* I'm back mga ati! :"> Hope you like this one. :3 *
°°°°
Nagkakamot ako ng ulo habang binabasa tong letseng music sheet na to. First time ko kasi magbasa at syempre di ako marunong! Ano ako? Magic? -.- Nasa music class ako ngayon and I'm playing the piano. Dammit. Pwedeng chords na lang? XD
" Okay guys! Take a five minute break! May pupuntahan lang ako. " sabi ng prof namin. Whoo! Buti na lang hindi basted ngayon si Ser. Hehehe. 22 pa lang kase. Araw araw sawi. Bakit? Wag niyo nang itanong. XD
Napatingin ako sa kanan ko at nakita si Lexi while reading the music sheet. Waw. Kulang na lang iglue niya na mukha niya dun a. Nahihirapan din siguro to.
Bigla siyang tumingin sakin, katabi ko lang kasi diba? Piano din siya. Dalawa kami. Bawal daw kasi gitara kaya no choice siya. Nginitian niya ako at tinanong kung nahihirapan daw ba ako.
" Ah e, oo e. " nag-aalangan ko pang sagot. Turn off kasi pare dibs? -.-"
" Ganito. " Hinawakan niya yung kamay ko at ginuide sa keyboard. Syet! Natutunaw kamay ko! May lason! Lason ng pagmamahal! Sige. Ako na korni. XD " Ayan. Sige sabay tayo Mayk. " at syempre sinabayan ko siya. Oo nga naman! Nakuha ko at nagets ko pa yung music sheet a! Galing talaga ni Lexi! Naiinlove tuloy ako. XD Aww. Nabuko. *kamot ulo*
*bell*
Tumayo na ako at nagligpit ng gamit. Palabas na sana ako ng pintuan nang harangin ako ni Lexi.
" Huy! MMDA. " Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano daw? MMDA? Oo alam kong blue tong jacket ko pero di ako MMDA a! -.- Badtrip.
~~~~
Kumakain kami nila Jey ng lunch ngayon. As usual, cheeseburger na naman ang kinakain ko. Wala na kasing ibang nakakabusog dun e. Puro tsitsirya. Sexy to! >:D Loko lang. XD