Prologue

14 3 2
                                    

Jack in the Box.

Prologue.

"Ma, huwag po," pagmamakaawa ng batang babae. Nanginginig ito sa takot at nerbyos.

"P.ta kang bata ka! Ano? Tatakas ka din gaya ng Tatay mo? Iiwan mo din ako?!" Nanlilisik ang mga matang sabi ng kanyang Ina. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakasakal sa bata. Tangan-tangan niya sa kabilang kamay ang kutsilyo. Nababaliw na nga siya.

Tahimik lamang ang batang babae. Halatang nanghihina ito habang nakasandal sa dingding ng kanilang sala. Napabuntung-hininga siya.

"Ma,huwag po." Pag-uulit ng batang babae. Mahina at malumanay ang boses nito.

Nasanay na din siya sa pag-aasal ng Ina. Ngunit iba ito. Sa makailang beses na sinaktan siya ng Ina, tila binabalewala na lamang niya.

Ngayon lang siya kinabahan. Ngayon lang siya tinutukan ng patalim ng Ina.

Madalas, sinasaktan siya nito sa tuwing lasing, o di kaya'y nakahithit ng droga.

"Mapapatay kitang bata ka!" Halos mamutla na ang batang babae sa higpit ng pagkakahawak sa kanyang leeg. Wala siyang magawa. Walang lakas ang isang pitong taong gulang bata kagaya niya laban sa Ina nito.

Simula nang dumating ka sa buhay ko, nagkandaleche-leche na ang lahat!" Patuloy ang paninisi ng medya-gulang na babae na para bang wala sa katinuan. Hindi umimik ang batang babae. Nangingilid sa mga mata nito ang luhang pinipigilan niyang pumatak. Ayaw niyang ipakitang mahina siya.

"Isa kang malas! Aksidente! Bastarda!" Dinuro-duro pa nito ang batang babae.

Bigla na lamang humalakhak ng tawa ang batang babae. Inosenteng tawa. Matagal-tagal na din mula nung huli siyang tumawa ng ganito kalakas.

"Baliw. Baliw ka na, Ma." Mahinang bulong nito habang nakangisi. Nagulat ang Ina sa inaasal ng bata.

"Anong nakakatawa?!" Naiinis nitong tanong.

Muling humalakhal ang batang babae. Pagkatapos noon ay natahimik ito at tila bumalik sa katinuan. Nakatulala na lamang ito sa hangin.

Bumitaw naman sa pagkakasakal ang Ina ng batang babae. Dahil dito ay humagalpak sa sahig ang bata.

Nakalugay ang mahaba't itim na buhok ng bata at natatakpan ang mukha niya habang nakahandusay siya sa sahig. Hindi ito nagsalita o kumilos man.

"Gaga," Dinuraan siya ng Ina habang tumungo ito sa kusina at binuksan ang ref nilang walang laman kundi tubig, alak at droga.

Dumampot ito ng isang bote ng alak at isang pakete ng puting pulbos. Nagtungo ito sa hagdan.

"Kay aga-aga binubwiset mo ako. Tang.na." Bulong nito habang padabog na naglalakad palabas ng kusina.

Nakita ng batang babae ang paborito nitong laruan na nasa sahig. Jack in the box iyon.

Hindi lang ito basta laruan para sa munting bata. Itinuring na niya itong kaibigan. Tanging ito lang ang saksi sa lahat ng hinanakit ng kawawang bata.

Dahang-dahang ginapang at inabot ng batang babae ang jack in the box mula sa di kalayuan. Hinimas-himas niya pa ito. May marka itong 'J' sa paanan.

"Alam mo Jack, Ang sama ni mama," sambit ng bata na tila bay kinakausap ang laruan.

"Akala ko isusunod na niya ako kay Papa." Huminga siya ng malalim.

"Buti di niya ako pinatay," bulong niya. "Pag ganon, di na kita makakalaro." Pagpapatuloy nito.

Sinundan niya ng tingin ang mapang-abusong Ina habang papaakyat ito ng hagdan. Hindi niya maiwasang mapangiti.

Tinitigan niya lamang ito.

Isang malamig, ngunit matalim na titig.

"Lagot ka kay Jack, mama."

Jack in the BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon