Chapter 2Nakailang buntung-hininga na ang pinakawalan ni Cassie pero wala pa rin siyang mahugot na lakas ng loob para pumasok sa loob ng gym kung saan nag-eensayo ang basketball team. Mukhang hindi pa niya kayang harapin ito mas lalo na ang kausapin ito, ni hindi nga niya alam kung papaano ito lalapitan.
Pero kailangan niyang gawin ito, for her own good, hindi naman niya gustong ma-expel sa school niya mula toddler at hindi niya rin gustong malayo sa mga kaibigan niya. Saka wala naman siyang atraso rito kaya wala naman siyang dapat ikatakot na harapin ito at tulad nga ng sinabi niya, it's time to face her past which is Josh. Isa pa, trabaho lang ito at wala dapat personal issues na involved present man o past.
Isa pang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya bago pumasok sa loob. Marami namang nanonood sa practice nila, mostly, mga fangirls ng mga star player ng team. Halos puro tilian lang ang naririnig sa loob kapag nakaka-shoot ang mga crush ng mga ito.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang dslr camera ng masilayan ang napakaguwapong mukha ng taong minahal at minamahal pa rin niya hanggang ngayon kahit na tumatagaktak na ang pawis nito. Ngayon nga lang ulit niya natitigan nang ganito katagal ito pero yung nararamdaman niya para rito ay walang pagbabago, kaya lang kasabay niyon ay ang paninikip ng dibdib niya sa sakit at pangingilid ng kanyang mga luha nang dahil sa mga masasakit na salitang binitawan nito sa kanya noon.
"15 minutes break!"
Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mata habang pilit na pinapalis ang halong kaba at sakit na nararamdaman niya, maging ang namumuong luha ay nais niya pigilan. Hindi niya gustong humarap dito na tila naiiyak.
Pagmulat niya ng kanyang mata ay nagtagpo ang mga mata nila ni Josh na nakatingin pala sa kanya and that total ruin the resolve she's trying to build to be able to face him. Mabilis na tumalikod siya bago nito makita ang unti-unting pagbasak ng kanyang mga luha, she still can't do it. Sobrang sakit pa rin pala kasi, akala niya konti na lang pero hindi man lang pala nabawasan ni katiting.
"Hey, Casse! Himala nandito ka." Boses iyon ng kinakapatid niyang si Austin.
"Ahm... Hi, Austin." Mabilis na pinahid niya ang luha sa kanyang pisngi bago ito hinarap ng nakangiti. "I need to interview your captain for next month's issue of The Claudette."
Kunot-noong sinipat nito ang mukha niya. "Ayos ka lang ba?"
Nakangiting tumango siya. "Yeah."
Pero mukhang hindi naman ito naniniwala sa kanyang alibi.
"Bakit nga pala ikaw ang mag-iinterview sa kanya? Nasaan ang mga staff mo?" Usisa nito.
She smirked. "Well, your captain just threatened them that he will do something to expel them if they don't stop bothering him."
"And you think he won't do that to you?"
"It doesn't matter anyway, either way I'll be expelled." Pabulong lang ang pagkakasabi niya sa huling sinabi niya. "Excuse me, Austin."
Ilang buntung-hininga ang pinakawalan niya habang naglalakad palapit kay Josh. Grabe likod pa lang nito ay naguguwapuhan na siya, lalo na siguro kapag humarap na ito.
"Excuse me, Mr. Lagdameo, can I have a minute or two with you?" Pormal na tanong niya habang lahat ng kaba yata niya ay nasa kamay niya na sobrang higpit na ng pagkakahawak sa kanyang camera.
BINABASA MO ANG
CASSANDRA: An Interview with her Ex
Ficção AdolescenteWalang nakakaalam na dating boyfriend ni Cassie ang masungit na captain ng basketball team ng university nila and they both pretend that they don't know each other until she needs to interview him for an article, to be able to save her staffs from h...