1

4 0 0
                                    


Chapter 1

"Hindi ko talaga alam kung ano ang nakikita ng mga babaeng iyan sa mga mokong na iyan." Himutok ni Maica habang kumakain ito ng potato chips, nakatuon ang tingin nito sa table ng anim na lalaki na ilang metro ang layo sa kanila. "Sa dami na ng babaeng pinaiyak ng mga iyan ay palagi pa ring may mga babaeng gustong-gustong makalapit sa kanila tapos iiyak-iyak sa huli. Mga walang kadala-dala."

"Kasalanan din naman iyon ng mga babaeng hibang sa mga may saltik na iyan." Ani naman ni Louie na abala rin sa pagmamasid sa table noong anim. "Sila ang lapit nang lapit, alam naman nila kung ano ang ugali ng mga iyan."

"Bukod kasi sa galing sila sa isa sa mga pinakamaimpluwensya at pinakamayamang pamilya hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa asya ay ang guguwapo nila, eh." Sabad ni Maddie sa usapan habang kumakain ng ice cream.

"Maddie, don't say bad words!" Sigaw ni Maica.

Maddie pouted. "Anong bad words? Hindi naman ako nagmura, ah."

Maica just rolled her eyes. "Kapag narinig ka nila lalong lalaki ang ulo ng mga iyan."

"Sa baba o sa taas?" Natatawang singit ni Jam.

Napatawa naman sila sa sinabi nito na parang normal lang iyong pagkakatanong.

Tiningnan ni Maica ng matalim si Jam. "Minsan grabe talaga iyang bibig mo, 'no?"

Nagkibit-balikat si Jam bago ngumisi. "Just asking."

"Ano ba kayo? Will you stop watching and talking about them, baka mamaya mapansin pa kayo ng mga assuming na nandoon sa kabilang table." Ani naman ni Haylee na busy sa tablet nito.

"It's not that easy, Haylee. Tingnan mo nga, sino bang hindi mapapatuon ang tingin sa kanila kung pinagkakaguluhan na naman sila ng mga fangirls nila." Himutok pa ni Maica sabay turo sa kinaroroonan ng mga ito. "Tiyak tuwang-tuwa na naman ang tumbong ng Kenneth na iyon, kay sarap basagan."

Sabay-sabay na napatingin silang anim dito. "Hoy, Maica-tot. Ang bastos mo." Sita rito ni Jam.

Binatukan ni Maica ang huli. "Ang green mo talaga and FYI, mas bastos iyang bibig mo. Porke babasagan, itlog agad hindi pwedeng bungo?!"

"Bakit sinabi ko bang itlog?! Isa ka pa ring green, eh!"

"Gusto mo isama ko si Austin sa basagan? Take your pick, itlog o bungo?" Biro pa ni Maica.

Natawa naman si Jam. "Pwede bang both, tapos pa-request na rin, pakidamay yung matangos niyang ilong, pretty please."

"Hey, bakit naman pati si Austin? Ang bait-bait noong tao, eh." Nakakunot-noong reklamo naman ni Coleen na ibinaba ang binabasang libro. "Yung masungit, mayabang, arogante at istriktong Zandro na lang ang isama ninyo, pinahirapan na naman ako ng lokong iyan porke't siya ang SG President ay akala mo kung sino na siya."

Napapailing na lang si Cassie sa pakikinig sa mga kaibigan habang nakatuon ang atensyon niya sa pagtatype ng isang article for the campus paper. Kapag talaga tungkol sa mga lalaking iyon ay usapan ay lumalabas ang pagiging amasona ng mga ito mula noon mapahanggang ngayon.

Mga toddler pa lang kasi sila ay schoolmates na nila ang pitong lalaki dito sa Claude U, ahead lang sa kanila ng isang taon ang mga ito. Ni hindi na nga niya matandaan kung paano nila nakilala ang mga ito, basta bigla na lang naging parte ng mga buhay nila ang mga mokong para buwisitin ang mga buhay nila kaya nga masasabi naming kilalang-kilala na nila ang mga kasaltikan ng mga utak ng 7 na iyan.

CASSANDRA: An Interview with her ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon