Bestfriends [[PART 2]]
Elle's POV
So after that hugging scene, nagdinner na kami.
we're currently planning our first trip after 3 years. Last trip ata namin eh bago pa umalis si Dy.
Habang nagpaplano sila, napatingin ako kay Dylan.
Ano kaya magiging reaction niya kapag nalaman niyang mahal ko siya? Lalayuan niya kaya ako? Ayoko naman irisk yung friendship namin. Sobrang dami na naming napagsamahan, ayokong irisk lahat ng iyon.
Pero posible kaya na magkagusto din siya sakin?
Sabi kasi ni Sab, (friend ko), na nasa akin naman na daw lahat. Matalino, mayaman, maganda etc etc.
Pero kulang pa rin eh. Haaay.
Naguguluhan talaga ako. Di ko alam kung aamin ba ako o itatago ko nalang to. Sobrang hirap.
*toink*
"Aray!" sabi ko
"*laughs* tulala ka kasi eh! ang lalim ng iniisip mo!" Dylan.
Di ko namalayan na nandito na pala siya sa tabi ko.
"aray ko letche ka. Ano ba kasi yun?"
"Sa Korea daw tayo. 1 week. May lakad ka ba?" tanong niya.
"Wala naman. Kay Sabrina ko nalang muna ipapabantay yung resto. 1 week lang naman eh." sabi ko.
May resto kasi ako. After kong mag graduate, nag invest na ako for my own resto.
"Okay guys so, the day after tommorow ang alis natin. Si Dale daw isasama ang girlfriend niya, si Aly. Ikaw Dylan? baka may girlfriend ka na ah." Daddy.
girlfriend? si Dylan?
tumingin naman ako sa kaniya.
nakangiti siya. yung mga ngiti na yan.
"Wala naman po tito. May nagugustuhan lang." sabi niya
I feel like my heart is going to break.
So bago pa mangyari yun...
"Excuse me, may emergency daw po sa Resto, I need to go." I said and I ran as fast as I can.
I went to my car and drove but not fast. Ayoko pang mamatay.
Di ko ata kaya.
Feeling ko sasabog na ako eh.
Di ko namamalayan na umiiyak na pala ako, kaya bago pa ako maaksidente, tinigil ko muna ang sasakyan sa tabi.
Dito ko iniyak ang lahat.
Ang tanga mo kasi eh. Tanga mo Elle. Bakit ba hindi mo masabi sa kaniya na mahal mo siya.
"ANG TANGA TANGA MO!!!" sigaw ko sa Cliff.
Tambayan namin to ni Dylan tuwing may problema kami.
"ANG TANGA MO KASI! HINDI MO BA MARAMDAMAN NA MAHAL KITA?!"
I shouted and I cried.
All the pain.
"MAHAL KITA DYLAN JEFFREY TAN! HINDI MO BA MARAMDAMAN YUN?!" napaupo nalang ako sa sobrang pagod kakasigaw.
"Ayoko lang naman na irisk yung friendship natin ng dahil lang sa nararamdaman ko. Hindi ko lang matanggap na *sobs* may iba *sobs* ka nang gusto *sobs*."
iyak lang ako ng iyak, hanggang sa umuulan na pala.
Sige lang makisabay ka lang.
Dylan's POV
"MAHAL KITA DYLAN JEFFREY TAN! HINDI MO BA MARAMDAMAN YUN?!" napaupo nalang ako sa sobrang pagod kakasigaw.
"Ayoko lang naman na irisk yung friendship natin ng dahil lang sa nararamdaman ko. Hindi ko lang matanggap na *sobs* may iba *sobs* ka nang gusto *sobs*."
I hate seeing her cry.
"Totoo ba yun?" I finally spoke. Sobra akong nabigla sa lahat.
Mukha namang nagulat ko siya kasi napatayo siya bigla.
"Ka-kanina ka p-pa nandyan?" tanong niya while sobbing.
Lumapit ako sa kaniya. I wiped her tears away lahit umuulan.
"Stop crying. I hate seeing you cry."
"Dylan." She looked at me. "I love you. There, I finally said it."
I smiled at her.
I'm happy.
I'm very very happy.
"I love you too, Lizelle Ann Kim." I said.
She looked so surprised.
Mukhang hindi pa siya maniniwala so I took the chance. I kissed her.
I kissed the one I love. Under the rain.
I love her and no one's gonna stop us from loving each other.
------------------------
Guys sorry medyo lame. Kasi di pa ako masyadong marunong gumawa ng scenarios about confessing. Mehehe. I hoped you liked it.
- AuthornaMahalsiJimin 💕
BINABASA MO ANG
Broken [[ONE SHOT STORIES]]
RomanceBitter ka ba? Nasaktan ka na ba? Gusto mo bang may makarelate sayo? TRY MONG BASAHIN TO! -AuthornaMahalsiJimin