1

5 0 0
                                    

"Okay class, our dicussion for today is all about chemistry. What is chemistry?" tanong ng science teacher naming si Sir Martinez.

"Sir, chemistry is our discussion for today." pilosopong sagot ng kaklase kong si Isiah dahilan kung bakit magtawanan ang buong klase.

"Raise your hand if you want to answer even though your answer is not valid, Isaiah!"

"Oh, Im sorry sir." sagot ni Isaiah habang pinipilit na wag tumawa kasama ang mga kaibigan niya.

"If you want to caught the attention of Adah, don't ruin my class! Go find  some other ways of how she'll going to notice you, Isaiah. Not in my class." direktang sabi ni Sir Martinez dahilan kung bakit tumingin silang lahat sakin. Namula ako dahil sa nangyari, I hate too much attention!

"Adah daw pre oh?! Seryoso pre?!" halakhak ng kaibigan niyang si Christian.

"No way sir! Adah pa nais! Di bale ng lahat ng babae dito, wag lang yan! Anak ng mangkukulam yan eh!" sigaw niya na nagpatawa ulit sa mga kaklase ko.

"Sumusobra ka na kayo, Isaiah ah!" sabi ni Abigail, isa sa mga kaibigan ko.

"Bakit, taba?! Wag kang sumali dito, wala ka sa usapan!" sagot ni Isaiah.

"Hep! Hep! Tama na! Tumigil ka na Abigail? Ok, as I was saying a while ago, Chemistry is our discussion for today. It is a branch of Physical Science that studies the composition, structure, properties and change of matter." pagpapatuloy ni ni Sir Martinez dahilan humupa na ang tawanan ng klase.

"Biased!" bulong ni Abigail.

"Paminta eh?" dagdag ni Aaliyah.

Lumandas ang mga luhang kanina panagba badya sa aking mga mata. Mabuti na lang at nasa likod kami ng mga kaibigan ko kaya walang masyadong makakapansin na umiiyak ako. Sino nga ba naman ang maga abalang tumingin sakin? Samin? Sa itsura naming magkakaibigan, kami na nga ata ang magkakaibigang ni kahit isa, walang maganda o kahit itsura man lang.

"Ok ka lang ba, Addah?" tanong ni Aaliyah ng mapansin niyang namamasa ang pisnhi ko.

"Ok lang, sanay na ko." sagot ko sabay tingin sa blackboard para kopyahin kung ano man ang nakasulat.

Suminghap na lang ang dalawa kong kaibigan matapos marinig ang sagot ko.

Oo, panget ako. May katamtamang kulay, maikli ang buhok, may braces, may malaking salamin, payat, not literally, medyo lang. Kaya hindi na ko nagtataka kung bakit walang pumapansin at nagkakagusto sakin. Panget ako, simple as that. Ganun din ang mga kaibigan ko, hindi pansinin. Si Abigail, may salamin pero walang braces, mataba dahil mahilig kumain. Si Aaliyah naman, may mahabang buhok, dry nga lang kaya laging naka ponytail. Naging tirahan ng mga tigyawat ang mukha niya kaya naging tuksuhan din siya ng mga estudyante hindi lang dito sa loob ng classroom kundi pati rin sa buong school. Hindi ko nga alam kung bakit kami ang nakikita at iniinsulto nila siguro para sa kanila, kaming tatlo ang pinaka panget sa buong school.

Hindi naging maganda ang araw ng klase para saming tatlo. Sabagay, lagi naman eh. Dahil habang naglalakad kaming tatlo kanina papuntang canteen, biglang may kung anong liquid substance ang natapon o tinapon sa sahig galing sa pintuan ng isang classroom dahilan para gumewang gewang at madulas kaming tatlo. Agad kaming kumapit sa railings at pinilit tumayo at agaran ng umalis sa lugar na yun.

"Bakit hindi nila ito pinapansin? Maging si Sir Martinez kanina, nainsulto tayo pero wala siyang pakealam. Ni hindi man lang niya pinagsabihan si Isaiah kanina dahil pinagsabihan ka niya ng hindi maganda!" reklamo ni Abigail habang ngumunguya ng hamburger.

"Imposibleng mangyari yan eh tignan mo nga, sa dinami daming babae sa room si Adah pa ang ginawang example ng babaeng nagugustuhan ni Isaiah kahit hindi naman! Andyan naman si Veronica na muse natin ang yun talaga ang isa sa mga natitipuhan ni Isaiah! Biased din yang si Sir eh no! Paminta talaga yan!" galit na sinabi ni Aaliyah.

Its Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon