#1

5 0 0
                                    

Nakakainis ka talaga.

Mabait naman ako pero pagdating talaga sa'yo, e' naiinis talaga ako.

"Hi Panget. HAHAHAHAHA." Bati mo sakin habang hagalpak kang tumatawa.

Dinedma lang kita. Ayaw kong makipagusap sa isang pangit ang ugali at muka( mukang tao pa din).

"Goodmorning Ma'am." Bati namin sa kakapasok pa lang na aming guro.
Sinagot naman kami ng 'goodmorning din' ng aming teacher.

"Ma, Ma recess na ako!" Sigaw ng kinaiinisan kong tao kay Ma'am.

Ay oo nga pala, nanay nya pala ang guro namin. Kaya bawal magsumbong sa lahat lahat ng pang bubully na ginagawa nya sa'kin.

At e'to pa ang matindi, principal din namin ang tatay nya.

Cool right? Psh.

"Ay, ano ka ba naman Ned. Magsisimula pa lang ng lesson, kain na naman." Sabi ni Ma'am sa anak nyang nagmamaktol na.

Di na nakaangal 'tong si Ned.

"Pst. Panget." Lingon nya sa'ken.

Di ko sya pinapansin. Baka ako pa galitan ng mama nya.

"Pst. Pangeet." Pabulong na sabi nya ULET.
Tiningnan ko sya ng masama.

Tinaasan ko lang ng kilay.

"Ba't ampanget mo? Hihihihi." Pang asar na sabi nya.

As in. So G-R-R-R. Kakainis talaga tong lalaking to. Sarap tanggalan ng anino, ee. Pasalamat sya at mabait ako ng sobra.

RECESS.

"HOY PANGET! Ba't di mo ko pinapansin kanina?" sabi nya at umupo sa harap ko.

"Ang sakit mo kasi sa mata." walang gana kong sabi.

"Talaga? Sorry na ha. Sobrang pogi ko ata. Di na kinaya ng mata mo. HAHAHAHA." Pang aasar mo ulet.

Nakakainis ka na talaga.

"Ano bang problema mo?" Sabi ko.

Tiningnan kita sa mata. Para malaman mong seryoso ako.

Mukang epektib. Natigilan ka ata.

Pero joke lang.

Humagalpak ka sa tawa. Sobrang hagalpak. Yung pang Oscars ang saya mo. Psh.

Nilayasan mo na ako. Salamat naman.

Pero di pa pala natatapos pang aasar mo sa akin.

"Bro, Masakit ba ako sa mata?" Tanong mo sa katropa mo.

Di mo na sila pinasagot.

"Pangit lang kasi ata ang mga taong ayaw akong tingnan." Sabay tawa mo ulet.

Tapos na ang recess at nagbalikan na ang mga estudyante.

Nagsimula ng maglesson si Ma'am Raymundo sa Math. Fraction topic namin.

Wala naman akong naiintindihan. Tango lang ako ng tango para kunwari may nagegets. Sorry. Elementary, ee.

"Ma'am, Pa'no po naging ganyan yan?" Tanong mo kay Ma'am.

"Ah, ganto yan-- Pero biglang natigilan si Ma'am kasi.

"Ay ma'am. Gusto ko pong si Nicky magexplain." Sabi mo.

Tiningan mo ako. Tinignan din ako ng mga kaklse natin. Hay nako talaga.

"Bat ako?" Sabi ko sayo na may halong pagtataka.

"Kanina ka pa kasi kitang nakikitang tango ng tango kaya parang alam mo na lahat." Ngisi mo sakin.

Ay talaga. Pinagtritripan nanaman ako. May balak ka bang pahiyain ako? Hays.

"AYIIIIIIIEEEEEEEEEEEE." Tukso ng mga kaklse natin.

Ay nako talaga. Namis interpret pa.

Tumatawa na rin si Ma'am at ang mga kaklase natin. Ikaw kasi. Nabigyan tuloy ng malisya.

"O, Ned. Kaya naman pala wala kang natututunan sa tinuturo ko, ee. Sabi ni Ma'am.

May iba sa tono ng salita ni Ma'am ah. Mukang.

"Nakatingin ka lang ata kay Nicky, ee."  Pantutuyaw ni Maam sa atin.

Puro tuksuhan na lang ang naririnig ko. Tawa. Ayiie ayiee at kung ano ano pa.
Natatawa ako di dahil sa pagtukso nila at dahil gusto ko. As if. Di ka na ata natutuwa sa nangyayari. Haha. Kasalanan mo yan, ee.

"Ma'am, kaya pala laging nagpapansin si Ned kay Nicky kasi may BULGARAN NA PAGTINGIN." Tukso naman ng kaklase namin.

Puro hiyawan na lang sa room. Medyo naiinis na din ako. Buti na lang napansin ni Maam na wala na kami sa mood ni Ned kaya tinigil nya na.

Natapos na ang Math. Buti natapos na rin ang tuksuhan kanina.

Kala ko matatapos na rin ang pang ti trip mo sa'ken, di pa pala.

"HOY PANGET. Wala akong crush sa'yo ha. Wag ka dyang magpiling maganda. Di ako nagkaka crush sa pangit." Sabi mo sakin at umalis ka na.

Naginit ang ulo ko. As in DUH? Gusto ko sana kitang sagutin kaso dumating na mama mo, ee.

Ang kapal kapal talaga ng mukha.

Kinabukasan.

Science ang lesson. Ang ganda ganda talaga ng topic. Solar system. Habang nageenjoy akong nakikinig ng lesson ay biglang may tumilapon sa muka ko na papel.

Nakita ko ikaw na nagpipigil ng tawa. Sobrang di ko na kaya. Grabi ka na talaga.

"ANO BANG PROBLEMA MO?" DI NAMAN KITA PINAPAKAILAMAN HA. BA'T KA NAMBABATO?!" Sigaw ko sayo na ikinagulat ng lahat.

Nanahimik sa room. Lahat ng mata ay nakatingin lang sa'yo.

Bigla kang umiyak. Oo. Umunggol ka pa.

"Bakit ako nanana naman?" Hindi naman kita pinapa ka kailaman?" Sabi mo habang humihikbi hikbi ka pa.

So ako may kasalanan? Ganon? Paawa. Hay nako. Ba't may ganto akong kaklase?
Pero biglang ngumiti si Ma'am.

"Nicky. Ned. Alam nyo ba na mag asawa lang ang nagaaway?" Sabi ni maam na may pantutukso.

Imbis na kaawaan nila ako, ee. Naghiriyawan nanaman sila. Tawa dito, doon. Hiyawan dito, doon.

Hanggang sa matapos ang subject pero di natapos ang panunukso ng mga kakalse natin. Hay nako.

Araw araw. Umaga. Hapon. Lagi na lang ata tayo nagaaway. Nag aaway sa napaka simpleng bagay. Sisigaw ako. Iiyak ka. Tas magtutuksuhan ulit mga kaklase natin. Wala na atang lumipas na araw na di tayo nag away.

Hay nako.

Graduation.

Masaya ako dahil nakakamit ako ng karangalan.

And at last, wala na rin  magaaway sa akin araw araw.

Maghihighschool na tayo. Magkakalayo.

Mabuti na rin para magkaroon ng katahimikan ang buhay ko. Charot. Haha.

Pero mamimiss kita, Ned.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WORST EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon