Anika Sison is 16.
Christian Sison was 6.
Doc. Rica Sison was 47.
Sir. Ethan Magpantay was 27.
Bernadette Alba was 15.
Now, they are all 16.
~ 1 6 ~
Lahat sila ay nagtatawanan na para bang walang kinabukasan. Suot-suot nila ang kinilang mga ngiti na mayroong kahulugan sa likod nito.
Umakbay ang isa sa kanila at bahagyang nginitian ako. "Babe, i-cheer mo naman si Jeffrey para makatalon na!" Lahat sila ay sumang-ayon sa suggestion ni Newt.
"Tumalon ka na para matapos na 'to." Masama kong tinitigan ang mga natatakot na mata ni Jeffrey.
"You heard her, sundin mo na ang crush mo!" Ani ng isa sa kanila--sa aking mga kaibigan.
Napalunok si Jeffrey. Pang sampung beses na ata niya tiningnan ang nasa-ibaba: isa itong ilog na puro bato. Inuuto lang namin siya sapagkat nalaman ni Newt na may gusto saakin. Ayun, nagplano siya na tumalon si Jeffrey sa ilog at iwanan. And yes, boyfriend ko si Newt.
Yumuko ng kaunti si Newt upang nakawan ako ng halik sa labi, "you're improving, Babe." Bulong niya saakin at tila nakiliti ang aking tainga dahil sa kanyang hininga.
"Tama na nga yan, nilalanggam tayo eh!" sigaw ni Elisa na para bang nagbibiro. "Tumalon ka na Jeffrey, promise susunod kami." itinaas pa miya ang kanyang kamay upang magsilbi na gagawin niya nga iyon.
Tumingin saakin ng seryoso si Jeffrey nang napatawa ako sa sinabi ni Elisa. Sinamaan ko siya ng tingin, as a response. And for the last time, tumingin ulit siya sa ilalim--sa ilog.
I got impatient, the reason why I pushed him without my senses.
"Anika, you know I hate that side of yours when you're being impatient." sabi ni Newt saakin. Edi hate na kung hate, wala akong pakialam. I just want things done as soon as possible. Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at nauna nang umalis. Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi niya ako nilapitan dahil alam ko na nakapulupot sakaniya si Elisa. Damn that witch!
"Um... guys, bakit may dugo?" tanong ng isa saamin na para bang nakakita ng multo.
"Jin, tigil-tigilan mo nga yang pagloloko mo! Hindi nakakatuwa." Ani Newt na hindi manlang pinipigilan ang sarili nang hinahalikan siya ni Elisa sa bibig. Wala naman akong pakialam because Newt is just my fling. And, sa dinami-dami kong naging boyfriend, ni isa wala akong sineryoso.
"Guys, I'm not joking!" napiyok pa ang pagsisigaw ni Jin. At dahil doon, hindi na akong nagdalawang isip pang tingnan ang mabatong ilog.
Shit!
Nakita kong nakalutang ang katawan ni Jeffrey sa ilog na pinapaliguran ng mapupulang dugo sa gilid. Hindi ito maaari!
Did I just...
killed Jeffrey?
~ 1 6 ~
Ang Age: 16 ay gawa-gawa lamang. Pangalan, tauhan, lugar, at mga pangyayari ay isang produkto ng may-akdang imahinasyon. Kahit anong pagkakahawig sa tunay na pangyayari o taong buhay o patay man ay hindi sinasadya.
BINABASA MO ANG
Age: 16
FantasyAnika is 16. Christian was 6. Doc. Rica was 47. Sir. Ethan was 23. Bernadette was 15. Now, they are all 16.