Chapter 1

13 1 4
                                    

Chapter 1

Jarred's POV

"Red, gising na nandito na tayo."

Marahan akong niyugyog ni Mama.

Taena, panaginip lang pala. Mabuti naman. Nakahiga ako ngayon sa backseat ng van.

Luminga-linga ako sa paligod at nakita ko si Mama sa likod ng van habang si Papa naman ang nagbubuhat ng gamit papasok sa bahay. Kakabili lang namin sa bahay na ito.

Kinuha ko sa bulsa ang phone ko at tiningnan ang oras. Mag-aalas sais na pala. Medyo madilim na din ang paligid.

Napasinghap ako. Habang tumatagal mas lalong lumalala ang mga napapanaginipan ko. Ilang araw na ding may nakikita akong batang babae sa panaginip ko. Pero hindi ganito kabrutal ang eksena. Madalas iyong laruan at yung bata lang ang nakikita ko. Ni hindi ko siya mamukhaan, lagi kasing nakalugay ang mahaba't itim niyang buhok.
"Red, anak. Pakibuhat nga ito." Sabi ni Mama sabay katok sa bintana ng van. Tumango nalang ako at in-unbuckle ang seatbelt.

Isinuot ko ang earphones ko bago bumaba. Binuhat ko na ang box at dinala sa loob.

Maganda naman ang interior design ng bahay pagpasok ko. Kaso nga lang maliit ang bahay. Hindi kasinlaki ng bahay namin sa Manila.

Two-storey house, nasa 2nd floor ang mga kwarto namin. Mamaya nalang siguro ako aakyat.

Pagkatapos naming mag-arrange ng mga gamit, nagluto si Mama ng dinner. Syempre special kasi nga daw first night namin dito.

"So ano? Okay lang ba yung interior?" Tanong ni papa sa akin at umupo sa dining table.

Tumango lang ako. "Pina-renovate namin to bago tayo lumipat. Luma na kasi." Sabat ni Mama.

Tumango lang ulit ako.

"Nga pala, naasikaso na namin yung requirements mo for the next school year." Ani Papa habang sumusubo ng macaroni casserole.

"Pa naman, hindi pa nga tapos ang bakasyon, aral na naman?" Naiinis kong sabi.

Paano ba naman? Sila lang naman yung atat na atat. Ayaw ko nga sanang lumipat dito, syempre nasa Manila ang mga kaibigan at school ko. Kung hindi lang dahil sa kaabnormalan ng tita ko, malamang hindi kami mapapadpad dito.

Akalain mo, muntik na kaming gyerahin ng dahil sa away nila sa titulo ng lupa. Kingina.

"Jarred Ethan Morales, " Pagtawag ni Mama sa full name ko.

"13 kana, mag-mature ka naman. Binata at highschool kana next school year." Saad ni Mama.

Napasimangot nalang ako sa narinig. Nagconcentrate na lamang ako sa pagkain ng home-baked brownies ni Mama.

"Akyat na po ako." Pagpapaalam ko at dumiretso na sa taas.

May 3 kwarto dito sa 2nd floor. Yung unang kwarto ay ang master's bedroom. Yung last naman ay mini office ni Papa, habang yung sa gitna naman ang akin.

Pinihit ko ng dahan dahan and siradura. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang black and white motif ng kwarto. Pinasadya ko talagang ganon para naman magmukhang modern and surroundings ko.

Fully furnished ang room. May Kama, bedside table, bookshelf, single sized sofa, LED TV, closet at mini refrigerator.

Now don't get me wrong. Hindi kami yung sobrang yaman, hindi din naman sobrang hirap. Maykaya lang.

Mayroon din akong study table na nakaposisyon malapit sa sliding glass window.

Siguro sadyang gusto ni Papa na marelax ako sa view mula sa labas tuwing nag-aaral o gumuguhit.

Namana ko kasi Kay Papa ang pagiging artistic.
Isa kasi siyang cartoonist at journalist.

Pumasok naman ako sa comfort room na nasa loob lang din ng kwarto ko. Kumpleto na din sa necessities at toiletries. Napagpasyahan kong maligo muna para marelax ako kahit papano. Kapagod din kayang maglipat.

Pagkatapos noon, nagbihis nako ng damit pangtulog.

Nahiga ako sa kama at nakatitig lang sa kisame.

Pakiramdam ko sobrang init ng paligid kahit nakabukas ang air con.

Binuksan ko nalang ang sliding glass door para magpahangin saglit.

Maganda nga ang view dito. Madaming puno at halaman. Matatanaw mo din mula sa di kalayuan ang tuktok ng bundok.

Okay na sana kasi tahimik at payapa, kaso wala nga lang katao-tao. Ilang oras din and biyahe mula sa bayan patungo dito. Liblib na masyado. Wala na atang night life dito eh.

Nakaagaw ng pansin ko ang isang bahay ilang metro ang layo mula sa amin.

Tsaka pansin ko na parang kwarto din and katapat ng kwarto ko.

Hindi ko maaninag kasi malayo at medyo madilim, pero parang may napansin along kumikinang. Parang laruan, basta.

Dali-dali akong umalis mg bintana at kinuha ang binoculars mula sa backpack ko. Agad kong itinuon ang binoculars sa kwartong iyon.
Izinoom in ko at tama nga ako. Jack in the box nga iyon. Madilim ang paligid ng kwarto, pero maliwanag ang Sikat ng buwan kaya kahit papano may naaninag naman ako.

Inilibot ko sa buong kwarto ang tingin ko.

May nahagip akong parang puting tela ata? Ay, hindi. Parang damit? Bestida?

Mas nilapitan ko pa at inufocus ko and lenses. In-adjust ko dahil medyo naging blurred.

Nag-focus na ako sa bestidang iyon.

Halos maibato ko ang binoculars sa nakita ko.

May bata sa bintana.

Yung batang babae sa panaginip ko.

Andito siya. Nangingininig ang mga kamay ko habang hawak ang binoculars.

Mas lalo akong kinilabutan nang mapansin kong palapit ng palapit ang mukha into habang tinitingnan ko siya sa binoculars.
Sobrang lapit na niya. Nauumid ang dila ko. Hindi ako makapagsalita.

Agad kong tinanggal mula sa Mata ko ang binoculars sa pag-asang namamalikmata lang ako.

Mali ako.

Kaharap ko na siya ngayon.

Jack in the BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon