Start -She's pregnant!

20 0 0
                                    

"Ma... I'm pregnant!" Habang nakapikit ako ay binigkas ko ang mga salitang iyon. Maiiyak na ko sa sobrang kaba. Dumilat ako at tinignan ang reaksyon ni Mama.

"Talaga? Anak!!! Ohmygosh!!! Itext mo ang ang papa mo at mga kapatid mo pati si Karla!! Kailan pa? Nasan si DJ???" Natataranta na siya. Inaasahan kong madidisappoint siya at papangaralan ako.

"Ma, calm down. Please. At gusto ko po na personal na sabihin sa kanila. Si DJ po na kila Mama Karla, may kinuha lang po sa bahay nila." Hinila ako ni mama para umupo. We're here at my condo.

"Anak kailan pa? Excited na ko sa magiging apo ko!!!" Sigaw niya, halatang tuwang tuwa siya. Napangiti na lang ako sa inaasta ni Mama, siya ang unang sinabihan ko. Siguro sasabihin na din ni DJ mamaya kay Mama Karla mamaya.

"I'm 2 months pregnant, Ma..." Ngumiti ako hinawakan ang tyan ko na laman ay magiging anak namin ni DJ. Ang saya sa feeling.

"Excited na ko sa apo ko sa inyo ni DJ! Naku. Nagpacheck up na ba kayo? Bakit kasi ngayon niyo lang sinabi? Ha?" Tanong niya sa akin.

"Ma, kahapon ko lang din nalaman. Nung nalaman ko ang symptoms nung first month ay nagpregnancy kit ako, negative. Pero kahapon ng umava ginawa ko ulit positive na. Nagpacheck up na po kami kahapon." Ngumiti ulit ako ng nagring ang cellphone ko. 

"Hello? Ma----"


"KATHRYN???? BUNTIS KA ANAK? SIRAULO TALAGA ITONG SI DANIEL NGAYON LANG SINABI SA AKIN? ANO AYOS KA LANG? SINABI MO NA BA KAY MIN AT TEDDY? GUSTO MO DITO KA MUNA SA BAHAY NH MAALAGAAN KA NAMIN DITO. PAPUNTA NA DYAN SI DJ!! SANA SINAMA KA NIYA DITO, INIWAN KA DIBA? SIRAULO TALAGA YANG BOYFRIEND MO.. ASAWA PALA!!" Tuloy tuloy ang pagsasalita ni Mama Karla sa linya. Natawa kami ni Mama dahil ang lakas ng boses niya at walang preno. Narinig ko pang sinasabihan siya ni Magui na kumalma.

"Ma ayos lang po ako. Nandito po kasi si Mama ngayon, nung umalis si DJ alam niya pong dadating si Mama. At , kahapon lang po namin nalaman na buntis ako...."

"Ganoon ba? Pakausap kay Min, anak!"

"Sige po, Ma.." Inabot ko ang phone ko kay mama, at sinenyas sa kanya na pupunta lang ako ng kusina.

Uminom ako ng tubig. Hindi ako mapakaniwala na buntis ako. Ang saya saya sa pakiramdam na may nabubuhay na bata sa tyan mo. Ganto pala ang pakiramdam. Ilang minuto pa ang tinigil ko sa kusina na nakatayo lang at nakatitig iniisip ko ang mga mangyayari...

"Love..." Naramdaman kong may yumakap ako at hinawakan ang tummy ko. Si DJ, Hmmm, ang bango naman ng love ko.

"Love, kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasusuka o ano? Sabihin mo lang..." Hinalikan niya ang pisngi ko hbang nakayakap sa akin.

"Ayos lang ako, hmmm. Ang bango mo, love. Nakakaadik amoy mo.." Gumalaw ako at humarap sa kanya. Nakasandal na ako sa counter at nakayakap pa rin siya sa akin. Magkaharap na kami ngayon.

"Ha? Love, amoy pawis na kayo ako." Inamoy niya ang sarili niya at tinignan ako. Sandali siyang tumitig sa akin at hinalikan ako ng mabilisan sa labi. "Inuuto mo lang ata ako eh..."


"Love hindi, ang bango mo talaga. Hmmmmm." Lumapit ako sa kanya at inamoy ang shirt niya.


"Ay mabuti yan ako paglilihian mo hindi ibang tao!" Tumawa siya at niyakap ako ng mahigpit.


"Love, baka maipit si baby Sab..."


"Ay sorry baby..." Hinawakan niya ang tummy ko. "Aba, may pangalan na agad ha?" Tumawa ako. Ang saya saya ko.


"Bal? I love you... Mahal na mahal kita, kayo ni Baby Sab?.." Hinaplos niya ang tyan ko at hinalikan ako.


"Ako din, bal. Mahal na mahal ko kayo ni baby..." Sabay tingin ko sa kamay niyang nasa tyan ko.  Naiiyak ako, ganito ba kapag buntis?


"KATH!! DJ!!! HALIKA DITO!!!" Sigaw ni Mama. Nagkatinginan kami ni DJ, at pimunta sa living room.


"...KATHRYN AT DANIEL. MAY NAKAPASABI SA SOURCE NAMIN NA MAY NAKAKITA DAW KAHAPON SA KANILA NA PUMUNTA NG OSPITAL AT NAGPACHECK UP SI KATHRYN SA ISANG OB. TOTOO KAYA ITO? IS SHE PREGNANTMATATANDAAN NA 2 TAON NA NOONG NAKALIPAS NOONG UMAMIN SILANG SILA NA. NGUNIT HINDI PA SILA NAGPAPAKASAL AT WALA PANG ENGAGEMENT NAUNA NGA BA ANG PAGBUBUNTIS BAGO ANG KASAL? PANO NA ANG DARATING NILANG PELIKULA? MATUTULOY BA ITOGRETCHEN FULLIDO NAGPAPATROL SHOWBIZ NEWS..."




























Author's Note:
Ang lahat ng ito ay imahinasyon ko lamang. Hahahaha. Maikli lang to kasi parang prologue pa lang. Next chapter pa yun chapter 1.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KathNiel As... PARENTS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon