Sabi nila,
Masarap main-love.
"Paano mo ba masasabing in-love ka na?" minsang naitanong ng guro ko sa subject na Filipino.
Sinagot naman ito ng kaklase kong walang alam kundi magpasaway sa klase.
Number one sa listahan ng mga noisy student, ginagawang confession room ang guidance office at hindi nagsasawang mag heart to heart to talk sa principal namin.
Pero ang sagot nya, hanggang ngayon di ko parin makalimutan.
Which made me agree that he is right, totally.
Paano mo nga ba masasabing in-love ka na?
"Kapag di mo na alam yung nararamdaman mo, kapa di mo na mai-explain" sabi nya.
Tama naman di ba?
Di mo mapaliwanag, para kang lumulutang.
Napapangiti ka ng walang dahilan.
Masaya ka, by just his/her mere presence, o kahit na maisip mo lang sya,
Pero sabi nila,
Kapag nain-love ka, dapat handa ka.
Handa ka magsakripisyo, mahirapan. tanggapin at harapin ang mga pagsubok at higit sa lahat masaktan.
Pero may tanong ako, meron nga ba talagang handa sa love?
Palagay ko, wala.
Love comes in a moment we least expect it.
In a place we never thought it will exist.
And with a person whom we never even wish to fall in love with.
Kaya uulitin ko,
May nagiging handa nga ba pagdating sa love?
Minsan sasabihin mo, sa tamang panahon paghanda na ako.
Tapos pag nandyan na, akala mo sa sarili mo handa ka na sa lahat.
Maging sa wakas, sa sakaling maging wakas.
Akala mo handa ka ng bitawan sya sakaling hingin ng panahon.
Akala mo handa ka na kung sakaling kailanganin mong magparaya.
Akala mo..
Pero kailan ba naging tama ang akala?
Masasaktan at masasaktan ka parin.
Iiyak at iiyak ka parin.
Magagalit at magagalit ka parin.
Dahil tulad nga ng sabi ni Juan Miguel Severo "wala naman yatang nagiging handa sa wakas".
But how are we going to mend our broken hearts after all?
Paano kung ang mga pangako tuluyan ng napako?
Paano kung kahit ayaw pa pero kinakailangan na talagang sumuko?
Paano nga ba mas magiging matatag sa totohanang distansya?
A/N:
Hello po, thank you sa pag suporta sa first part nitong book. Sana po e-extend nyo ang suporta nyo dito, dahil rin po ito sa request nyo pong update, para po sainyo ito.
P/S: Sa mga di pa po nakakabasa ng Buhay LDR, sana po basahin nyo rin po.
Marami po salamat, God bless!
YOU ARE READING
Paano Kung Ang Distansya Totohanan Na? (HIATUS)
Non-FictionWhen distance becomes real, when he or she is out reach, what will you do? Will you still be able to stand strong? Mahirap at masakit na nga ang malayo sa taong mahal mo, paano pa kaya kung ang distansyang namamagitan sainyo totohanan na?