7:45 PM
Rinoa: Jay jay, care to share?
Jayde Psalm: ree, have you ever been in love?
Rinoa: hala
Rinoa: thank you for your wonderful (?) question and... no. I think it's too early.
Jayde Psalm: well, I am.
7:47 PM
Rinoa: seryoso?
Rinoa: sorry I thought you were single talaga hahahaha omg
Jayde Psalm: Silly. 'Di porket in love ka sa taong yun, magiging kayo na.
Rinoa: I'm not that young to not know that! So it's unrequited huh?
Jayde Psalm: Hindi yun.
7:50 PM
Rinoa: Eh ano? Kwento!
Seen 7:51 PM
Jayde Psalm is typing
8:10 PM
Rinoa: Ay ang tagaaaal!
8:20 PM
Jayde Psalm: Siguro naman I don't need to tell her name kasi hindi mo siya kilala. Well, best friend ko siya. Cliché 'di ba? Eh ganun eh. Yun nga, best friends kami since high school. Ako yung sandalan niya every time nalalaman niya na may crush or girlfriend yung bagong crush niya. Medyo O.A. kasi siya pero ayos lang, bearable naman. Wala, best friend eh. Kasama sa duty ko yun. Nagkakilala kami kasi nalaman ko na crush niya ko before t'as yung ibang babaeng kaibigan niya pinagtutulakan siya sa'kin. Pogi ko di ba? De biro lang. Tapos yun naging close kami kasi wala naman na daw siyang feelings kaya wala talagang awkwardness sa'min. Panda tawag niya sa'kin tapos husky tawag ko sakanya. Kaso ayun na. Nagsimula na. Yung para bang shit jayde psalm, you're falling for your best friend! Mga December ko nalaman yun. Ang gay pakinggan pero ganun talaga yung nasabi ko sa sarili ko nung time na tinitigan ko siya habang nagbabasa. Putangina. -just pretend you didn't read that- Tapos nung February, ayun, hindi ko na napigilan. Umamin ako sakanya. Sobrang saya ko nun kasi sabi niya parehas naman daw kami ng nararamdaman kaso sana daw hanggang best friends nalang kasi ayaw niyang masira yung friendship namin. Bullshit lang di ba? Ako willing ako i-take yung risk kasi sayang naman pero siya "ayaw masayang yung friendship". Pero tinanggap ko. Mahal ko eh. Tapos back to normal kami, para bang walang nangyari? Tapos kanina kaya ako nawala kasi sabi niya kailangan niya ng tulong ko. E di ako go lang. Tapos bullshit ulit kasi pinatutulong niya ako gawin yung homework nung nangbu-bully sakanya. Nagalit ako kasi hindi ko naman alam na hanggang ngayon pala binu-bully parin siya. Tapos sorry siya nang sorry kaya okay lang, tinanggap ko naman. Di nagpunta kami dun sa unit ng nangbully sakanya tas nilagay ko yung empty homework sheet sa may doorstep tas nagdikit ako ng note.. alam mo nakalagay? Pakyu. Yun tapos hinatid ko na siya.
Jayde Psalm: Pero minsan nakakasawa lang kasi.
Jayde Psalm: nakakasawa na ako tina-try ko maging okay kaso punyeta naman, hindi ko naman matatago 'tong nararamdaman ko
Jayde Psalm: paano ako makakamove on kung lagi kp siyang kasama?
Jayde Psalm: ko*
Rinoa: Eh base naman sa kwento mo, hindi mo naman ata gustong mag-move on. Shungangers ka ah. Hahaha.
Jayde Psalm: Gusto ko kaso paano eh best friend niya pa rin ako? Yun na nga lang pinanghahawakan ko.
Jayde Psalm: para mabuhay.
Rinoa: SERIOUSLY, JAY JAY????
Rinoa: NILOLOKO MO ATA AKO EH?????
Jayde Psalm: seriously
Rinoa: Hindi naman ata maganda yan
Rinoa: mygod I don't know what to do! first time ko maka-encounter ng ganito
Jayde Psalm: okay lang. I just really needed someone who'd listen..
Jayde Psalm: and understand.
Jayde Psalm: do you understand me?
Rinoa: yes, psalm.
Rinoa: este jay jay...
Rinoa: I understand. I'm here for you.
Jayde Psalm: psalm pala ah? ;)
Rinoa: aba kanina lang nagd-drama ka tapos ngayon inaasar mo na ko?
Rinoa: nadala lang ako!
Jayde Psalm: defensive ah..
Jayde Psalm: kidding. thanks for listening, ree. i owe you a lot, good night na. :)
Rinoa: night, PANDA. :p
Seen 8:48 PM
--
start of something new lalalalala