Alam mo ba...
Alam mo ba na matagal na akong may pag tingin sayo
kaya nga hanggang ngayon hanggang tingin lang ako
Alam mo ba na makita lang kitang nakangiti, at masaya kuntento na ako
kahit na alam kong hindi ako ang dahilan ng pag ngiti mo at kahit kailan hinding hindi ako ang magiging kasiyahan mo
Alam mo ba na lagi akong sumisilip sa classroom niyo
kaya nga minsan na le-late ako at napapagalitan dahil ang tagal kong bumalik galing c.r.
Alam mo ba lagi akong tambay sa social media accounts mo
kaya nga lagi nang sumasakit yung mga mata ko
Alam mo bang gabi-gabi kang nasa panaginip ko
siguro ito ang dahilan kung bakit ang kapal ng eyebags mo, hindi ka makatulog sa gabi kaka isip ko sayo
Alam mo ba na madalas akong sumunod sayo pag uwian
Malaman ko lang na safe kang uuwi. kahit na abutin pa ako ng curfew ng parents ko
~
Alam mo ba na matagal na akong may pag tingin sayo
kaya nga hanggang ngayon hanggang tingin lang ako
kase natatakot akong pag lumapit ako sainyo makaistorbo ako sa pag ku-kwentuhan niyo.
Alam mo ba na makita lang kitang nakangiti, at masaya kuntento na ako
kahit na alam kong hindi ako ang dahilan ng pag ngiti mo at kahit kailan hinding hindi ako ang magiging kasiyahan mo
kase alam ko namang nandiyan siya para sayo. kaya ka niyang pangitiin kahit sa simpleng salita at pasayahin sa simple niyang pag gawa.
Alam mo ba na lagi akong sumisilip sa classroom niyo
kaya nga minsan na le-late ako at napapagalitan dahil ang tagal kong bumalik galing c.r.
kase sa bawat pag silip ko sa classroom niyo naiiyak ako. Lalo na pag nakita ko kayong mag kahawak ng kamay habang nag uusap.
Alam mo bang lagi akong tambay sa social media accounts mo
kaya nga lagi nang sumasakit yung mga mata ko
kase sa bawat scroll ko puro picture niyong dalawa at ang masaklap ang sweet niyo pa. kaya ang ending umiiyak ako habang naka tingin sa screen ng cellphone ko.
Alam mo bang gabi-gabi kang nasa panaginip ko
siguro ito ang dahilan kung bakit ang kapal ng eyebags mo, hindi ka makatulog sa gabi kaka isip ko sayo
kase sa panaginip ko na lang pwedeng makita at makarandam nang sobrang saya kasama ka.
Alam mo ba na madalas akong sumunod sayo pag uwian
kahit na abutin pa ako ng curfew ng parents ko
kase gusto kong malaman na nakauwi ka nang maayos at walang galos pag ka tapos mo siyang ihatid sa bahay nila.
Alam mo ba na sobrang sakit na, Na sawang sawa na ako, Na pagod na pagod na ako, Na hirap na hirap na ako.
Alam mo ba madalas na pumapasok sa isip ko na huminto na, na sumuko na, na tumigil na, para hindi na ako masaktan, para hindi na ako mahirapan, para hindi na ako mapagod.
Pero alam mo ba na kahit hirap na hirap at pagod na pagod na ako e hindi ko magawang sumuko.
Alam mo ba kung bakit? kasi mahal na mahal kita. Na kahit paulit-ulit pa akong masaktan. kahit hirap na hirap na ako. kahit pagod na pagod na ako. kahit na gusto ko nang sumuko. Hindi ko magawa kasi ganon kita kamahal.
Kaya sana kahit isang araw lang mapansin mo ulit ako, kahit isang araw lang tawagin mo ulit ako sa pangalan ko, katulad ng pag tawag ko sa pangalan mo pag mag isa ako
Kase yung pag mamahal ko sayo hindi lang isang araw... yung pag mamahal ko kase sayo matagal na, kaya nga hanggang ngayon mahal parin kita. Mahal na mahal parin kita
Alam mo ba miss na miss ko na yung dating tayo, kaya sana pansinin mo na ulit ako.