hahaha. Walang aangal." Sabi ko.
"Hay nako. Eto na naman si ambisyosa. Uuwi pa tayo wag ka na kumanta" -Maki
"Then go home. I'll stay and sing to annoy you more my dear. (Bhelat face)."
"Joke lang naman. Hahaha. Peram ng digi. Kukunan pa kita." -Maki
Well atleast I have the guts to sing sa isang karaoke stage. Maganda naman daw yung boses ko eh, sabi ng nanay ko. 0:)
Mala-Anne Curtis kasi ang peg ko kaya ayaw nila akong pakantahin. Hahahaha. Nkakahiya pero sbi ni Clang wala daw ako nun. Ouchh.
"Baby, now that I found you I won't let you go I built my world around you. I need you so, baby even though you don't need me now." ♫♪
Favorite kong kanta 'to e. Para kasi 'to dun sa mga taong ako lang ang nagmamahal sa loob ng relasyon. Hahahaha, Senti mode? Tama na nga. Past is past sabi nga nila.
Fun. Fun. Fun. Pero nakaramdam ako ng hiya ng makita ko yung ex ko, kasama yung new girlfriend niya. Well. Who cares? Kakanta ako at maglaway siya. Hahaha (Wow parang ang ganda ko no?)
"Ubos na yung mga token, kain na tayo sa greenwich please." -Maki
"Wag na. Mcfloat na lang tas uwi na tayo. Pagod na ako e." Sabi ko.
"Oo nga, magbabalot pa ko ng mga notebooks." -Clang
"Okay. As you wish." - Maki
Bumili na kami ng Float. Then naghiwa-hiwalay na sa terminal. It takes 15 minutes bago ako makarating sa bahay namin.
Nako. Alam ko pag nakita ng mga pinsan ko 'to. Hihingin 'tong float ko. Kainin ko na nga yung Ice cream. (Mejo madamot).
And I was right, Papasok pa lang ako ng gate, bumabarurot na yung pinsan ko sa'kin.
"Ate Niknik. Ang ganda mo ngayon, akin na lang float mo. Di ka ba naawa sa'kin? Uhaw na uhaw na ako."
"Ang dami mong sinabi, alam ko namang hihingin mo 'to, nambola ka pa. Oh eto o."
Inabot ko yung float sa kanya at dumeretso na ako sa kwarto ko. Syempre, Open the computer And upload. Nagbalot na din ako ng mga notebooks & books ko.
It's around 9:00 pm na, humiga na ako hindi para matulog, kundi para mag-GM at mkipag-text pa. Teenage life, You know! =) Tapos natulog na rin ako ng mga 9:30 pm..
BINABASA MO ANG
A Teenage Story.
Teen FictionA real life story. Comedy, drama & romance andito na lahat! It's all about this girl named Niknik at ang nakakapanabik na pangyayari sa buhay niya at buhay lovelife niya. :)